CAVITE – Nadakip ang isa sa mga kabataang miyembro ng Usman drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si Norlito Bigot y Estipona alyas “Jojo Cordero”, 18, ng Brgy. Malagasang 2C, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Marnol Cunanan ng Imus City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite PPO sa Brgy. Malagasang 2C Imus, City,…
Read MoreAuthor: admin 2
Asawang suspek sumuko sa SoKor BANGKAY NG KOREANA NAHUKAY SA LAGUNA
LAGUNA – Nahukay ng mga tauhan ng SOCO kasama ang Calabarzon Regional Crime Laboratory Office at mga tauhan ng Calauan PNP, ang labi ng nawawalang babaeng South Korean national sa tabi ng kanilang bahay sa Barangay Lamot 2, sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ang labi ng dayuhan ay positibong kinilala ng kanyang anak na lalaki na nagtungo sa Pilipinas para hanapin ang nawawalang ina. Nadiskubre ang krimen matapos aminin mismo ng suspek na asawa ng biktima, ang kanyang pagpaslang sa ginang. Noong Biyernes ay nagtungo ang 63-anyos na suspek na isang Korean pastor,…
Read MoreBARKO BULILYASO SA FUEL SMUGGLING
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kaugnay ng implementasyon ng mas pinahigpit na pagbabantay sa mga pantalan, piniit sa Tagum City ang isang barkong kargado ng halos dalawang milyong litro ng produktong petrolyo. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), isang joint operation sa pagitan ng BOC at Naval Forces Eastern Mindanao ang isinagawa sa Hijo Port kung saan nakadaong ang target na barko, batay sa natanggap na intelligence report mula sa kawan ng mga impormante. Nang inspeksyunin ang petrolyong lulan ng domestic shipping vessel, lumalabas na walang…
Read MoreP132-M BOTCHA, HAGIP SA MICP
KUMPISKADO sa Bureau of Customs (BOC) ang nasa P131.9 milyong halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled frozen goods na laman ng tatlong container na nakabarega sa Manila International Container Port (MICP). Ayon sa BOC, nakatanggap ng timbre mula sa isang impormante ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kaugnay ng dumating na kagamentong inangkat ng Victory JM Enterprise OPC mula sa bansang Tsina. Nang buksan ang target na kargamento, tumambad ang mga iladong karne, na nagsilbing hudyat para sa agarang pagsamsam ng mga nadiskubreng kontrabando. Batay sa rekord ng kawanihan, hindi…
Read MoreNAKUMPISKANG SHABU SINURENDER SA PDEA
SA hangaring tiyakin, ‘di na madagdagan pa ang buhay na masisira bunsod ng pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, agad na isinalin ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P2.48-milyong halaga ng nasabat na droga mula sa bansang Nigeria isang buwan na ang nakaraan. Batay sa rekord ng BOC-Clark, Nobyembre 19 nang mabulilyaso ng mga alistong operatiba mula sa nasabing distrito (kasama ang PDEA) ang shabu na tinago sa kargamentong idineklara bilang air, oil at fuel filters na gamit sa mga…
Read MoreECSTASY TABS SABAT SA NAIA
HINDI nakalusot sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pagpupuslit ng drogang ikinubli sa apat na magkakahiwalay na kargamento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan. Sa isang kalatas ng BOC-NAIA, umabot sa 2,040 pirasong tableta ng ecstasy na itinago sa mga bagaheng inilagak sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ang sinamsam ng pinagsanib na pwersa mula sa BOC-NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa imbestigasyon, lumalabas na nagmula pa sa bansang France ang nakumpiskang kontrabando. Silat din sa hiwalay na operasyon kontra droga…
Read MoreSANTAMBAK NA PEKE KUMPISKADO SA IMUS
Ni JOEL O. AMONGO TUMATAGINTING na P150-milyong halaga ng mga pinekeng designer apparels, appliances at iba pa ang tumambad sa mga operatiba matapos salakayin ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite. Bitbit ang pirmadong letter of authority mula sa tanggapan ni Customs Commission Yogi Filemon Ruiz, pinasok ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), kasama ang pulisya at kinatawan mula sa nakakasakop na barangay ang pasilidad ng Hong Yun – REGI sa kahabaan ng M. Salud Road…
Read MoreOzamiznons to Greet Christmas with Noche Buenas Aplenty
Mayor Henry “Indy” Oaminal, Jr. (2nd from left), Misamis Occidental 2nd District Rep. Sancho Fernando “Ando” Oaminal (center), and Misamis Occidental Governor Henry Oaminal Sr. distribute the first batch of Pamaskong Handog 2022 packs at the kick off event in Ozamiz City. In Ozamiz City, Misamis Occidental, there’s more for every family to pass around the dinner table this Christmas. Ozamiznons are enjoying triple the gifts in the distribution of the Oaminal family’s “Pamaskong Handog,” where Misamis Occidental Governor Henry Sr., Misamis Occidental 2nd District Representative Ando, and Ozamiz…
Read MorePLEBISITO NG BALIWAG CITYHOOD PAYAPA
MAAYOS at payapa ang isinagawang plebesito upang maging isang component city ang Pamahalaang Lokal ng Baliwag, Bulacan nitong Sabado. Nasa 200 clustered precincts na mayroon tig 15 clustered precincts bawat eskuwelahan ang inihanda ng Commission On Elections (Comelec) para sa 108,572,000 registered voters. Sa unang bugso ng botohan na nagsimula ng alas-7:00 ng umaga ay hindi gaanong naramdaman ang pagdagsa ng mga botante kumpara sa mga national at local election. Ayon kay Ma. Luz Regacho, Master teacher II ng Santa Barbara Elementary School, “No untoward incidents happened. Very peaceful, disciplined…
Read More