PULIS SA LOOB AT LABAS NG ESKUWELAHAN PLANO NG MPD

pulis

UPANG maiwasang muli ang insidente na isang mag-aaral ang aksidenteng nabaril ang kanyang sarili sa comfort room ng eskuwelahan sa San Jose Del Monte , Bulacan, plano ng pamunuan ng Manila Police District na maglagay ng pulis sa loob at labas ng mga paaralan sa Manila. Nakipagpulong na umano si MPD Director Police B. Gen. Andre P. Dizon sa school officials sa iba’t ibang eskuwelahan sa elementarya, sa  pamamagitan ni Public Information Office ( PIO) Major Philipp Ines na siyang nagsilbing emissary at naging maganda naman ang kanilang pagpupulong. Ayon…

Read More

SINUBA SA PAUTANG, BUMBAY NAGPAKAMATAY

NAGPAKAMATAY umano ang isang 70-anyos na Bumbay dahil sa depresyon bunsod ng hindi nasingil na kanyang mga pautang, sa tinutuluyan niyang kwarto sa San Andres Bukid, Sta. Ana, Manila nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Ram Kitshichand, tubong Sri Lanka, at nanunuluyan sa panulukan ng Rubi at Sagrada Familia Streets sa San Andres. Batay sa ulat ni Police Captain, Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nakatanggap sila ng tawag mula sa MPD- Sta. Ana Police Station 6, hinggil sa naturang insidente bandang alas-8:00 pasado dahil sa…

Read More

BULACAN JOB FAIR NAGBUKAS NG 11,227 TRABAHO

UMABOT sa 11,227 trabaho ang magkasabay na binuksan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Labor and Employment (DOLE), bilang handog sa pagdiriwang ng Ika-96 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Blas Ople na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos noong Biyernes, Pebrero 3, 2023. Pinangunahan ang pagbubukas ng nasabing face-to-face jobs fair ni DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, anak ni Ka Blas Ople, kasabay ng pagdiriwang ng lalawigan ng Bulacan sa Ople Day. Pinakamarami sa bilang na ito ang 6,918 overseas jobs na…

Read More

OVERSTAYING NA DAYUHAN, DINAMPOT SA CAVITE

CAVITE – Dinampot ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI)  at Gen. Trias City Police sa bisa ng warrant of deportation, ang isang babaeng dayuhan dahil sa kawalan ng kaukulang papeles sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Inaresto ang suspek na kinilalang si Faith Umukoro, 35, isang hairstylist, dahil sa pagiging ‘overstaying’ at paglabag sa Sec. 37 (a) (7) at Immigration Act of 1940 as amended, Nauna rito, isang ahente ng BI ang nagpanggap na kliyente ni Umukoro na isang hairstylist partikular sa braids…

Read More

MWP SA NUEVA ECIJA, ARESTADO SA VALENZUELA

NAGWAKAS ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 8 most wanted person sa Central Luzon, matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Cpt. Ronald Sanchez, hepe ng Valenzuela City Police Station Intelligence Section (SIS), ang naarestong akusado na si Celestino Collantes Jr., 51, residente ng Barangay Gen. T. De Leon. Ayon kay Valenzuela police chief, P/Col. Salvador Destura Jr., si Collantes ay dinakip ng mga operatiba ng SIS sa CJ Santos St., Barangay Malinta, Valenzuela City, sa bisa ng iba’t…

Read More

TULAK BINITBIT SA ARREST WARRANT

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa bisa ng warrant of arrest, sa New Antipolo Street, Barangay 217, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Carlos Umali, 45-anyos, tricycle driver, ng Antipolo St., Tondo. Ayon kay Police Captain Rufino Casagan, hepe ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest kay Umali sa New Antipolo Street sa Tondo. Inaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pamumuno ni Police Captain Veronica Apresurado,…

Read More

BSKE SA MALLS POSIBLE

IMINUNGKAHI ng Commission on Election (COMELEC) ang pagdaraos ng Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa loob ng malls sa bansa. Ayon kay Comelec spokesperson si Rex Lauchengco sa media forum sa “Balitaan sa Tinapayan” sa Dapitan Street, Sampaloc, Manila, maayos nilang naisagawa ang voter’s registration nang walang naging aberya sa ilalim ng “Register Anywhere Program”, kaya naniniwala ang ahensiya na kaya rin nilang magsagawa ng halalan sa mga mall sa mismong araw ng botohan. Gayunman, masusing pinag-aaralan ng COMELEC kung saan sa mga mall maaaring idaos ang pilot testing ng…

Read More

Bago idaos ang eleksyon HAMON SA BRGY. OFFICIALS SUMALANG SA DRUG TEST

HINAMON ni Manila Police District (MPD) Director, Police Brigadier General Andre “The game changer” Dizon ang lahat ng barangay officials na sumailalim sa drug test bago ang gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa Okrubre, 2023. Ayon sa heneral sa ginanap na media forum sa Balitaan sa Tinapayan, sa panulukan ng Dapitan at Don Quijote Streets sa Sampaloc, Manila, ito ay upang maiwasan ang agam-agam at pag-alinlangan na ang barangay officials ay sangkot sa ilegal na droga. “Tsina-challenge po natin sila na magpa-drug test upang mapatunayan na minsan hindi sila…

Read More

ACCREDITATION NG NEW FOREIGN RECRUITMENT AGENCIES SA KUWAIT SUSPENDIDO

SUSPENDIDO ang akreditasyon ng bagong foreign recruitment agencies sa bansang Kuwait. Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) spokesperson Toby Nebrida. Subalit nilinaw nito na ang suspensyon ay walang kaugnayan sa kaso ng pinatay na domestic worker na si Jullibee Ranara. Ayon sa ahensya,  kailangan nitong suriin at i-evaluate ang lahat ng nakabinbing  recruitment applications at ang hakbang ay nagkataong nasabay sa Ranara case. Dagdag pa ni Nebrida na mananatili ang operasyon ng accredited recruitment agencies. Nauna nang ibinasura ni DMW Secretary Susan Ople ang panawagan para sa deployment…

Read More