CAVITE – Nalapnos ang katawan ng isang 74-anyos na lolo nang masunog ang kanyang bahay matapos nakalimutan ang nakasinding kandila sa Tagaytay City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Olimpio Caraan y Bruce, biyudo, ng Brgy. Iruhin West, Tagaytay City, dahil sa mga lapnos sa katawan. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Darwin Q. Jaime ng Tagaytay City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar. Mabilis namang nagresponde ng mga pamatay sunog…
Read MoreAuthor: admin 2
2 SUNOG NA BANGKAY, ITINAPON SA KALSADA
BATANGAS – Dalawang hindi pa kilalang bangkay ng isang babae at isang lalaki ang nadiskubre sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Nasugbu Police, nadiskubre ng isang security guard ang mga bangkay sa gilid ng isang bagong gawang kalsada sa Sitio Angara, Barangay Natipuan. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natuklasan na sunog ang ilang bahagi ng katawan ng mga ito, indikasyon na nais ng mga suspek na maitago ang pagkakakilanlan ng mga ito. Ayon pa sa pulisya, posibleng biktima ang mga ito ng summary execution at…
Read More1 PATAY, 2 SUGATAN SA PAMAMARIL
BATANGAS – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan kabilang ang isang dating barangay kagawad, sa tatlong magkakasunod na kaso ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Sabado. Ayon sa report ng Batangas Provincial Police Office, natagpuang walang buhay ang biktimang si Romwell Del Rosario sa driver seat ng kanyang Avanza van sa Brgy. Gahol, Taal dakong alas-5:30 noong Sabado ng umaga. Mayroon itong isang tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa ulo. Samantala, sa Tanauan City, sugatan ang dating barangay kagawad na si Larry Laura, 47, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek…
Read More2 PATAY, 20 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 14 SASAKYAN
LAGUNA – Dalawa ang patay habang 20 ang sugatan, kabilang ang tatlong nasa kritikal na kondisyon, matapos na magkarambola ang 14 na sasakyan sa National Highway, Brgy. Real, Calamba City, sa lalawigang ito, noong Sabado ng ng hapon. Ayon sa report ng Calamba City Police, nagsimula ang karambola nang mawalan ng preno ang isang mixer truck at araruhin ang tatlong kasalubong na sasakyan at ang 10 iba pa na nasa unahan nito dakong alas-5:00 ng hapon. Kabilang sa mga nasangkot sa karambola ay apat na kotse, isang SUV, tatlong van, dalawang pampasaherong jeepney at…
Read MoreVICE MAYOR NG CAGAYAN, 5 PA PATAY SA AMBUSH
PATAY ang umano’y vice mayor ng Aparri, Cagayan at limang iba pa makaraang tambangan ng anim na armadong kalalakihan ang isang Hyundai Starex van na may plakang KOV 881, sa Sitio Kinacao, Baretbet, Nueva Vizcaya. Batay sa inisyal na impormasyon, iniharang ng armadong kalalakihan na nakasuot ng pixelated PNP uniform at mask, ang barikada sa kalsada at pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima. Kasalukuyan namang pinoproseso ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang lugar kung saan nakita ang isang ID sa loob ng sasakyan na nakapangalan sa…
Read MoreP90M SMUGGLED SUGAR BANTAY-SARADO SA BOC
SA hangaring sawatain ang anomang tangkang ‘burikiin’ ang mga kumpiskadong kontrabando, personal na pinangasiwaan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang inspeksyon at imbentaryo ng mga nasabat na asukal at sigarilyong nakalagak sa Manila International Container Port (MICP). “Customs Commissioner Bienvenido Rubio, with Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy and Manila International Container Port (MICP) District Collector Arnoldo Famor, led the physical examination of five shipments containing P90-million worth of smuggled sugar and cigarettes on Friday, February 17, at MICP,” ayon sa kalatas na inilabas ng Bureau of Customs (BOC). Sa…
Read MoreMODUS PUSLIT YOSI, BIGO SA DAVAO CITY
HUMIGIT-kumulang P3-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang kumpiskado sa checkpoint na inilatag ng Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Lungsod ng Davao, kamakailan. Ayon sa pahayag na inilabas ng BOC-Collection District XII, timbog sa checkpoint ang 103 malaking kahon ng smuggled yosi na lulan ng isang aluminum wing van na sadyang inaabangan matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbiyahe ng naturang kargamento. Arestado rin ang hindi tinukoy na drayber at pahinante, habang kumpiskado ang sasakyang pinaniniwalaang gamit sa ilegal…
Read MoreDROGA SA WHEELCHAIR BULILYASO SA CLARK
HINDI umubra ang gulang ng isang sindikato sa likod ng smuggling ng droga matapos mabisto ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit isang kilong cocaine na ikinubli sa gulong ng mga inangkat na wheelchairs. Sa pahayag ng BOC, bistado ang 1.2 kilo ng cocaine na nakatago sa kargamentong idineklarang “sumatic wheelchair caster” na dumating noong Enero 13, 2023 mula sa bansang Tanzania sa Eastern Africa. Pagtataya ng ahensya, aabot sa P6.2 milyon ang halaga ng nabulilyasong kontrabando. Ayon kay BOC-Port of Clark District Collector John Simon,…
Read More250 TONELADANG SIBUYAS AT BAWANG, SILAT SA MALABON
SA gitna ng kai-kabilang imbestigasyon kaugnay ng malawakang agri-smuggling sa bansa, timbog sa operasyon ang santambak na sibuyas, bawang at munggong nakaimbak sa 24 bodega sa lungsod ng Malabon. Kasama ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG), pinasok ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang cold storage sa Malabon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa diumano’y ilegal na aktibidades ng ilang negosyante. Sa kalatas ng BOC, umabot sa 250 tonelada ng mga produktong agrikultura ang sinamsam ng kawanihan nang mabigong maiprisinta sa mga operatiba ang…
Read More