CAVITE – Patay ang isang mag-ina nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay habang mahimbing na natutulog sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mag-ina na si Marilen Tamayo y Noceda, 39, at 8-anyos nitong anak, kapwa residente ng Brgy. Salcedo 2, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-12:42 kahapon ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. Salcedo, Noveleta, Cavite habang mahimbing na natutulog ang pamilya Tamayo sa kanilang bahay. Nabatid na naiwanan nilang may baga pa ang kahoy na kanilang…
Read MoreAuthor: admin 2
VIETNAMESE FISHERMEN PUMASOK SA TERITORYO NG PINAS
HINDI nakapalag at sumunod na lamang sa utos ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Vietnamese makaraang mamataan ang mga ito sa karagatan ng Pilipinas, kasabay ng mas pinalakas na presensya at pagpapatrolya ng mga awtoridad sa West Philippine Sea partikular sa Kalayaan Island group. Base sa ulat ng PCG, agad silang nagpadala ng radio challenge sa Vietnamese fishing vessel at inatasang lisanin ang loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Agad din anilang inilabas ng coast guard ang kanilang rigid hull inflatable hauls para inspeksyunin ang naturang sasakyang…
Read More16-ANYOS BINATILYO ARESTADO SA RAPE
INARESTO ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang isang 16-anyos na binatilyo dahil sa kasong rape sa bisa ng warrant of arrest, makaraang matunton sa Quezon City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Rey”, estudyante at residente ng Bago Bantay, Quezon City. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, bandang alas-9:15 ng gabi nang maispatan ang binatilyo, sa tulong ng isang impormante, sa Bago Bantay, Road 1, Quezon City. Ang binatilyo ay itinuturing ng pulisya na most wanted person…
Read More50 TROSONG NARRA KUMPISKADO SA BULACAN
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa patuloy na implementasyon ng Oplan Kalikasan, 50 ilegal na mga troso ng narra ang nasabat sa Lalawigan ng Bulacan matapos ang buy-bust operation na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection – Group Regional Field Unit 3 (CIDG-RFU3) kasama ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Bulacan Police Provincial Office (BPPO), Pandi Municipal Police Station, at City Environmental and Natural Resources (CENRO) sa Matiaga St., San Roque, Pandi, Bulacan noong Martes, Pebrero 14, 2023. Dalawang suspek ang inaresto na kinilala ni Col. Relly Arnedo, director ng Bulacan Police Provincial…
Read MoreARMY OFFICER PATAY, 3 SUNDALO SUGATAN SA CTG SA ALBAY
KINONDENA ng pamunuan ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army ang patraydor na pag-atake ng communist terrorist group (CTG) sa tropa ng gobyerno na ikinamatay ng isang sundalong opisyal sa Barangay Ramay, Oas, Albay, noong Miyerkoles. Una rito, nakatanggap ng ulat ang Army 49th Infantry Battalion ukol sa isinasagawang extortion activity ng isang grupo ng communist terrorists sa isang construction project sa lugar na agad nilang benirepika. Subalit pagsapit ng mga sundalo sa sinasabing lugar ay biglang umalingawngaw ang malakas na pagsabog mula sa itinanim na anti-personnel mine ng CPP-New People’s…
Read More3 ARESTADO SA P432K DAMO SA ZAMBALES
ZAMBALES – Tatlong kalalakihan ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng San Narciso Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Zambales PIU, at 2nd PMFC sa Barangay Simminublan sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, noong Pebrero 14. Kinilala ni Zambales PNP Provincial Director P/Col. Fitz Macariola ang arestadong mga suspek na sina Darewyll John Dano, 23; Jude Fortin Balmaceda, 24, at Joey Lopez Deocareza, 21-anyos. Apat na bloke at 11 pakete ng hinihinalang marijuana na may kabuuang timbang na 3,600 gramo na may street value na P432,000…
Read More9 KATAO SUGATAN SA AKSIDENTE SA CAVITE
CAVITE – Sugatan ang siyam katao, kabilang ang isang 4-anyos na bata, sa aksidente sa kalsada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Jennifer Nuñez at 4-anyos niyang niyang anak; Darvin Pegenia; Mark Edward Bete y Dolor, 27, at kapatid nito na si Mark Christian Bete y Dolor, 19; Mark Cedric Ocampo y Ariban, 29; Melan Mercader Espela, isang cyclist; Nanette Natad, at isang ‘di pinangalanan na pasahero nito. Ayon sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon, sa Sitio Italaro, Brgy. Kayquit, Indang, Cavite, ay papatawid si…
Read More600 KILONG ILEGAL NA PORK CHORIZO NASABAT
NADISKUBRE ang 600 kilong pork chorizo na walang kaukulang dokumento at tinangkang ipuslit sa Port of Surigao matapos ang isang linggong pagmamatyag ng mga operatiba ng Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Animal Industry (BAI). Base sa ulat, isinailalim sa surveillance operation ng mga tauhan ng PPA Port Police ang mga animal shipment matapos makatanggap ng impormasyon mula sa BAI na patuloy ang ilegal na transportasyon ng meat products sa iba’t ibang lugar sa Northern Mindanao. Miyerkoles ng umaga, nasabat ng mga awtoridad ang isang cargo truck na may…
Read MoreSAHOD NA HINDI NAKABUBUHAY ILEGAL – SOLON
LABAG sa Saligang Batas ang hindi nakabubuhay na sahod ng mga manggagawa sa bansa, lalo na sa pribadong sektor. Ito ang ipinaalala ni Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, kinatawan ng TUCP Party-list, kaya kailangang irebyu ang polisiya ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa pagbibigay ng dagdag na sahod. “The right to a family living wage is guaranteed by no less than the Constitution and is, in fact, one of the standards/criteria for minimum wage fixing as stipulated in the Wage Rationalization Act,” ani Mendoza. Gayunpaman, hanggang papel lamang na kailangang magkaroon ng nakabubuhay na…
Read More