P18.6-M IMPORTED ONION, BULILYASO SA ZAMBO

SA gitna ng mainit na kontrobersiyang kinasasangkutan ng bayaw ng Pa­ngulo, nasa P18.6-milyong halaga ng mga imported na sibuyas ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Lungsod ng Zamboanga. Sa ulat ng BOC-Port of Zamboanga (BOC-Zambo), timbog sa maritime patrol operation na ikinasa ng Water Patrol Division ang bangkang-de-motor na MV Princess Nurdisza lulan ang 5,611 mesh bags ng red and white onions (katumbas ng P18.6 milyon) sa Barangay Ayala, ng nasabing lokalidad. Hinala ng mga nakasabat na operatiba, dadalhin ang kontrabandong mula sa Tawi-Tawi sa…

Read More

P9.6-M SMUGGLED YOSI, KUMPISKADO SA DAVAO

TUMATAGINTING na P9.6-milyong halaga ng imported na sigarilyong pinaniniwalaang ipinuslit sa bansa ng isang sindikato ang sinamsam ng pinagsanib na ope­ratiba mula sa hanay ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Army sa Davao noong nakalipas na buwan ng Enero. Sa ulat na isinumite ng BOC-Port of Davao sa tanggapan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, hagip sa magkakahiwalay na checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang mga nabanggit na kontrabando. Ayon kay BOC-Davao District Collector Erastus Sandino Austria, malaking bentahe ang ugnayan sa pagitan ng kawanihan at mga…

Read More

BANYAGA TIMBOG SA P120-M DROGA

Ni JOEL O. AMONGO HINDI nakalusot sa mapanuring mata ng mga opera­tiba ng Bureau of Customs (BOC) ang isang dayuhan sa tangkang pagpupuslit ng tinatayang P120-mil­yong halaga ng droga sa Mactan Cebu International Airport kamakailan. Sa kalatas ng BOC, ares­tado ang South African Pietro Alquo na dumating sa bansa lulan ng Qatar Airways Flight QR 924, mula sa Lungsod ng Doha ng bansang Qatar. Ayon kay BOC-Subport of Mactan collector Gerry Campo, timbre ng isang impormante ang nagtulak sa kanilang mga kawani para abangan ang banyagang una nang iniulat na…

Read More

P2K MONTHLY AYUDA SA MAY ANAK NA PWD ISINULONG

NAGSANIB-PWERSA ang dalawang mambabatas at isang party-list sa paghahain ng panukalang batas para bigyan ng buwanang ayuda ang mga pamilya na may anak o miyembro na person with disability (PWD). Inihain nina Davao City Congressman Paolo Duterte, Eric Yap ng Benguet, at sina ACT-CIS Cong. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Jeff Soriano ang House Bill 6743. Sa ilalim ng nasabing panukala na pinamagatang “Monthly Subsidy for Parents with Children with Disability Act,” makatatanggap ng P2,000 monthly pension ang mga magulang na may anak na PWD na ang edad ay 21…

Read More

HOARDING NG SIBUYAS, BAWANG PINASISIYASAT NI ROMUALDEZ

PAIIMBESTIGAHAN ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga ulat na sinasadya ng mga tusong negosyante ng sibuyas at bawang na itago ang mga stock nila ng mga naturang pampalasa upang mapataas ang presyo ng mga ito sa merkado. Kasabay nito, tiniyak ni Romualdez nitong Linggo na sasampahan nila ng kaso ang lahat ng negosyanteng mapatutunayang nagho-hoard ng mga naturang produkto upang manipulahin ang presyo nito sa merkado. “Bilang na ang mga araw ninyo,” babala pa ng House Speaker sa mga mapagsamantalang negosyante ng sibuyas at bawang. “May mga…

Read More

22 menor de edad naaktuhan COMPUTER SHOP IPINADLAK

HINDI nagdalawang isip pa ang station commander ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1, sa pagpadlak sa isang computer shop sa Tondo, Manila dahil bukod sa naaktuhang mga kabataan na naglalaro sa loob nito, ay walang maipakitang ‘business permit to operate’ ang may-ari noong Biyernes ng gabi. Ang pasya ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr. na tuluyang isarado ang nasabing computer shop sa Barangay 123 sa Tondo, Manila ay bunsod ng reklamo ng mga magulang na pinapapasok dito maging ang mga menor de edad na dapat ay nasa loob…

Read More

EDCA 9 PINABUBUSISI SA KONGRESO

NAIS ng ilang mambabatas sa Kamara na busisiin ang ekspansyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Pilipinas matapos magkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na dagdagan ng apat ang EDCA locations sa bansa. Ginawa ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang panawagan sa Kamara na magpatawag ng imbestigasyon dahil sa pagkumpirma ni US Defense Secretary Lloyd Austin na magiging 9 na ang EDCA locations sa Pilipinas. Sinabi ng mambabatas na lubha itong nakababahala dahil tiyak na maiipit umano ang Pilipinas sa girian ng Amerika at China kapag nagkataon kaya dapat…

Read More

206 BIG TICKET PROJECTS NG MARCOS JR. ADMIN PINAG-AARALAN NG NEDA

MAGLALABAS ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng pinal na listahan ng major projects sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagtatapos ng first quarter ng 2023. Kasunod ito ng paunang pagpapalabas ng 7 “high-impact projects” ngayong linggo. Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, hinihimay mabuti at sinusuri ng socioeconomic planning body ang mahabang listahan ng mga proyekto. “So far, mga 206 iyong nasa listahan ngayon. And that’s just for iyong tinatawag nating magiging flagship. That could still be trimmed down… iyon nga tinitingnan natin iyong viability nito,” ayon kay…

Read More

DAGDAG PONDO SA DEPED PARA SA GUIDANCE COUNSELORS, ISUSULONG NG SENADO

ISUSULONG ng Senado ang pagtataas sa pondo ng Department of Education (DepEd) para sa pag-hire ng mga dagdag na guidance counselors sa mga paaralan. Kaugnay ito sa pagkaalarma ng Senado sa tumaas na bilang ng mga estudyanteng nagpapatiwakal nitong kasagsagan ng pandemya. Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na susuportahan ng Mataas na Kapulungan ang hakbang na madagdagan ng pondo ang ahensya para matugunan ang kinakailangang guidance counselors na tutulong para mailigtas ang mga kabataan mula sa kanilang nararamdamang kabiguan, galit at kawalan ng pagasa na minsan ay nauuwi…

Read More