(NI JEDI PIA REYES) IPINAMAMADALI na ng House Committee on Natural Resources sa National Housing Authority ang paghahanap ng relokasyon at pagtatayo ng pabahay para sa mga informal settler sa paligid ng Manila Bay. Ayon kay committee chairman Rep. Elpidio Barzaga Jr., hindi tuluyang malilinis ang Manila Bay hangga’t may mga informal settler na nagtatapon sa ilog. Sinasabing 80 porsiyento ng polusyon sa Manila Bay ay mula sa mga basurang itinatapon ng informal settlers. Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Christine Firmalino ng NHA, na nasa 24 porsyento pa lang…
Read MoreAuthor: Jet
P20-B ‘MALABO’ SA NATIONAL BUDGET BUBUSISIIN NI PING
(NI DANG SAMSON-GARCIA) MATAPOS ibunyag na wala siyang nakitang pork insertion sa proposed 2020 national budget, inihayag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nasa P20 bilyon ang hindi malinaw sa detalye ng paggugugulan nito. Sinabi ni Lacson na nagmula pa sa National Expenditure Program (NEP) ang kwestyonableng alokasyon at hindi ginalaw sa inaprubahang bersyon ng Kamara. Isa sa inihalimbawa ni Lacson ay ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa repair ng Kennon Road na hindi nakalagay kung saang bahagi ng kalsada. “That’s more or less…
Read MoreDEPT OF DISASTER RESILIENCE, MALABONG MAPONDOHAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Bong Go na malabo nang mapondohan pa ang isinusulong na Department of Disaster Resilience (DDR) para sa susunod na taon kahit maging ganap itong batas ngayong 2019. “Sa ngayon, mahihirapan tayo. Sa tingin ko kung pumasa na po ito ay sa 2021 na po ito,” saad ni Go. Sa ngayon aniya ang kailangang gawin ay magtulung-tulong muna upang tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa Mindanao. Bukod anya sa pagkain, tubig at matutuluyan, kailangan din ng mga taong naapektuhan ng lindol na…
Read MorePNP TUTUTOK DIN SA PRICE FREEZE SA M’DANAO QUAKE
(NI NICK ECHEVARRIA) PINATITIYAK ni Philippine National Police OIC P/LtGen. Archie Gamboa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mahigpit na maipatupad ang pag-iral ng price freeze sa mga lugar na apektado ng magkakasunod na lindol sa Mindanao. Ayon kay Gamboa, kasama aniya ang CIDG ang grupo ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan sa pag-iikot upang silipin kung nananatili pa sa normal ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar. Kabilang sa mga pinababantayan ay ang mga de-Lata tulad ng sardinas,…
Read MorePH SOFT TENNIS TEAM, MATAAS ANG MORALE
(NI JEAN MALANUM) DUMATING na sa huling yugto ng training para sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) ang national team na kasalukuyang lumalaban sa 16th World Soft Tennis Championships sa Taizhou, Zheijang Province, China. Mataas ang morale ng 11-member na koponan sa pangunguna nina Joseph Arcilla, Noel Damian Jr., Bien Zoleta-Mañalac at Princess Catindig dahil sa magandang performances nila sa mga nakaraang top-level tournaments. Nanalo si Arcilla ng bronze medal sa men’s singles noong 2011 samantalang si Zoleta-Manalac ay nagwagi ng bronze sa women’s singles noong 2015. Si Josephine Paguyo…
Read MoreBRGY, SK ELECTIONS SA 2022, APRUB NA SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang ipagpaliban ang May 2020 Barangay at Sangguninang Kabataan (SK) elections sa December 5, 2022. Sa botong 194 na pabor at 6 na No ay aprubado na ang House Bill (HB) No. 4933. Ang nasabing House Bill ay hindi na idadaan sa bicameral conference committee dahil ang nasabing bersyon ay kahalintulad din ng bersyon ng Senado na naipasa noong Setyembre. Nangangahulugan na diretso nang ipadadala sa Malacanang para sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang…
Read MoreTEMPLATE NG MATIBAY NA BAHAY VS LINDOL, HILING SA LGUs, DPWH
(NI ABBY MENDOZA) HINIMOK ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) Director Renato Solidum ang Local Government Units(LGUs) at Departnent of Public Works and Highways (DPWH) na gumawa ng mga template na maaaring gayahin ng mga nagpapagawa ng bahay para masiguro na kakayanin ng itatayong bahay ang malalakas na lindol. Ayon kay Solidum, mahal ang serbisyo ng mga engineer kaya kalimitan, ang mga nagtitipid ay hindi na kumukuha ng engineers sa kanilang pagpapagawa ng bahay kaya ang resulta ay hindi nakasusunodsa Building Code. Ani Solidum, kung nakasunod lamang sa itinatakda…
Read MoreLAGLAGAN NG KNIGHTS, STAGS
MAGLALAGLAGAN ang Letran Knights at San Sebastian Stags sa pag-arangkada ng NCAA men’s basketball step-ladder semifinals ngayon sa Cuneta Astrodome. Alas-4:00 ng hapon ang laro at ang mananalo ay haharapin ang No. 2 team na Lyceum of the Philippines University sa isa pang knockout duel sa Biyernes. Ang four-peat seeking San Beda Red Lions ay dumeretso sa championship round, matapos walisin ang 18 games ng double-round eliminations. Nakatakda ang best-of-three series sa Martes, Nobyembre 12 sa Mall of Asia Arena. Inisplit ng Knights at Stags ang kanilang elimination round match.…
Read MoreLTFRB KINALAMPAG SA ‘TURBO TIMERS’ NA TAXI
(NI ABBY MENDOZA) PINAKIKILOS ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB ) na aksyunan ang naglipanang mga taxi na mayroong “turbo timers” na metro na halos sumisingil na umano nang doble. Ang apela ni Nograles sa LTFRB ay kasunod na rin ng mga natanggap nitong reklamo na may mga taxi na kahit bagong calibrated ang metro ay mabilis ang pagpatak ng metro kung saan direktang apektado ang P2 kada minuto running travel fee charged sa mga mananakay nito. “One of the reports said that…
Read More