7 MALAYSIAN, 3 PINOY NASAGIP NG PHIL. NAVY

NAGING masaya ang kapaskuhan para sa pitong Malaysian nationals at tatlong Pilipino nang masagip sila ng mga tauhan ng Littoral Mission Ship Bongao ng Philippine Navy sa magkahiwalay na lugar sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Sabado. Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, walo sa sampung nailigtas na mga indibidwal ay mula sa MV Belait Surita na naglalayag mula sa Sandakan, Malaysia patungo ng Talabtab, Malaysia kung saan nakaranas ng pipe explosion ang sinasakyan nilang barko. Habang ang dalawa pang nailigtas na mga Pilipino ay sakay ng…

Read More

SEXUALLY TRANSMITTED INFECTIONS SA QC TUMAAS

NAGTALA ang lungsod ng Quezon ng pagtaas sa kaso ng STI o sexually transmitted infections. Sa ulat, tumaas ng 56 porsiyento ang bilang ng STI sa lungsod ngayong taon. Nagtala ang QC Service Delivery Network ng 2,538 na kaso ng STI mula Enero hanggang Nobyembre kumpara sa 1,625 noong 2021. Lumabas din sa datos na sa 28,736 sumailalim sa boluntaryong pagpapayo at pagsusuri sa HIV sa walong klinika sa lungsod, 738 o 3 porsiyento ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV). Limampu’t isang porsyento o 373 sa mga ito ay…

Read More

100 PATROL BIKES IPINAMAHAGI SA MPD COPS

KASABAY ng pagkakaloob ng 100 patrol bikes ng mga miyembro ng Association of Police Officers Lateral Entry (APOLE), nagpaalala ang tinaguriang  ‘The game changer’ na si Manila Police Director Brig. General Andre Perez Dizon sa kanyang mga tauhan na pairalin ang disiplina sa sarili sa pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon. Bandang alas-9:00 ng umaga nang basbasan ang 100 bisikleta kasunod ang mensahe ng heneral na dapat umanong isipin ng kanyang mga tauhan kung gaano kahirap pumasok sa serbisyo at kung gaano kahalaga ang pinasok nilang propesyon. “Sa bawat isa sa kanila, sila ay…

Read More

AUSTRALIAN HACKER HINARANG SA NAIA

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang umano’y isang Australian hacker, upang maiwasang magkalat sa Pilipinas ng kanyang modus. Kinilala ng mga tauhan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang suspek na si Risteski Borche, 40-anyos, at sakay ng Cebu Pacific flight mula sa Sydney. Ayon sa report, si Risteski ay nasa ilalim ng Interpol alert bunsod ng pagiging wanted kaugnay sa paglabag ng Art. 251 ng Criminal Code ng Republic of Macedonia, Australian. Ang nasabing kaso ay may katapat na…

Read More

PAGGAMIT NG FIRECRACKERS HINIGPITAN SA QC

PARA maiwasan ang pinsalang dulot ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, ipina-regulate ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa buong lungsod, at pinapayagan lamang ang fireworks display sa mga pampublikong lugar na inaprubahan ng pamahalaang lungsod. Bunsod nito, ang mga pribadong sambahayan ay ipinagbabawal na gumamit ng paputok at magsagawa ng sariling fireworks display at idinagdag na ang mga aprubadong paputok at pyrotechnics lamang ang pinapayagang gamitin sa mga pampublikong lugar. Nabatid sa paliwanag sa kanyang desisyon na mag-isyu ng Executive…

Read More

Gatchalian: Paglalagay ng internet sa lahat ng pampublikong paaralan dapat pabilisin

Habang isinusulong ni Vice President at Secretary of Education Sara Duterte ang pagkakaroon ng libreng internet sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa, muli namang isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mabilis na paglalagay ng libreng pampublikong Wi-Fi sa lahat ng mga pampublikong paaralan. Ang panukala ni Gatchalian ay bahagi ng Senate Bill No.383 o ang Digital Transformation in Basic Education Act. Kamakailan ay pinuna niya na limang taon matapos maisabatas ang Free Internet Access in Public Places Act (Republic Act No. 10929), lumalabas sa Free Public Wi-Fi Dashboard…

Read More

LOCAL SEAFARER GROUP UMAPELA KAY MARCOS

WHILE President Ferdinand R. Marcos Jr., had openly declared his intention to protect the jobs and welfare of the Filipino seafarers during his recent trip to Brussels, Belgium, a group of sailors appealed to the Chief Executive to look no further and check his own backyard, as foreign vessels employing foreign workers are being used in a reclamation project in Manila. In a letter addressed to Labor Secretary Bienvenido Laguesma and Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, the Samahan Ng Nagkakaisang Marinong Pilipino (SNMP) said that they are fighting the…

Read More

MGA PASAHERO DAGSA SA MGA PANTALAN

PATULOY ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa para sa Christmas season. Ayon sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa inilabas na bagong update, para sa “OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2022”, simula nitong Huwebes ay nakapagtala ng kabuuang 26,713 outbound passengers at 21,569 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan sa Pilipinas. Umabot naman sa 2,080 deployed frontline personnel sa 15 PCG Districts ang nakapag-inspeksyon ng 225 vessels at 242 motorbancas. Nanatiling nasa heightened alert ang PCG district stations at substations upang mapamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero…

Read More

P3K KAPALIT NG ‘BAWAL NA HALIK’, TECHNICIAN TIMBOG

SINUBUKAN ng isang 24-anyos na aircon technician na painan ang isang 12-anyos na dalagita ng halagang P3,000 kapalit ng pagpapahalik nito sa kaselanan ngunit tumanggi at nagsumbong ang biktima na nagresulta upang arestuhin ang suspek ng mga awtoridad sa Sta. Cruz, Manila noong Martes ng umaga. Nanginginig sa takot na nagsumbong ang biktimang si “Lucy” sa kanyang ina na agad namang kinompronta ang suspek na kinilalang si Niño Boco ng Barangay 355 sa Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police…

Read More