IPINAGBABAWAL ng lokal na pamahalaan sa mga negosyante na magbenta ng mapinsalang laruan kabilang ang pellet gun para tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan sa nalalapit na Bagong Taon sa Angono, Rizal. Sa isang kalatas ni Angono Vice Mayor Gerardo Calderon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, inatasan ang lokal na pulisya para sa mahigpit na pagpapatupad ng Ordinance 15-695 na nagbabawal sa pagbebenta, paggawa at pamamahagi ng “pellet gun” sa nasabing baybaying lokalidad na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines. Sa ilalim ng nasabing ordinansa, anim na…
Read MoreAuthor: admin 2
WALANG HELMET, HULI SA MARIJUANA
CASTILLEJOS, Zambales – Bagsak sa selda ang isang lalaki matapos mahulihan ng marijuana sa PNP checkpoint sa naturang bayan noong Miyerkoles ng gabi, Disyembre 28. Kinilala ang suspek na si Jonnmer Amba y Flores, 29, residente ng Barangay Ilwas sa karatig-bayang Subic. Batay sa salaysay mula sa Castillejos Municipal Police Station, nangyari ang insidente ng pag-aresto dakong alas-7:55 ng gabi matapos sitahin ng mga pulis sa checkpoint ang suspek na sakay ng itim na Mio motorcycle dahil walang suot na helmet. Subalit habang kinikwestyon ng mga pulis ay biglang may nabitiwang ‘glass…
Read More9 TUBBATAHA RANGERS NASAGIP NG AFP WESCOM
NAGLUNSAD ng rescue mission ang Armed Forces of the Philippine-Western Command gamit ang Philippine Navy BRP Gregorio del Pilar para iligtas ang siyam na tauhan ng Tubbataha Ranger Station sa Cagayancillo, Palawan. Ayon sa ulat na nakalap mula sa himpilan ng AFP-WESCOM na pinamumunuan ni Navy Vice Admiral Alberto Carlos, kabilang sa siyam na nailigtas ang tatlong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), dalawang miyembro ng Philippine Navy at apat na sibilyan na nagmamando ng Tubbataha Ranger Station sa Tubbataha Reef, Cagayancillo, ng nasabing lalawigan. Nabatid na nagpadala ng distress…
Read More2022: MASALIMUOT PERO PUNO PA RIN NG PAG-ASA
Ni CREMA LIMPIN HINDI naging madali para sa 110 milyong Pilipino ang landas na tinahak sa nakalipas na 12 buwan, lalo pa’t dama pa rin hanggang ngayon ang paghina ng ekonomiya bunsod marahil ng dagok ng pesteng pandemya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, mas tumindi pa ang pagsubok nang halos magkawatak-watak ang mga Pilipino bunsod ng maruming pulitikang bumalot sa nagdaang halalan nito lamang nakalipas na Mayo. Sa kasalukuyang taon din naganap ang pagsiklab ng hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia – mga bansang higit na kilala bilang supplier ng…
Read MoreKAMBAL, 4 PA PATAY SA QUIAPO FIRE
ANIM ang namatay, kabilang ang kambal, sa nangyaring sunog nitong Huwebes ng madaling araw sa Quiapo, Manila. Kinilala ang mga namatay sa sunog na sina Cheska Celine at Cheska Camille Perito, mga kamag-anak na mag-asawang sina Jofae Mae Porio at Rol Daniel Cayetano at ang kanilang anak na si Ronan Cyrus Cayetano, at isang hindi pa kilalang kapitbahay. Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang mga kabahayan ng 500 pamilya sa panulukan ng Arlegui at…
Read MorePubliko pinag-iingat PEKENG SCHOLARSHIP NG CHED LAGANAP ONLINE
(CHRISTIAN DALE) NAGBABALA ang Commission on Higher Education (CHED) sa publiko laban sa unofficial accounts na naglalarawan bilang CHED scholarships. Sa isang Facebook post, sinabi ng CHED na patuloy na tumataas ang unofficial accounts na ito at di umano’y humihingi ng personal information ng aplikante. “It has come to our attention that the number of unofficial CHED online accounts has increased, particularly for scholarship applications,” ayon sa CHED. Ang mga nasabing unofficial CHED page ay makikita sa Facebook at websites, naglalaman ng links at sinasabing requirements para sa scholarships. Gayunman,…
Read MoreSENIOR CITIZEN PATAY SA BUGBOG
ITINANGHAL na bangkay ang isang senior citizen makaraang romansahin sa gulpi ng kalugar makaraang magtalo sa Navotas City. Kinilala ang biktimang si Valentin Lamigas, 62, ng Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan, habang tinutugis ng mga pulis ang suspek na si Verel Del Rosario, nasa hustong gulang, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, bandang 12:30 ng madaling araw noong Miyerkoles nang magtalo ang dalawa sa bahay ng biktima hanggang sa kulatain ni Del Rosario si Lamigas. Natuklasan naman ng kanyang anak na si Ronaldo Lamigas, 32, ang ama…
Read More3 ARESTADO SA BUY-BUST SA ZAMBALES
CASTILLEJOS, Zambales- Laglag sa mga otoridad ang tatlong drug suspek sa ikinasang operasyon nitong Martes ng gabi. Ayon kay Police Major Napoleon Baquiran, hepe ng Castillejos Municipal Police Station, ikinasa ang buy-bust operation dakong alas onse pasado ng gabi sa Barangay San Pablo kung saan naninirahan ang target na suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga. Nakumpiska ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.6 gramo mula sa suspek na si Roy Adolfo y Hipolito, 41, na ayon sa kapulisan ay ‘watchlisted’ at dalawang kasamahan nito na…
Read MoreMAG-AMA ARESTADO SA ‘HULIDAYS’ SA QUEZON
ARESTADO sa ikinasang One Time Bigtime “Hulidays ” ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit Calabarzon, ang mag-amang top 7 most wanted persons sa lalawigan ng Quezon, bago ang araw ng Pasko. Tinukoy ni CIDG4-A Regional Chief Joel Manuel Ana ang mga suspek na sina Melvin Añana Sr., at Melvin Añana Jr. na may kasong frustrated murder na isinampa ni Neil Patallar noong Enero 19, 2019, ng Brgy. Talao-talao , Lucena City. Huli ang mag -ama sa bisa ng warrant arrest na inisyu ni Presiding Judge Aristotle Reyes ng Regional…
Read More