QUEZON – Patay ang isang tricycle driver makaraang salpukin ng isang truck sa Maharlika highway sa Brgy. Pinagbayanan, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang biktimang si Romeo Bonsol, 42-anyos, dahil sa mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Batay sa report ng Pagbilao Police, nasalpok ng truck ng gulay ang kasalubong na tricycle matapos na mag-overtake sa isa pang sasakyan dakong alas-7:00 ng gabi. Nasa kustodiya na ng Pagbilao Police ang driver…
Read MoreAuthor: admin 2
COLLEGE STUDENT, GRADE 3 PUPIL NALUNOD
CAVITE – Hindi na naisalba ang buhay ng isang 23-anyos na 2nd year college student nang malunod matapos na sumisid sa pitong talampakang lalim ng tubig sa isang resort sa Bacoor City, at isang Grade 3 pupil na hinihinalang nalunod din sa ilog sa Dasmariñas City, pawang sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Naisugod pa sa Cavite East Asia Medical Center ang biktimang si John Daniel Camigla y Delamente ng Brgy. Zapote, Las Piñas City subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes Jr. ng Bacoor City…
Read MoreBAHAY SA MUNTI SUNOG, 10 PATAY
SAMPU katao, kabilang ang isang limang-buwang gulang na sanggol, ang nasawi matapos lamunin ng apoy ang tinitirhan bahay kahapon ng umaga sa lungsod ng Muntinlupa. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas 9:00 ng umaga nang mag-umpisang masunog ang isang bahay sa kahabaan ng Larva Street, Bruger Subdivision sa Barangay Putatan ng nasabing lungsod. Wala pang pagkakakilanlan ang mga nasawi ayon kay Muntinlupa City Fire Marshal Fire Superintendent Eugene Briones bagamat kumbinsido ang lupon ng pamatay sunog na magkakaanak ang mga nasawi., batay na rin sa panayam…
Read More3 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA INTRAMUROS
MAHIGIT 100 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P680,000 ang halaga, ang nakumpiska mula sa tatlong suspek na target sa buy-bust operation sa Intramuros, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Odin/Boss”, 33; alyas “Alex” 50, at alyas “Ian”, 20, pawang mga residente ng Intramuros. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Ermita Police Station, bandang alas-8:00 ng gabi nang ilatag ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Prudencio Saballo Jr., ng Station Drug Enforcement…
Read MoreSEN. MARCOS NAMAHAGI NG ‘PAMASKONG HANDOG’
NAMAHAGI ng tulong na may temang “Pamaskong Handog” si Senadora Imee R. Marcos sa mga kapuspalad na pamilya sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Sabado ng umaga. Inasistehan ang senadora ni Manila Mayor Maria Shiela “Honey” Lacuna-Pangan kasama si Vice Mayor Yul Servo Nieto sa pamamahagi ng tulong na pagsasaluhan sa Pasko. Bandang alas-5:00 ng hapon, nakaposisyon na si Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, at mga tauhan nito sa pagdating ng senadora para sa aktibidad na isinagawa sa covered court ng Barangay 649,…
Read MoreCPP-NPA-NDF BABAGSAK NA SA PAGKAMATAY NI JOMA – DND
BUNSOD ng pagkamatay ni Jose Maria Sison, pinaniniwalaang gumuho na ang ‘hierarchy’ ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA-NDF), na itinatag nito para marahas na ilagay ang sarili sa kapangyarihan. Ito ang inilabas na pahayag ng Department of National Defense kaugnay sa pagkamatay ng 83-anyos na CPP-NPA founder na si Ka Joma Sison noong Biyernes ng gabi sa The Netherlands. “His death deprived the Filipino people of the opportunity to bring this fugitive to justice under our country’s laws,…
Read MoreSa nasunog na pabrika ng goma sa Valenzuela MGA RESIDENTE PINAG-IINGAT SA RESPIRATORY DISEASES
PINAYUHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang mga residenteng naapektuhan ng halos dalawang araw na sunog sa Titan Rubber sa Barangay Veinte Reales na ingatan ang kanilang kalusugan. Ayon sa City Hall, kung narakaranas ng pangangati ng lalamunan, pag-ubo, hirap sa paghinga, at iba pang sintomas na maaaring dulot ng pagkalanghap ng usok, huwag mag-atubiling pumunta sa pinakamalapit na health station upang mabigyan ng karampatang lunas. Noong Disyembre 14 nang nagsimulang masunog ang nasabing pabrika ng goma sa C. Santiago St. sa nasabing barangay ng siyudad. Dakong alas-3:25 ng hapon,…
Read MoreCAROLS ON ICE AT THE SM SKATING MALL OF ASIA
Catch the 1st musical Christmas ice show in the Philippines, Carols on Ice! This ice gala show will feature the Philippine National Team who will bring to life this year’s theme- Journey to a Dream. Organized by the Philippine Skating Union in collaboration with SM Skating, Carols on Ice aims to raise funds to support efforts that nurture and expand ice skating in the Philippines. In partnership with SM Skating, SM Supermalls, Milo, and Nestle Cereals, the event will be hosted by Bb. Pilipinas 1985 Joyce Burton Titular. Taking centerstage…
Read MoreIWTS Foundation: Wagi ang laban!
Isa sa pinaka-mahirap labanan at gamotin ang sakit na cancer at iilan lang rin ang mga survivors nito. Subalit kung ito ay maagapan, kayang-kaya itong pagwagian. Ganito ang nangyari sa ilang pediatric cancer patients sa University of the Philippines- Philippine General Hospital Department of Pediatrics Division of Hematology and Oncology, sila ay mga nagwagi laban sa cancer. “Joie de vivre! Can beat it!”, ang syang guiding slogan ng I Want to Share Foundation (IWTS), sa pamumuno ni Sheila Bermudez Romero in partnership sa UP-PGH, na syang umalalay at sumubaybay…
Read More