IPINAGPATULOY kahapon ang search and rescue operation ng pinagsanib na pwersa ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Energy Development Corporation at Philippine Army, para sa nawawalang Cessna plane. Ito ay makaraang masilip ng isang foreign rescue volunteers sa lente ng kanyang DSLR camera ang posibleng debris ng nawawalang Cessna 340 plane sa Bicol noong Sabado, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) kahapon. Ayon sa OCD, muling ipinagpatuloy ng rescue team ang nabalam na paghahanap dahil sa sama…
Read MoreAuthor: admin 2
FUEL SMUGGLERS HAGIP NA NAMAN SA BATANGAS
HINDI pa man nagtatagal mula nang mabulilyaso ang tangkang pagpupuslit ng 700,000 litrong krudo sa bayan ng Mabini, timbog naman ngayon sa Batangas City ang nasa 850,000 litro ng petrolyong lulan ng isang naglalayag na barkong patungo sa South Harbor sa Lungsod ng Maynila. Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Batangas (BOC-Batangas), nasabat ng mga operatiba mula sa Customs Intelligence Group, kasama ang Philippine Navy at Philippine Air Force ang MT Braleman-1 na kargado ng petrolyo habang bumabyahe sa karagatang sakop ng Batangas. Ayon kay Customs Enforcement…
Read MoreFINAL TESTING NG VCMs SA CAVITE NATAPOS NA
MAAYOS ang final testing at sealing ng 426 Vote-Counting Machines (VCMs) sa 75 voting centers sa 116 barangays ng lungsod ng Trece Martires at mga bayan ng Amadeo, Indang at Tanza sa Cavite City. Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), walang pumalyang makina o SD card ang lahat ng VCMs maliban sa paper jam na naremedyuhan naman kaagad. Ang final testing at sealing ay bahagi ng mga huling proseso ng Automated Elections System (AES) bilang paghahanda sa gaganaping Special Elections para sa kongresista ng 7th District ng Cavite ngayong darating…
Read MoreTULONG NG DSWD AT DOLE IHIHIRIT PARA SA DISPLACED SUGARCANE WORKERS
NANGAKO si House Speaker Martin Romualdez na personal na ihihingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE), ang may 12,000 sugarcane workers na nawalan ng trabaho sa Batangas. “Kakausapin ko ang mga head ng mga agencies na ito na magbigay ng financial assistance for their livelihood at pang-araw araw na pangangailangan,” ayon kay Romualdez, na mambabatas mula sa Leyte. Matatandaang ang DSWD ay may ipinamimigay na Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) hanggang…
Read MoreISA PANG CESSNA PLANE NAWAWALA SA BICOL
KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isang Cessna plane ang panibagong iniulat na nawawala kaninang umaga. Ayon sa CAAP, ang six seater Cessna plane na may tail number RP- C2080 ay nag-take off sa Bicol International Airport sa Daraga City, Albay alas-6:43 ng umaga. Nawalan na ito ng contact habang nasa tapat ng Camalig, Albay ilang minuto matapos mag-take off. Nakatakda sana itong dumating sa Maynila bandang alas-7:53 ng umaga subalit bigong makarating. May lulan itong 4 katao na kinabibilangan ng 2 piloto at 2 pasahero.…
Read MoreBIGTIME PUSHER SWAK SA DROGA
SA halip na malutong sa lilibuhing salapi, malamig na rehas ng kulungan ang hinihimas ngayon ng 39-anyos na umano’y drug lord matapos masilat sa isang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Maynila. Sa ulat ni Lt. Col. Roberto Mupas ng Manila Police District (MPD) Station 14, arestado ang target na si Faiz Mamintal Mampao, alyas ‘Boss’ sa aktong pagtanggap ng pera mula sa isang operatibang nagpanggap na buyer sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila. Ayon kay Station Drug Enforcement chief Major Gil Johnson Lobaton, dakong alas 6:00 ng hapon nang…
Read MoreBAYABAS RIVER SA DRT SISIMULAN NANG GAWING RESERVOIR
SISIMULAN na ng National Irrigation Administration (NIA) ang kumbersyon ng ilog Bayabas sa Donya Remedios Trinidad, Bulacan bilang isang imbakan ng tubig na may nakalaan na 2.45 bilyong pisong pondo para sa Bayabas Small Reservoir Irrigation Project mula sa Pambansang Badyet ng 2023. Ayon kay NIA Region III Project Manager Amador Deo Salinas, ito ay pangmatagalang tugon sa patubig para sa mga lupang sakahan sa Donya Remedios Trinidad at mga kalapit na bayan nito nang hindi umaasa sa ulan. Magsisilbi rin itong permanenteng flood control project upang hindi makadagdag sa…
Read MoreJOINT MARITIME PATROL SA SCS NG PH AT AUSTRALIA POSIBLE
POSIBLENG magkaroon ng joint maritime patrols sa South China Sea sa pagitan ng Australia at Pilipinas. “I think there will be conversations about that. I’m not in a position to say a definite yes right now. But the cooperation between two military forces [is] very close already,” ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu sa isang panayam. Ani Yu, ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa ay malalim at matagal na tinukoy ang naging partisipasyon ng Pilipinas sa Enhanced Defense Cooperation Program ng Australia. Ayon sa…
Read MoreSHABU NASAMSAM SA 2 SNATCHER
ZAMBALES – Nakumpiskahan ng umano’y shabu ang dalawang lalaki makaraang madakip sa pag-snatch ng cellphone sa isang negosyante sa bayan ng Castillejos noong Huwebes. Batay sa ulat ng Castillejos Municipal Police Station, noong Pebrero 16, hinablot umano ng isa sa mga suspek ang cellphone ng isang negosyante sa Barangay Magsaysay sa naturang bayan. Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek na sina Jhon Louie Ferolino y Mades, 33, at Raynald Garcia y Rayno, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Bayan…
Read More