96 ARESTADO SA E-SABONG SA REGION-7

UMABOT sa 96 na sangkot sa illegal gambling o (e-sabong) ang naaresto sa pinaigting na kampanya kontra sugal ng Police Regional Office 7. Ayon sa ulat ni PRO7 Regional Director P/BGen. Roderick Alba kay PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang pag-aresto ay batay sa direktiba nito na magpatupad ng crackdown laban sa e-sabong operation. Nabatid sa talaan ng PRO7, ang operasyon ay isinagawa mula Disyembre 9, ika-5:00 ng umaga hanggang Disyembre 10, dakong ika-5:00 ng umaga. Samantala, sa kampanya kontra droga, sa 12 drug operations ay labing-walo ang naaresto…

Read More

RIDING IN TANDEM PATAY SA TRUCK

CAVITE – Kapwa nalagutan ng hininga ang magka-angkas sa motorsiklo, kabilang ang isang 14-anyos na binatilyo, nang pumailalim sa isang delivery truck sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Romnick Quiño Noriega, 22, at angkas nitong isang 14-anyos na binatilyo subalit hindi umabot nang buhay. Kinilala naman ang driver ng delivery truck na isang Isuzu truck na may plakang NBJ 2441, na si Mars Hugo Abraham, 32. Ayon sa ulat ni Corporal Edgard Cabungos ng Trece Martires City…

Read More

CPP-NPA TOP LEADER ARESTADO

ISANG high ranking Communist Party of the Philippine-New People’s Army leader ang nadakip sa isinagawang composite law enforcement operation sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, ayon kay CSJDM PNP chief, Lt. Col. Rannie Lumactod. Ayon kay Col. Lumactod, matapos ang ilang buwang surveillance operation ay nagkaroon sila ng ugnayan sa PNP Criminal Investigation and Detection Group at Philippine Army 7th Infantry Division na nasa ilalim ng Northern Luzon Command, na pinamumunuan ni Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. Sa ikinasang law enforcement operation, katuwang ang mga operatiba ng Criminal Investigation…

Read More

MAAGANG PAMASKO HANDOG SA MAHIHIRAP NA MANILENYO AT MGA BATANG LANSANGAN

MAAGANG nakatanggap ng kanilang pamasko mula sa Manila Police District – Moriones Police Station ang mahihirap na pamilya at mga batang yagit na nakatira sa bangketa sa Tondo, Maynila. Katuwang si dating Manila Cong. Harry Angping at ang Rotary Club ng Quiapo Plaza Miranda, isinagawa ang pamamahagi ng grocery items sa mga residente mula sa Barangay 259 bandang 10:00 ng umaga nitong Linggo sa harapan ng MPD- Moriones Police Station 2. Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll kasama ang kanyang mga tauhan, ang gift-giving activity sa mahigit…

Read More

PABRIKA NG STRAW NASUNOG, 8 SUGATAN

WALO katao ang sugatan sa nasunog na pagawaan ng straw sa Caloocan City noong Sabado ng umaga, Disyembre 10, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Dagdag ng BFP, ang mga sugatan ay mga manggagawa ng Sunshine Wealth sa Tandang Sora St., Brgy. 136, Bagong Barrio, Caloocan City. Inaalam pa ang kanilang mga pangalan. Ayon sa nakalap na impormasyon, nag-ugat ang sunog sa isang kuwartong tinutuluyan ng mga trabahador, kung saan isang charger ang iniwang nakasaksak sa outlet ng kuryente. Nagsimula ang sunog dakong 9:00 ng umaga at idineklarang under-control dakong 10:18…

Read More

MODERNIZATION PROGRAM NG CUSTOMS SUSURIIN

SISIMULAN ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbusisi sa ipinatutupad na modernization program ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna na rin ng sinasabing pagdagsa ng smuggled products ngayong Kapaskuhan. Ito ay sa pamamagitan ng ocular inspection at walk-through sa modernization program ng ahensya sa Port Area, Manila kasama ang mga opisyal at miyembro ng Senate Tax Study and Research Office (STSRO). “Napansin natin na patuloy pa rin ang pagpasok ng mga smuggled goods at kailangang matugunan ang problemang ito lalo na ngayong magpapasko at dagsa ang mga mamimili,” giit ni…

Read More

UNICEF, KOICA call on national government to scale-up ‘F1KD’ programme to address malnutrition

The United Nations Children’s Fund (UNICEF) and the Republic of Korea through Korea International Cooperation Agency (KOICA) on Wednesday, December 7, announced the closure of the successful partnership programme “Integrated Nutrition and Health Actions for the First 1,000 Days” (‘F1KD’ programme). The four-year program aimed to address malnutrition in the three provinces of Samar, Northern Samar, and Zamboanga del Norte (ZdN)—areas with the highest indicators of child malnutrition and those prone to natural disasters. Across the three project provinces, there was a remarkable improvement in child health and nutrition, and…

Read More

HIDILYN BINIGYANG PUGAY NI PBBM MATAPOS SUMUNGKIT NG GINTO SA COLOMBIA

MULI na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships na isinagawa sa Bogotá, Colombia. “Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan,” ayon sa kanyang Facebook page. Nauna rito, pinuri naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala si Hidilyn Diaz-Naranjo matapos masungkit ang tatlong gold medal at…

Read More

PBBM BIYAHENG BELGIUM PARA DUMALO SA ASEAN-EU SUMMIT

TULOY ang byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Brussels, Belgium mula Disyembre 12 hanggang Disyembre 14 para dumalo sa ASEAN-EU Summit. “This is very important for the Philippines and for the president because the PH is currently the country coordinator of ASEAN in its relations with the EU. For two more years we will be the country coordinator. We were instrumental in cooperation with the EU and other members of ASEAN in preparing for this summit,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of ASEAN Affairs Assistant…

Read More