ITINANGHAL na top-performing local chief executive si Candon City Mayor Eric D. Singson sa Rehiyon ng Ilocos, batay sa inilabas na survey kahapon ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Nakakuha si Singson ng overall job performance rating na 94 percent. “Ang pagtatayo ng Ilocos Sur Medical Center at Candon City Arena, gayundin ang paglikha ng Micro Finance Program na nagbibigay ng mababang interes na pautang sa mga magsasaka at small and medium enterprises (SMEs), ay nagpalakas ng tiwala at performance ni Mayor Eric D. Singson ratings,” sabi ni Dr.…
Read MoreAuthor: admin 2
TEVES CARES NASA DZRH TV NA
Lalo pang pinalakas at pinalawak ang TEVES Cares Live ni Congressman (Kuya) Arnie Teves, ng ika-3 Distrito ng Negrales Oriental sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa DZRHTV sa paglulunsad ng AKSYON, TULONG, SOLUSYON na ginanap sa Sofitel Plaza Manila dakong alas-2 ng hapon, noong Disyembre 16, 2022. Pumirma ng kontrata sina Cong. (Kuya) Arnie Teves para sa TEVES Cares, Ginoong Ma. Parroco, VP for Sales & AM Operations: Atty. Rudolph Steve E. Juralbal, VP Legal and Regulatory Compliance Group/Station Manager -AM Network Operations MBC-DZRH at DJ Raqiterra para naman sa DZRHTV..…
Read MorePAGSUSULONG NI PBBM NG FTA SA EU WELCOME SA EUROPEAN COUNCIL
WELCOME sa European Council (EC) ang ginagawang pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa free trade agreement (FTA) na may trade bloc at palakasin ang Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) accreditation ng bansa. Ito’y matapos na makipagpulong si Pangulong Marcos kay European Council President Ursula Von der Leyen sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) commemorative summit sa Belgium, araw ng Huwebes. Sa nasabing pulong, sinabi ng Pangulo na inaasahan niya ang pagpapalawig sa usapan ukol sa FTA sa pagitan ng Pilipinas at EU at…
Read MoreSM MALLS NAMAHAGI NG CHRISTMAS KALINGA CHEERS SA 950 BULAKENYOS
NAGMISTULANG mga Santa Claus ang mga empleyado ng SM Malls sa Marilao, San Jose Del Monte, Pulilan, at Baliwag upang magbigay ng maagang pamasko sa 950 underprivileged individual, group and communities sa lalawigan ng Bulacan buhat sa kanilang Christmas Kalinga Cheers na ginanap noong December 14, 2022. Ang Christmas Kalinga Cheers ay joint project ng SM Foundation Inc at SM Supermalls. “The Christmas Kalinga Cheers aims to give love and happiness to communities and less fortunate families in the province,” ayon kay Gladiz Latiza, Marilao SM City Media Relation Officer…
Read More6 MIYEMBRO NG PAMILYA PATAY, 1 KRITIKAL SA TUMAOB NA PICK-UP
LAGUNA – Anim na miyembro ng pamilya ang patay habang isa ang kritikal ang kalagayan matapos na tumaob ang sinasakyan nilang pick-up sa Calamba City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa report ng Calamba City Police, batay sa pahayag ng mga testigo, mabilis ang takbo ng pick-up sa national highway habang paparating ito sa matalim na kurbada malapit sa tulay na boundary ng Barangay Paciano at Barangay San Cristobal sa Calamba City. Dahil umano sa bilis ng takbo ng pick-up, lumihis ito sa kabilang linya at…
Read MoreDATING PULIS PATAY SA AMBUSH
LAGUNA – Patay ang isang dating pulis makaraang pagbabarilin sa Brgy. Mayapa, Paciano Rizal sa Calamba City noong Huwebes ng gabi. Sakay ng motorsiklo si Leo James Garcia Agpalo, dating pulis at ngayon ay isa nang security officer, nang pagbabarilin ng ‘di kilalang mga lalaki sa bahagi ng Service Road, Doctora’s Compound, Silangan Street, Brgy. Mayapa dakong alas- 6:15 ng gabi. Dead on arrival sa pagamutan si Garcia makaraan ang insidente. Kasalukuyang nagsasagawa ang mga awtoridad ng Oplan Sita sa lugar na posibleng pinuntahan ng tumakas na mga suspek. (CYRILL…
Read MoreP400K MARIJUANA NADISKUBRE SA APARTMENT NG 2 ESTUDYANTE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P400,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa isang inabandonang apartment ng dalawang umuupang college students sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang dalawang estudyante na sina Victor Jeric Bautista y Apoderado, 27, ng Brgy. Moonwalk, Paraňaque City, at Carmina Recla y De Paz, 28, ng Imus, Cavite, base sa sumbong ng may-ari ng Ramos Apartment sa Sitio Hanopol, Brgy. Kaong, Silang, Cavite na si Amie Ramos, 45-anyos. Ayon sa salaysay ni Ramos, umupa ang dalawa noong…
Read MoreANGKAS PATAY, DRIVER SUGATAN SA DUMP TRUCK
CAVITE – Patay ang isang babaeng angkas habang sugatan ang driver nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang poste ng kuryente makaraang masagi ng dump truck sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital sina Diosdado Dignos y Magno, 37, may live-in partner, isang aircon technician at driver ng motorsiklong Rusi, at Florame Destacamento y Villamor, 31, may live-in partner, kapwa ng Barangay Molino, Naic, Cavite, ngunit hindi umabot nang buhay ang huli. Kinilala naman ang driver ng dump truck…
Read MoreLAS PINAS PAROL-MAKING WINNERS
PINARANGALAN nina Sen. Cynthia A. Villar at House Deputy Speaker Camille Villar ang mga nanalo sa taunang parol-making contest sa idinaos na 17th Las Piñas Parol Festival nitong Biyernes, December 16, 2022 na ginanap sa Villar SIPAG Complex sa naturang lungsod. Nasungkit ni Richard Loverez ang first prize at tumanggap ng P20,000 cash prize habang si Alicia Flores ay nakakuha ng P15,000 at si Luzviminda Gallardo, P10,000, bilang second at third placers, ayon sa pagkakasunod. Ang Parol Festival ay taunang kompetisyon sa mga gumagawa at kasapi ng Samahan ng Magpaparol…
Read More