(NI JEAN MALANUM) UMALIS patungong Tokyo, Japan ang national men’s volleyball team para sa 16-day training camp na bahagi ng kanilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games na gagawin dito sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Ayon kay head coach Dante Alinsunurin, maliban sa pagkakataon na makalaro ang iba’t ibang clubs at university teams sa Japan, layunin din ng foreign trip na mahubog ang camaraderie at chemistry ng mga Pinoy spikers bago sumabak sa biennial meet. Tangka ng national team ang podium finish matapos na umuwing luhaan noong…
Read MoreAuthor: Jet
AMBUSH SA HUKOM HILING MAHAWAKAN NG DOJ
HINILING ni Chief Justice Diosdado Peralta na magkaroon sila ng kapangyarihan na imbestigahan ang pagpatay sa mga tauhan ng korte at kasuhan ang mga nasa likod nito. Ito ay matapos ang pagpatay kay Judge Mario Bañez na inambus dahil sa umano’y mga kasong may kinalaman sa droga na nakabimbin sa sala nito. Naniniwsala si Peralta na posibleng ang ambush kay Bañez ay dahil sa mga drug case imbes na sa isyu ng pag-abswelto sa isang aktibista na may hiwalay na kaso. Isang drug lord umano ang inabswelto ng hukom at…
Read MoreBAGYONG QUIEL NAKALABAS NA NG BANSA
KANINANG alas-5:00 ng madaling araw ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Quiel. Ayon sa 5am weather update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan. May taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras. Mabagal na kumikilos ang Bagyong Quiel sa direksyong pa-Kanluran at tinatahak ngayon ang bansang Vietnam. Sa kabila nito, nakakaapekto pa rin ang Tail-End of a Cold Front sa Northern Luzon.…
Read MoreMAJA: I’M NOT VERY HAPPY OR COMFORTABLE NOW
(NI BOY ABUNDA) KAHIT malakas kumain ay kapansin-pansin pa rin ang magandang pangangatawan ni Maja Salavador. Ayon sa aktres ay malaking bagay ang kanyang ginagawang pagsasayaw upang mapanatiling maganda ang katawan. “Siguro dahil blessing na ‘yung nagsasayaw ako. Pero ako, I’m not very happy or comfortable now. Kasi hindi ito ‘yung usual weight ko, siyempre galing bakasyon di ba? Nando’n ako sa ‘pag napi-feel ko na parang I’m not happy sa weight ko, nando’n ‘yung nag-e-exercise na ako, control na the food, ganyan. But sobrang pagod ko sa taping, minsan…
Read MoreNAKAAAWANG ESTADO NG PINOY ATHLETES IIMBESTIGAHAN
(NI ABBY MENDOZA) ISANG House Resolution ang inihain sa Kamara ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na humihiling na magsagawa ng investigation in aid of legislation sa tunay na lagay ng Pinoy athletes. Sa House Resolution No 50 ni Barzaga, hiniling nito sa House Committee on Youth and Sports Development na silipin ang tinawag niyang “sorry state”ng mga manlalarong Pilipino. “The sorry plight of our national athletes still persists, despite the apparent financial support, our national athletes still plea that it is not enough or sadly becomes lost in the midst…
Read MorePBA-READY NA SI BULANADI
(NI JOSEPH BONIFACIO) MATAPOS ang kanyang karera sa collegiate league bilang top gunner ng San Sebastian Stags, wala nang ibang pupuntahan si Allyn Bulanadi kundi ang sumubok sa pro league. Hindi muna siya sasabak sa PBA, bagamat sasali siya sa Annual Draft sa Disyembre. Ito ay dahil may nauna nang komitmen si Bulanadi sa koponan ng Basilan Steel sa MPBL. Bigo ang 22-anyos na cager na mabitbit sa finals ang Baste, nang matalo sa kamay ng Letran Knights, 80-85 sa stepladder semis ng NCAA Season 95. Subalit umaasa si Bulanadi…
Read MoreCAGAYAN ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA BAHA
ISINAILALIM ang lalawigan ng Cagayan sa state of calamity ngayong Biyernes dahil sa matinding pagbaha sa rehiyon. Sa resolusyon na isinumite sa provincial board ng Cagayan, pinahintulutang gamitin ang local disaster funds para sa rehabilitasyon ng nawasak na ari-arian bunsod ng malawakang pagbaha. Ayon sa Office of Civil Defense, nasa 12 bayan sa northern Cagayan ang nakalubog dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan. Umabot na sa 4,760 pamilya o 20,152 katao ang apektado sa pagbaha. Tatlo katao na rin ang nasawi sa pagkalunod habang dalawa naman ang nasabi…
Read MoreHIGIT 1K MANGGAGAWA NAWALAN NG TRABAHO SA LINDOL
(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY – Nasa 1,012 katao ang nawalan ng trabaho sa Kidapawan City matapos huminto ang operasiyon ng ilang mga establisiemento habang ang iba naman ay tuluyan nang nagsara dahil sa nasirang mga gusali. Ito ang sinabi ni Department of Labor and Employment o DOLE Regional Director Sisinio Cano sa pinakahuling datos na kanilang nakuha mula sa DOLE-North Cotabato. Posible pa umanong madagdagan ito dahil ang nasabing datos ay karamihan mula sa Kidapawan at hindi pa nila nakukuha ang ibang detalye sa iba pang mga bayan na…
Read More30 DAYS NA SICK LEAVE SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS IGINIIT
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON na ng sick leave ang mga public school teachers sa sandaling maaprubahan at maging batas ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil dito. Hindi lamang 15 days SL tulad ng ibibinigay sa mga manggagawa sa pribadong sektor kundi 30 days ang nais ibigay ni ACT party-list Rep. France Castro sa mga public school teachers sa kanyang House Bill (HB) 5349 o “An Act Providing Sick Leave Benefits of Thirty Days per year for Public School Teachers”. Ayon kay Castro, sa ngayon ay walang ibinibigay na…
Read More