GUIUAN, EASTERN SAMAR NIYANIG NG 5.5. LINDOL

NIYANIG ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Guiuan sa Eastern Samar. Naitala ang pagyanig ala 1:31 kanina, Biyernes, Nov. 8. Ang epicenter ng lindol ay sa layong 3 kilometers Southwest ng Guiuan. May lalim itong 3 kilometers at tectonic ang origin. Naitala ang sumusunod na instrumental intesities: Intensity IV: Borongan City, Eastern Samar Intensity III: Palo Leyte, San Francisco Southern Leyte Intensity II: Surigao City Intensity I: Ormoc City, Gingoog City 407

Read More

MEGA TRAFFIC ASAHAN NGAYONG WEEKEND

traffic

(NI ROSE PULGAR) NGAYON weekend ay makakaranas ng matinding trapik ang mga motorista dahil isasara ang ilang kalsada sa Kalakhang Maynila bunsod ng isasagawang road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinimulan mamayang gabi hanggang sa Lunes ng umaga (Nobyembre 11). Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga apektadong lugar sa road re-blocking ay ang Southbound ng EDSA Camp Crame Gate 1 hanggang pagkatapos ng Annapolis St. (beside MRT); EDSA pagkatapos ng  Muñoz hanggang  Bansalangin St. (1st lane from sidewalk) at  G. Araneta Bayanin intersection. Apektado…

Read More

BABAGSAK SA GMRC, ‘DI GAGRADUATE

(NI BERNARD TAGUINOD) KAHIT matalino ang isang estudyante kung walang modo sa kapwa tao lalo na sa mga matatanda ay hindi ito gagraduate. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa kanilang panukalang batas na ibalik sa eskuwelahan ang Good Manners and Right Conduct (GMRC). Sa ambush interview kay Cayetano na isa mga may-akda sa nasabing panukala at inaprubahan na sa House committee on basic education na pinaumunuan ni Pasig Rep. Roman Romulo, bibigyan ng grado ang mga estudyante sa GMRC. “Meron nang good morals and right…

Read More

INCENTIVE IDA-DIAL NG TNT

MGA LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 4:30 P.M. — COLUMBIAN VS MERALCO 7:00 P.M. — TNT VS GINEBRA (NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) TARGET ng TNT KaTropa na masungkit ang twice-to-beat advantage kasama ang bagong addition na si Ray Parks Jr., kontra Barangay Ginebra San Miguel ngayong gabi sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum. Susuotin ni Parks sa unang pagkakataon ang KaTropa jersey sa second game na magsisimula ng alas-7:00 ng gabi, kung saan susubukan niyang magbigay ng magandang kontribusyon para sa kanyang bagong koponan. Nakuha ng…

Read More

YOLANDA VICTIMS SQUATTER PA RIN SA HOUSING UNIT

(NI BERNARD TAGUINOD) ANIM na taon matapos salantain ng super typhoon Yolanda ang Leyte at mga karatig lugar, squatter pa rin ang mga beneficiaries ng mga housing projects sa kanilang tinirhang yunit. Ito ang nabatid sa mga militanteng mambabatas sa Kamara kaya naghain ang mga ito ng resolusyon para alamin kung bakit masyadong mabagal ang pagbibigay ng land title sa mga homeowners sa mga housing projects. Sa House Resolution (HR) 351 na ihinain nina Reps. Ferdinand Gaite, Carlos Zarate at Eufemia Cullamat, inaatasan ng mga ito ang House committee on…

Read More

INCENTIVE LEAVE SA MGA MANGGAGAWA DARAGDAGAN

(NI BERNARD TAGUINOD) BAKASYON grande ang mga manggagawa sa bansa kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil dadagdagan ang anilang mga incentive leaves. Sa House Bill (HB) 5181 na iniakda ni An Waray party-list Rep. Florencio Noel, nais nito na gayahin ang patakaran sa ibang bansa na binubusog ng mga employers ang kanilang mga empleyado ng bakasyon. Ayon sa mambabatas, sa kasalukuyan ay 5 araw lamang ang Service Incentive Leaves (SIL) kada taon ang ibinibigay sa mga manggagawa sa bansa sa mga empleyado na isang…

Read More

PHIVOLCS NAGLAGAY NG SEISMIC INSTRUMENT SA DAVAO DEL SUR, MT. APO

(NI DONDON DINOY) STA. CRUZ, Davao del Sur –Isang seismic instrument ang inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) sa lugar upang ma-monitor ang pagalaw ng lupa. Ang earthquake monitoring equipment ay inilibing sa compound ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) upang tingnan ang paggalaw ng lupa sa Davao del Sur at mga karatig na lugar. Inabisuhan din ng PhiVolcs ang mga residente na manatili muna sa mga open space dahil posibleng marami pang mararanasan ng mga aftershocks sa Mindanao. May lalim na isang kilometro…

Read More

BILANG NG LASENGGERO TUMATAAS; PRESYO NG ALAK HILING ITAAS

(NI NOEL ABUEL) LUBHA nang nakababahala ang dumaraming bilang ng mga Filipinong lasenggero sa bansa kung kaya’t panahon nang taasan ang presyo ng alak. Ito ang sinabi ni Senador Pia Cayetano kasabay ng pagsasabing maliban sa masamang epekto sa kalusugan na idinudulot ng alak ay malaki rin ang epekto nito sa pamumuhay ng bawat pamilya. Sa pagpapatuloy na debate sa plenaryo ng Senado sa Senate Bill No. 1074, pinaninindigan ni Cayetano na napapanahon nang patawan ng dagdag na buwis ang mga alak at sigarilyo. Paliwanag pa ng senador na ang…

Read More

DAGDAG-SAHOD SA GURO PINAMAMADALI

(NI NOEL ABUEL) INAAGAD na ni Senador Win Gatchalian ang pagrebisa ng Republic Act 4670 o Magna Carta for Public School Teachers para matugunan ang matagal nang hinaing ng mga guro sa mababang sahod at nakaaawang kalagayan. Ayon kay Gatchalian, nakapaloob sa 27 probisyon ng naturang batas, 11 lamang ang natupad habang siyam ang bahagyang natupad at pito ang hindi pa natutupad. Sa isang policy forum na pinamunuan ng Civil Society Network for Education Reforms (E-Net Philippines) at ng Senate Committee on Basic, Education, Arts and Culture, sinabi ni Gatchalian…

Read More