SENADO PUNO NG PAG-ASA SA 2019

SENATE

(NI NOEL ABUEL) Sa kabila ng maraming masamang nangyari sa 2018 ay umaasa naman ang ilang senador na magiging maganda ang dulot ng 2019. Sinabi ni opposition Senator Leila de Lima, ang Bagong Taon ay pagbubukas ng pagkakataon para sa bagong simula, pagharap sa mga hamon, at pagbadya ng makabuluhang pagbabago. “Kung babalikan ang nagdaang taon, nagdulot sa atin ng mabibigat na pagsubok ang taong 2018. May mga kababayan tayong patuloy na nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay dahil sa mga di-inaasahang trahedya. Hanggang ngayon, may mga bagong…

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK DUMARAMI, 1 NAPUTULAN NG KAMAY

paputok200

INAASAHANG aakyat pa ang bilang ng mga biktima ng paputok matapos ang maulan na pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC). Nasa 23 biktima ng paputok ang naitala sa pagamutan. Ayon kay Dr. Wesson Espiritu, ortho surgeon, nagsisimulang dumagsa ang mga pasyente ng alas-10 ng umaga. Sila umano ang mga taong namumulot ng paputok sa kalsada. Ang iba naman umano ay mga lasing at nagpaputok sa pahabol sa New Year celebration. Kadalasan din umanong mga galing sa probinsiya ang mga biktima. Gayunman, kumpara noong…

Read More

71 NA PATAY KAY ‘USMAN’

lanslide

NASA 71 katao na ang patay habang 17 pa ang nawawala at 12 ang sugatan dahil sa bagyong ‘Usman’ ayon sa pinakahuling report ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).Kagabi ng alas-6:00, nasa 30,469 pamilya o 128,982 katao ang apektado ni ‘Usman’ sa 321 barangay sa Calabarzon, Mimaropa at Region V atVIII. Sa mga bilang na ito, 3619 pamilya o 14,144 katao ang nasa 112 evacuation centers. Umaabot naman sa 92 kalsada at tatlong tulay sa Mimaropa at Region V,VI at VIII ang apektado. Ngunit sa bilang na ito,…

Read More

DONNIE NIETES WAGI!

(NI VTROMANO) NAGBUNGA ang sakripisyo ni Donnie Nietes na malayo sa piling ng pamilya sa pagdiriwang ng New Year. Gayunpaman, makulay niyang sinalubong ang 2019 matapos umiskor ng pahirapang split decision win laban kay Japanese Kazuto Ioka, Lunes ng gabi sa Wynn Palace Cotai, Macao. Sinungkit ni Nietes ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super flyweight crown at maging four-division world champion. Binigo rin niya ang pangarap ni Ioka na maging kauna-unahang four-division world champion ng Japan. Ang iskor ng tatlong hurado: 118-110 at 116-112 para kay Nietes at 116-112…

Read More

REP. BATOCABE INILIBING NA

batocabe500

INILIBING na si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe kung saan hindi ramdam ng mga supporters nito ang malakas na buhos ng ulan, Lunes ng hapon. Bago magtungo sa Daraga Public Cemetery, iniikot ang mga labi ng kongresista sailing bareangay sa bayan ng Daraga kung saan ito isinilang. Nakapayong ang mga supporters ng kongresista na matiyagang naghintay sa gilid ng  kalsada at kahit sa huling sandali ay masulyapan man lang ang mga labi nito. Marami ang nagmamahal sa kongresista na umaasang malulutas din ang kaso nito. Maraming senior citizens, pangunahing…

Read More

2 PATAY, 27 SUGATAN SA MALL BOMBING

mall

DALAWA katao ang iniulat na namatay habang 27 iba pa ang sugatan sa pagsabog na naganap sa harap ng mall sa Cotabato City, Lunes ng hapon. Isa sa mga nasawi si Jonathan Tasix, 27, tricycle driver at ng Upi, Maguindanao. Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima. Sinabi sa report na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City. Wasak ang tricyle na posibleng pinagsakyan ng bomba. Cellphone umano ang nagsilbing triggering mechanism sa bomba na gawa sa…

Read More

MAMIMILI DAGSA NA SA BOCAUE

new

HINDI inalintana ng mga mamimili ang masungit na panahon sa pagdagsa sa Bocaue, Bulacan para bumili ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Umaga pa lang ay dagsa na ang mga mamimili sa Bocaue kung saan ang presyo ng mga imported na fireworks ay dumoble ng hanggang P20,000 para sa pinakamahal na klase sa merkado. Kabilang sa mabenta ang trompilyo, human candle, lusis at sawa. Marami ang naniniwala na ang pagpapasabog o pag-iingay sa pagsapit ng Bagong Taon ay nakapagpapaalis ng malas sa buhay o masayang pagsalubong sa panibagong buhay.…

Read More

CAM NORTE NASA STATE OF CALAMITY NA RIN

camnorte1

ISINAILALIM na ang Camarines Norte sa state of calamity Lunes dahil sa lawak ng pinsala ng bagyong dulot ni ‘Usman’. Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon ng provincial disaster risk reduction and manager council para ideklara sa ilalim ng state of calamity ang probinsiya.  Dumalo sa special session sina Gov. Edgardo Tallado at Vice Governor Jonah Pimentel na namuno sa Sangguniang Panlalawigan. Ang deklarasyon ay magpapahintulot sa local government na gamitin ang kanilang calamity fund. 594

Read More

ILANG FLIGHTS KANSELADO

airplane

KINANSELA ng Manila International Airport Authority (Miaa) ang ilang local flights dahil pa rin sa masamang panahon. Kasamang kanselado ang flights hanggang Lunes ng alas-9 ng umaga ang: Cebu Pacific 5J 504 Manila-Tuguegarao 5J 505 Tuguegarao-Manila Makararanas pa ng amihan o monsoon rain at maulap na papawirin ang ilang bahagi ng bansa. Ang  Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin dahil sa northern monsoon. Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang nalalabing bahagi ng Luzon, kabilang…

Read More