PULIS NA MATUTULOG SA PANSITAN, BINALAAN

pulis

BINALAAN ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang kanyang mga tauhan na huwag tutulog-tulog sa oras ng kanilang duty ngayong Christmas Season Ayon sa heneral, kapag nahuling natutulog sa oras ng trabaho, papatawan ang pulis ng karapat-dapat na parusa, lalo na ang mga nakatalaga sa gabi dahil malaking responsibilidad ito, sapagkat sila lamang ang inaasahan ng ating mga kababayan. Ayon kay Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information office (PIO) ng MPD, halos wala nang pahinga ang kanilang District Director masigurado lamang ang seguridad sa Kamaynilaan, kung…

Read More

PNP-PRO 7 DIRECTOR SINIBAK

TUMAGAL lang ng halos dalawang buwan bilang regional director ang isang opisyal ng pulisya matapos itong biglaang sibakin sa kabila ng pagkilalang kanyang nakamit sa mga ikinasang operasyon kontra illegal drugs at E-sabong. Sa ulat, inalis ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., si Brig. General Augustus Alba, bilang hepe ng Police Regional Office (PRO) 7. Walang binanggit na dahilan sa pagkakasibak kay Alba na sinasabing sa loob ng kanyang halos dalawang buwang pamumuno sa PRO-7 ay nanguna ang rehiyon sa may malaking accomplishment laban sa ilegal…

Read More

PANGAMBA NG POGO EMPLOYEES, OPERATORS, TINULDUKAN NG PNP

TINULDUKAN na ng Philippine National Police (PNP) ang agam-agam ng mga operator at manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hinggil sa problema sa mga insidente sa  kidnapping, pang-aabuso at nawawalang mga trabahador. Ito ang nakapaloob sa naganap na Signing of Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng PNP, POGO companies at Local Government Units ng Bacoor City, Kawit at Carmona sa lalawigan ng Cavite na ginanap sa Camp Pantaleon Garcia, Brgy. Poblacion A, Imus City, Cavite. Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang ang pagbibigay ng assistance sa pagkuha ng mga ito ng…

Read More

P8-M ECSTASY NASABAT SA LAGUNA

LAGUNA – Tinatayang P8 milyong halaga ng ecstasy pills ang nasabat ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Santa Rosa City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Arestado sa operasyon ang isang babae na gumamit ng alyas “Aira Almonte” na siyang tatanggap sana ng items. Batay sa report ng CALABARZON Police Regional Office (PRO IV-A), isinagawa ng mga tauhan ng NAIA-IADITG  kasama ang mga operatiba ng PDEA IV-A, RPDEU, 1V-A, PhilPost-Inspectorate at Sta. Rosa Police, ang controlled delivery operation sa isang gasolinahan sa Brgy. Dita, Sta. Rosa kung saan ide-deliver kay alyas “Aira” ang parcel. Ayon…

Read More

Teves Cares Live, inaabangan ngayong araw

Bago sumapit ang kapaskuhan, inaabangan ng mga netizens ang Aksyon, Tulong, Solusyon Facebook live ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves ngayong gabi. Lahat ay nag-iintay sa panibagong episode ng kasiyahan, pagtulong at payong solusyon na dala ni mambabatas maliban sa masaya at computer-generated na raffle. Ang FB Live na ngayon ay tanyag na sa buong bansa ay nagsimula lang sa mga simpleng post ni Rep. Teves na naibigan ng mga netizens dahil anya ay napaka-natural ng mga ginagawang post ni Teves. “Gusto ko lang po ay makapagbigay kasiyahan…

Read More

P7.27-B DROGA, ESSENTIAL CHEMICALS SINIRA SA CAVITE

TINATAYANG P7.27 bilyong halaga ng ilegal na droga at essential chemicals ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc., sa Trece Martires City noong Martes ng umaga. May kabuuang 1,426,477.49 gramo at net volume na 101,811,553.20 milliliters na mga drug evidence na nakumpiska sa iba’t bang drug operations ng ahensiya at iba pang law enforcement at military units, ang sinira ng PDEA, na umabot sa halagang P7,273,125,331.09 sa IWMI sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite. Base sa consolidated report ng PDEA Laboratory Service, kabilang dito…

Read More

P5.3-M COCAINE NALAMBAT SA DAGAT

TINATAYANG umabot sa P5.3 milyong halaga ng cocaine ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Marines na nakatalaga sa 21st Marine Company/Marine Battalion Landing Team-1, na nakabase sa Barangay Bubuan, South Ubian, Tawi-Tawi. Agad nagresponde ang mga awtoridad hinggil sa kahinahinalang bagay na nakitang palutang-lutang sa dagat na sakop ng nabanggit na barangay. Pagsapit sa area ay nakita ng mga tauhan ng Marines ang isang plastic cellophane na naglalaman ng isang bloke ng yellowish substance na pinaniniwalaang cocaine. Ayon kay Brig. Gen. Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, itinuro…

Read More

SEPULTURERO NAHULOG MULA SA NITSO, PATAY

QUEZON – Binawian ng buhay ang isang sepulturero nang ito ay mahulog sa nitso at matusok ng kutsarang pansemento sa bayan ng Dolores sa lalawigang ito, noong Martes. Kinilala ang biktimang si Eleazer Caneo, 62-anyos. Nadiskubre ang wala nang buhay na biktima dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng sementeryo. Lumabas sa imbestigasyon ng Dolores Police, umakyat ang biktima sa apartment type na nitso sa public municipal cemetery at nag-ayos ng katatapos pa lamang na paglibingan na nitso, nang madulas ito at mahulog. Bumagsak ito sa lupa subalit aksidenteng natusok sa…

Read More

Paalala ng PNP ngayong Kapaskuhan KULONG AT MULTA SA LASING O NAKADROGANG TSUPER

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga driver na huwag magmaneho nang lasing upang makaiwas sa sakuna o maharap sa humigit kumulang sa 500 libong multa. Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa ilalim ng umiiral na Republic Act 10568 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act, ang parusa sa sinomang mapatutunayan na nagmamaneho nang lasing o nasa impluwensya ng ilegal na droga ay maaaring makulong o pagmultahin ng humigit kumulang kalahating milyong piso (P500,000) depende sa bigat ng pagkakasala. Kaugnay nito, inatasan ni…

Read More