BALIKBAYAN BOXES INIHABOL SA PASKO

ALINSUNOD sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, pinaspasan ng Manila International Container Port (MICP) ang pamamahagi ng mga nalalabing Balikbayan boxes na napiit bunsod ng kapalpakan ng mga international forwarding companies mula pa Abril ng kasalukuyang taon. Sa isang kalatas ni Ruiz, binigyang-diin ang kahalagahan na makarating sa mga pamilya ng mga manggagawang Pilipinong patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang mga Balikbayan box na naglalaman ng mga padalang ginastusan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa hangaring bigyang saya ang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Sa datos ng…

Read More

PINAS, AUSTRALIA SANIB-PWERSA KONTRA YOSI, DRUG SMUGGLING

BUKOD sa mga ikinasang mekanismo ng mga karatig bansa sa timog-silangang Asya, lumagda na rin sa isang kasunduan ang Bureau of Customs (BOC) sa pamahalaan ng bansang Australia para sa isang sabayang pagkilos sa hangaring wakasan ang malawakang operasyon ng mga sindikato sa likod ng cigarette at drug smuggling. Sa pagdalaw nina Supt. John Fleming ng Australian Border Force at First Secretary Melissa Kelly, hayagang nagpahayag ng suporta ang mga tumayong kinatawan ng bansang Australia sa kampanya ng kawanihan laban sa illegal smuggling ng sigarilyo at droga. Matapos ang pulong…

Read More

P8.5M ecstasy kumpiskado rin CLAIMANT ARESTADO SA DROGANG PADALA

SA likod ng rehas na inabutan ng Noche Buena ang isang 23-anyos na babae matapos dakpin ng mga operatiba kaugnay ng nasa P8.55-milyong halaga ng party drugs na padala mula sa ibang bansa. Sa isinagawang controlled delivery operation ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), kasama ang mga ope­ratiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Group, hagip sa Barangay Dita, sa Lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigan ng Laguna ang ‘di tinukoy na suspek sa aktong pagtanggap ng anim…

Read More

Sa Subic at Misamis Oriental AGRI-SMUGGLING NABULILYASO ULI

Ni JO CALIM ANG inakalang jackpot na kita, nauwi sa wala. ‘Yan ang kinahantungan ng isang importer matapos masilat ng mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang kabi-kabilang tangkang pagpupuslit ng mga agri-pro­duct mula sa bansang Tsina. Sa kalatas ng kawanihan, pumalo sa P171-milyong halaga ng sibuyas ang nasabat ng Manila International Container Port (MICP), habang tinata­yang P20-milyong halaga ng sibuyas naman ang nahagip ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Mindanao Container Terminal. Sa Maynila, 20 containers na pawang naglalaman ng mga sibuyas mula sa bansang…

Read More

BIGAY-PUGAY SA SIPAG, REPORMANG INILATAG

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O.AMONGO MULA sa nakakadismayang estado, uminog sa pagiging huwaran ang kawanihang dating pulutan sa tuwing pag-uusapan ang malawakang katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Dangan naman kasi, totoong kakaiba na ngayon ang Bureau of Customs. Ang dating sakit sa ulong tanggapan, malaki na ang papel na ginagampanan sa pagbangon na isinusulong ng ating pamahalaan mula sa epekto ng pandaigdigang krisis at pandemyang nagdaan. Sa madaling salita – bilib ako. Himayin natin ang mga dahilan. Sa ilalim ng bagong pamunuan ng kawanihang nakabase sa Aduana, nakapagtala…

Read More

CHRISTMAS DAY FLOODING: DEATH TOLL 13, MISSING 23

PINANGANGAMBAHANG lolobo pa ang bilang ng naitalang mga namatay sa Christmas Day flooding na umaabot na sa 13 katao dahil may 23 pa ang sinasabing nawawala, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon ng umaga. Sa datos na inilabas ng NDRRMC, mayroon nang 13 namatay bagamat bina-validate pa ang labing-isa rito. “Karamihan for validation, ang kulang na lang is mga papeles like police report or death certificate.” Nabatid na ang nasabing 13 casualties ay may body count na o…

Read More

1 SUGATAN, 2 SUNDALO HULI SA INDISCRIMINATE FIRING

DALAWANG sundalo ang itinuturo ng Philippine National Police na sangkot sa kaso ng indiscriminate firing, bukod pa sa dalawang sibilyan. Sa datos ng PNP, may apat na insidente ng indiscriminate firing noong Disyembre 25, araw ng Pasko, sa Northern Samar, Abra at Leyte. Dalawa sa mga sangkot sa ilegal na pagpapaputok ay mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at dalawa naman ang sibilyan na pawang nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis matapos maaresto. Pawang nahaharap ang mga ito sa reklamong illegal discharge of firearms, at alarm and…

Read More

BIYUDA PATAY SA SAKAL NG SEKYU

CAVITE – Dinampot ng mga awtoridad ang isang security guard na inakusahan ng pananakal na nagresulta sa kamatayan ng isang biyuda sa Bacoor City, sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Nasa kustodiya na ng pulisya si John Martir, 51-anyos, binata, ng Brgy. Molino 4, Bacoor City, suspek sa pagkamatay ng biktimang si Ma. Nerresa Hemilla y Clavel, nasa hustong edad, ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang i-report ni Mary Jane Hemilla y Clavel, anak ng biktima, na dinala ng suspek ang ginang sa…

Read More

MISIS BINARIL NG ASAWANG PULIS SA PRESINTO

PATAY ang isang misis makaraang barilin ng kanyang asawang pulis sa loob ng himpilan ng pulisya sa Cebu City. Sinampahan ng kasong pagpatay sa kanyang asawa si P/SSgt. Fernando Mata, 39, nakatalaga sa Naga City Police Station sa Cebu City. Ayon sa ulat sa Kampo Crame ni PRO7 Director P/BGen. Jerry Bearis, dakong alas-2:40 ng hapon nang tadtarin ng bala ng kanyang isyung baril sa loob ng Women’s Protection Desk ni Mata, ang asawang si Heronia Denampo Mata, 39, kapwa nakatira sa Brgy. Tuyan, Naga City. Nauna rito, naghain umano…

Read More