INILABAS na ng pulisya ang dalawang katao na sinasabing sangkot sa New Year’s Eve bombing sa Southseas Mall sa Cotabato City na pumatay sa dalawa at ikinasugat sa mahigit 30 iba pa. Ang mga suspect umano ay nakita sa ikalawang palapag ng mall at may dalang maliit na containter na katulad ng laki ng beauty cream, ayon kay Supt. Oliver Modias, chief of Special Investigation Task Group Southseas. Nakita rin sa CCTV ng mall na dalawang lalaki ang nag-iwan ng maliit na pakete malapit sa lotto outlet sa labas ng…
Read MoreAuthor: Jet
TRAFFIC REROUTING SA MAYNILA
(NI SAMANTHA MENDOZA) ISASARA ang ilang kalsada at magkakaroon ng traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa panahon ng mga aktibidad para sa pista ng Poon ng Itim na Nazareno sa Enero 9 sa Maynila. Nabatid sa abiso ng MDTEU, sa Lunes, Enero 7, isasagawa ang pagbabasbas at prusisyon para sa mga replica ng Nazareno, sisimulan ang pagsasara ng ilang kalsada. Nalaman na mula alas 11 ng umaga ay isasara ang southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda, at ang westbound lane…
Read More2 TINUTUTUKAN SA COTABATO BLAST
DALAWA katao ang minamanmanan ngayon ng pulisya sa naganap na pagsabog sa South Seas Mall sa Cotabato City noong Bisperas ng Bagong Taon kung saan dalawa ang nasawi at mahigit 30 ang sugatan. Nakipag-ugnayan na si Capt.Arvin Encinas, spokesperson ng 6th Infantry Division kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa isasagawang joint investigation sa kaso na sinasabing trabaho ng local ISIS group. Ang bomba, ayon kay Encinas, ay gawa sa plastic containter na may ‘improvised electric blastic cap — nine-volt battery at concrete nails — na nakadikit…
Read MoreDOT PINAKIKILOS VS UK, AUSTRALIA ADVISORY
(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ni Senador Nancy Binay ang Department of Tourism (DoT) na gumawa ng aksyon para kontrahin ang inilabas na advisory ng mga bansang United Kingdom at Australia sa mga mamamayan nito na nasa bansa. Ayon kay Binay, pinuno ng Senate Committee on Tourism, kailangang kumilos ng DoT tulad ng magpalabas ng update sa Philippine travel guides upang maitama ang negatibong impresyon sa nangyayari sa Mindanao. “Dapat magdoble-kayod ang DOT sa pag-counter ng negative publicity na resulta ng mga travel advisory,” sabi nito. Pinakilos din nito ang Philippine…
Read More8 BAYAN SA BATAAN MAY RED TIDE PA RIN
BALANGA CITY – Nananatiling positibo sa red tide toxin ang karagatang sakop ng walong bayan sa Bataan kabilang ang coastal waters ng Pampanga at iba pang lugar sa bansa. Ito ang nakasaad sa Shellfish Bulletin No. 31 series of 2018 na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Disyembre 28, 2018. Base sa ulat, ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga City, Abucay at Samal ay positibo pa rin sa paralytic shellfish poison. Dahil dito ang pagkain sa lahat ng uri ng shellfish kagaya ng…
Read MoreARMAS ISINUKO NI MAYOR BALDO
ISINUKO ni Mayor Carlwyn Baldo, ng Daraga, Albay, ang tatlo sa apat na baril, ayon kay PNP chief Director Oscar Albayalde Biyernes ng hapon. Sa press conference, sinabi ni Albayalde na isang 12 gauge shotgun at dalawang .45 cal pistol ang isinauli ni Baldo sa Albay Provincial Police Office. Hindi naman naisuko ang isang Elisco 5.56 rifle, na ayon sa mayor ay nawawala. Kahapon ay iniutos na ni Albayalde ang kanselasyon ng gun permit ni Baldo matapos itong iturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at police…
Read MorePRESYO NG BILIHIN MATAAS PA RIN
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI ikinatuwa ng mga mambabatas sa Kamara ang 5.1% na naitalang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2018 dahil halos kalahati pa rin ito sa 3.3% noong 2017 o bago ipinatupad ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate, walang dapat ikatuwa dahil naitala ang inflation rate na ito bago ipinatupad ang second tranche ng TRAIN Law na nadagdagan ng P2 ang bawat litro ng diesel at gasolina. “It is bound to get worse,…
Read MoreISA PA SUSPECT SA BATOCABE MURDER SUMUKO
ISA pang suspect sa pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang sumuko sa pulisya Biyernes ng hapon. Si Jauwin Babor, alias ‘Jie’ ay nasa pangangalaga na ng intelligence group ng Philippine National Police headquarrers sa Camp Crame, Quezon City, ayon kay PNP chief Director General Oscar Alabayalde sa press briefing sa Camarines Sur. Sinasabing si Babor ang driver ng getaway na motorsiklong ginamit matapos mapatay si Batocabe at security aide na si SPO1 Orlando Diaz noong December 22. Si Babor aynagtano umano sa Metro Manila matapos isagawa ang pagpaslang,…
Read MoreMPD NAKAALERTO, 7,200 PULIS IKAKALAT
UMAABOT sa 7,200 pulis ang ikakalat para bigyang seguridad ng mga deboto sa Translacion ng Black Nazarene sa Miyerkoles. Sa kabuuang bilang, 2,200 ang mula sa Manila Police District habang ang 5,000 iba pa ay mula naman sa mga police district sa metro. Sinabi ni Metro Manila Police chief Director Guillermo Eleazar na babantayan ng mga pulis ang ruta ng prusisyon ng Black Nazarene at iba pang pangunahing lugar sa Maynila. Wala din umanong telecommunication signals sa daraanan ng Translacion. Samantala, papayagan namang makalipad ang mga drones sa ruta ng…
Read More