TEVES MAY PUSO SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA

PINAGTIBAY ng Kongreso ang panukalang batas ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves na muling pagsasaayos at pagkunsinti sa lahat ng interes, surcharge at ibang parusa ng mga pautang ng mga magsasaka at mangingisda mula sa mga ahensya ng pagpapautang ng gobyerno upang matulongan ang sektor ng agrikultura na maging mas produktibo. Ang House Bill No. 2877 na kinilala rin bilang Agrarian and Agricultural Loan Restructuring Act, ay naglalayon na maglaan para sa restructuring at condonation ng hindi nabayarang interes, mga multa at surcharge sa mga pautang na sinigurado…

Read More

SANGKOT SA NAKAWAN SA CAINTA LAGLAG SA MPSO

RIZAL – Arestado ang lalaki na itinuturong responsable sa mga insidente ng pagnanakaw sa bayan ng Cainta. Sa Facebook page ng dating alkalde at ngayo’y municipal administrator na si Keith Nieto noong Miyerkoles, inanunsyo nito ang pagkakaaresto ng mga tauhan ng Municipal Public Safety Office (MPSO) sa suspek na taga-Pasig City. “Siya ang suspek sa robbery hold-up sa BF Metal at isang tindahan sa Marick,” post ni Nieto. “Nahuli ang suspek sa mga CCTV camera ng Barangay Sto. Domingo.” Inihain na ang reklamong robbery laban sa hindi na pinangalanang suspek.…

Read More

300 BULACAN FISHERFOLKS TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE

LUNGSOD NG MALOLOS – Namahagi ng tulong pangkabuhayan si Gob. Daniel R. Fernando sa mga mangingisdang Bulakenyo sa idinaos na Distribution of Gill nets and Marine Engine to Fisherfolks na ginanap sa Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito noong Miyerkoles, Pebrero 1, 2023. May kabuuang 233 gill nets at 65 marine engines ang naipamahagi sa 300 Bulakenyong mangingisda mula sa lungsod ng Malolos at mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, San Rafael at Obando. Ayon kay Fernando, malaki ang papel ng agrikultura sa pag-unlad ng Bulacan. Pinayuhan din niya…

Read More

P6.8-M SHABU NASABAT SA PARKING LOT

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang lalaki sa buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fast food restaurant sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si Daryl Julhasan y Pilapil, 28, walang trabaho, ng Talaba 4, Bacoor City, Cavite Ayon sa ulat, dakong alas-7:17 ng gabi nang makipagtransaksyon ang suspek sa poseur buyer at magkikita sila sa parking lot ng fast food restaurant sa Molino Boulevard, Talaba 4, Bacoor City,…

Read More

3 PULIS CAVITE, 1 SIBILYAN NABITAG SA BUY-BUST

CAVITE – Tatlong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Dasmariñas City Police Station at isang sibilyan ang naaresto at nasamsam ang tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang arestadong mga suspek na sina P/SSgt. Tomas Celleza Dela Rea Jr., Corporal Christian Arjul Dayrit Monteverde, kapwa nakatalaga sa Dasmariñas City Police Station; Pat. Jeru Magsalin, nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police, at Jorilyn Magnaye Ambrad. Ang tatlong pulis ay nasa…

Read More

4 PANG EDCA SITES IDADAGDAG SA BANSA

NAGKASUNDO ang Estados Unidos at Pilipinas sa pagtatatag ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa, sa inilabas na joint statement ng Pilipinas at United States kaugnay sa pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd J Austin III. Sa ginanap na pulong balitaan sa lobby ng Department of National Defense sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City ay kinumpirma ni Austin na pumayag na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., para sa karagdagang apat na EDCA Sites. Hindi naman tinukoy ni Defense Secretary Carlito Galvez kung saan…

Read More

150 MOUNTAIN BIKES NG MPD BINASBASAN

BINASBASAN ni Manila Police District Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang 150 mountain bikes sa quadrangle ng MPD- Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila kasama si PBGen. Andre P. Dizon. (Photo by: JON-JON REYES) BINASBASAN ni Manila Police District Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang 150 mountain bikes sa compound ng Manila Police District Headquarters sa United Nation Avenue, Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang pagbabasbas sa mga mountain bike ay sinaksihan nina MPD Director Police Brigadier General Andre…

Read More

6 TIMBOG SA ‘RECTO UNIVERSITY’

NABITAG ng mga tauhan ng District  Special Operation (DSOU) ng Manila Police District ang anim na indibidwal sa inilatag na entrapment operation sa puwestong gumagawa ng pekeng public documents sa Claro M. Recto Avenue, Barangay 310, Zone 30, Sta. Cruz , Manila. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Neil”, 50; “Orlando”, 52; Christian, 28; “Bernabe”, 39; Dinalyn, 40; at “Alicia”, 30-anyos. Ayon kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, inilatag ang entrapment operation makaraang magsagawa ng surveillance operation sa nasabing lugar. Bandang alas-6:10 ng gabi, nagpanggap ang isang…

Read More

BI NAGBABALA VS IMMIGRATION SERVICES SCAM SA SOCIAL MEDIA

NAGPALABAS ng babala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa publiko hinggil sa bagong scammers na nag-aalok ng immigration services sa social media. Ang babala ay inilabas matapos na si Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) Chairperson Ka Kuen Chua ay magpatotoo sa pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee, na may mga nag-aalok sa social media na naniningil ng P1 million hanggang P5 million para mawala ang immigration blacklists. “We have observed that this scam proliferates not only on Facebook, but also in…

Read More