TIMBOG ang 22 -anyos na high value target makaraang makumpiskahan ng mga awtoridad ng P7.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa 43 pakete sa Brgy. Calamba, Cebu City. Ayon sa ulat sa Kampo Crame ni PRO7 director, P/BGen. Jerry Bearis, kay PNP chief, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang naaresto na si Juhndel Abanid alyas “Tiyo”, sa ikinasang operasyon dakong alas-10:30 ng gabi noong Martes. Nakumpiska ng mga operatiba kay Abanid ang 1.75 kilo ng droga na nagkakahalaga ng P7,310,000 matapos ang ilang linggong surveillance operation, sa ikinasang buy-bust operation…
Read MoreAuthor: admin 2
SHEAR LINE DEATH TOLL 25, MISSING 26
SUMAMPA na sa 25 ang iniulat na namatay bunsod ng pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Visayas-Mindanao na dulot ng shear line noong Christmas weekend. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of the Civil Defense, 16 sa iniulat na mga namatay ay mula sa Northern Mindanao, lima ang naitala sa Bicol Region, habang ang Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula ay nagtala ng tig-dalawang namatay. Dagdag pa rito, may 26 pang katao na karamihan ay mga mangingisda, ang nananatiling nawawala pagkatapos ng malawakang pagbaha bukod sa…
Read More10 KATAO HULI SA P.3-M SHABU
INANUNSYO ni Quezon City Police Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III, ang pagkakaaresto sa 10 drug suspects na nakumpiskahan ng P355,640 halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng QCPD noong Disyembre 27, Martes. Sa buy-bust operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento, ang mga suspek na sina Darnel Dasalia Edrozo, 52, at Ma. Magdalena Sudara Salonga, 37, ay naaresto dakong alas-5:00 ng hapon sa isang bahay sa…
Read More6 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA MAYNILA
ANIM na hinihinalang drug personalities ang nadakip sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Malate Police Station at District Drug Enforcement Group sa Malate at Tondo, Manila noong Martes. Ikinasa ang dalawang operasyon ayon sa direktiba ni Manila Police District director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon. Unang nagsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Malate Police Station 9, sa Noli Agno Street sa Malate. Isang “Alondra”, 23-anyos, dalaga, ang nahulihan ng anim na plastic sachet na…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA LRT 2 SA RIZAL DAY
LIBRENG sakay sa mga mananakay ng Light Rail Transit 2 (LRT- 2) ang alok ng pamunuan sa araw ng paggunita sa pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal sa Biyernes, Disyembre 30. Base sa naging pahayag ng LRTA – 2, ang libreng sakay ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga, at dakong alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi Ang mga unang tren ay aalis mula sa Claro M. Recto Station at Antipolo Station sa ganap na alas-5:00 ng umaga, at ang huling tren mula sa Antipolo Station ay aalis ng alas-9:00…
Read MorePayo ng DA sa mga nagrereklamo TINGI-TINGI LANG MUNA SA SIBUYAS
PINAYUHAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na huwag bumili ng kilogram ng sibuyas dahil sumirit ang presyo nito ng mahigit sa triple kumpara sa suggested retail price (SRP). Sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na may ilang piling pamilihan sa Kalakhang Maynila ang nagbebenta ng P550/kg ng malaking sibuyas habang P440/kg naman ang maliliit na sibuyas. Anito, ang SRP ng sibuyas ay P170/kg lamang habang ang farmgate prices ay pumapalo lamang sa P300/kg. “To be reasonable on that and practical — pero mukhang maraming magagalit sa…
Read MoreTULONG SA MGA BINAHA SA BICOL, VISMIN NILARGA
NANANATILING “in close contact” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng malawakang pagbaha dahilan ng “shear line at northeast monsoon” sa ilang bahagi ng bansa. Ayon sa impormasyon na ipinalabas ng Social Marketing Service (SMS) ng DSWD, patuloy na nagbibigay ang ahensiya ng kinakailangang tulong sa pamilya at indibidwal na apektado ng pagbaha sa Eastern Visayas (Region VIII), Zamboanga Peninsula (Region IX) at Caraga Region. Sa emergency meeting nitong Martes, ang lahat ng DSWD field offices ay nagbahagi ng updates ukol sa kanilang disaster response…
Read MorePEACE TALKS GIIT SA KAMARA
WALANG aasahang kapayapaan hangga’t bantulot ang administrasyon na bigyang daan ang panibagong usapan, ayon sa isang militanteng kongresista kasabay ng patutsada sa mga di umano’y pekeng paandar ng pamahalaan. Para kay ACT partylist Rep. France Castro, tanging peace talks – at hindi ang pagpapakalat ng maling balita, red-tagging at pekeng pagsuko ng mga di umano’y rebelde – ang daan para ganap na matuldukan at insurhensya at hudyat ng tunay na kapayapaan. Sa inihaing resolusyon sa Kamara, nanawagan si Castro sa pamahalaan na ituloy ang naudlot na usapang pangkapayapaan sa pagitan…
Read MoreNESTHY PETECIO WALANG PAHINGA SA 2023
SASABAK si 2020 Tokyo Olympics silver medallist Nesthy Petecio sa 15 hanggang 19 torneo sa 2023. Kabilang sa lalahukan niya ang 2024 Paris Olympic Qualifier na 19th Asian Games sa Hangzhou, China. Si Petecio ang naging guest of honor sa pagtatapos ng 2022 PSC-Batang Pinoy National Championships sa Vigan City, Ilocos Sur. “Matindi po ang motibasyon na ipinakita sa akin ni BFF Hidilyn,” panimula ni Petecio. “Masyado po ako na-inspire sa kanya na kahit nag-gold na siya ay talagang nais pa niya patunayan na nagawa niya iyon para sa bansa…
Read More