(NI MITZI YU) TINIYAK ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ligtas daanan ng milyun-milyong deboto ng Black Nazarene ang Jones Bridge. Ayon kay DPWH-NCR Engr.Rey Rosario sa katatapos lamang na final media briefing sa Quiapo Church, kinukumpuni na lahat ng mga sirang manhole, kalsadang dadaanan ng andas. Nagsagawa na rin aniya ng local at national road clearing katuwang ang mga tauhan ng Manila Department of Public Services at nang Metro Manila Development Authority (MMDA) . Maging ang Mc Arthur Bridge, ayon kay Engr. Rosario, ay patuloy pa…
Read MoreAuthor: Jet
PINOY NURSE KAILANGAN SA GERMANY
(NI KEVIN COLLANTES) INIHAYAG ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa mga nurses na nais magtrabaho sa Germany, sa ilalim ng Triple Win Project. Ang Triple Win Project ay isang joint initiative ng German Federal Employment Agency (BA) at ng POEA, na naglalayong magpadala ng mga nursing professionals sa iba’t ibang bahagi ng Germany. Nabatid na tinawag itong Triple Win Project dahil mabebenepisyuhan nito ang tatlong entities, particular na ang Pilipinas, Germany, at ang mga nurses. Ayon sa POEA, maaaring mag-aplay ang…
Read MoreWALANG PASOK SA MAYNILA SA JAN 9
SUSPENDIDO ang pasok sa eskuwelahan at city government sa Maynila dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga deboto para sa traslacion 2019, sinuspinde na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pasok sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa Enero 9. Sa press conference sa Quiapo Church, inanunsyo ni Manila City Administrator Erikson Alcovendaz na pinirmahan na ni Mayor Erap Estrada ang Executice Order 1 series of 2019 na nagdedeklara ng suspensiyon ng klase sa Enero 9. Sinabi ni Alcovendaz na suspendido rin ang pasok sa trabaho sa city hall maliban…
Read MoreNAPOLES PINAAALIS NA SA CAMP BAGONG DIWA
TINANGGIHAN ng Sandiganbayan ang apela ng grupo ni Janet Lim Napoles na manatili sa kanyang detention cell sa Camp Bagong Diwa, Quezon City at iginiit na ilipat na ito sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City. Hindi pinayagan ni First Division chair Associate Justice Efren dela Cruz ang motion for reconsideration ng kampo ni Napoles na manatili ito sa Camp Bagong Diwa. Gayunman, sinabi ng kampo ni Napoles na hindi ito ligtas sa CIW. Noong December 28 pa iniutos ng Sandiganbayan na ilipat si Napoles sa koreksiyunal subalit…
Read MorePLUNDER CASE VS IN-LAWS NI DIOKNO
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKAUMANG na ang plunder case sa mga in-laws ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno matapos ang pagdinig ng Kamara sa anomalya sa flood control projects sa Sorsogon. Ayon kay House majority leader Rolando Andaya Jr., hawak na nila ang ebidensya na umaabot na sa P50 Million ang nakuha ng Arema Construction na pag-aari ng mga anak ni Casiguran, Sorsogon Mayor Edwin Hamor sa umano’y flood control scam kaya pasok na anya ito sa plunder case. “We are now in possession of bank transaction…
Read MoreTARP NG POLITIKO SA NAZARENO BAWAL
(Ni Samantha Mendoza) HINDI papopormahin ang mga pulitiko na nagbabalak na ‘umepal’ sa 2019 Translacion sa Enero 9 sa Maynila. Sinabi ni Father Douglas Badong, Parochial Vicar ng Minor Basilica ng Black Nazarene na aalisin ang lahat ng tarpaulin na ilalagay ng mga pulitiko na kandidato sa mga daraanang ruta ng andas sa Traslacion. Ito umano ay iyong mga mukha ng mga kandidato na may mga nakasaad na pagbati para sa kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno. Umapela ang mga organizers ng Traslacion sa mga pulitiko na igalang ang…
Read MoreP200-B SAVINGS IPINAGAGAMIT NA
(NI BERNARD TAGUINOD) PWEDE nang gamitin ang P200 Billion na savings o hindi nagastos ng gobyerno noong 2018 matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution (JR) No.3 na inakda ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nagbibigay ng karagdagang buhay sa 2018 national budget. Ito ang inanunsyo ng liderato ng Kamara sa pamamagitan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makarating sa kanilang kaalaman na piniramahan na ni Duterte ang nasabing resolusyon. Inakda ni Arroyo ang nasabing resolusyon dahil sa cash-budgeting system na itinutulak ng mga economic…
Read MoreSWINE FLU NASA BANSA NA?
SINIBAK ni Agriculture Secretary Manny Pinol ang buong quarantine group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mabigong pigilan ang quarantine protocols sa pagpasok sa bansa ng mga pork products na kontaminado ng African Swine Fever (ASF) Sinabi ni Pinol na walang quarantine protocol na ipinatutupad ang Bureau of Animal Industry (BAI). Ito ay matapos ipag-utos na tiyakin mayroong footbaths at iba pang hakbang sa entry points ng bansa. Nakakuha ng report sa pagkalat ng ASF sa China. Walong bansa na ang apektado ng ASF kaya’t todo-bantay ang bansa sa…
Read MoreEX-MAYOR, KAPATID, PATAY SA RAID
PATAY ang dating mayor ng Maguindanao at kapatid nito nang magsagawa ng search warrant operation ang pulisya kaninang hatinggabi sa Cotabato City. Namatay sa mga tama ng bala sina Talib Abo, dating mayor ng Parang, Maguindanap at kapatid na si Bobby. Sinabi sa report na ni-raid ng PNP 12 Regional Mobile Force, PNP-Special Action Force, Army Special Forces Battalion, PDEA-12, ang apat na bahay ng mga Abo. Nanlaban umano sina Abo kaya napilitan ang raiding team na magpaputok. Naisugod pa ang magkapatid sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit…
Read More