PCG 24/7 NAKAALERTO SA HOLIDAY SEASON

NAKAALERTO nang 24/7 ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard para matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero ngayong holiday season. Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, inaasahang magiging abala ang sea transportation system kaya 25,000 personnel ang kanilang ide-deploy ngayong Christmas season. “Ang ating mga tauhan ng Coast Guard nationwide, we’ll put them on alert status– heightened alert and will be reminding ship owners to ensure the seaworthiness of their vessels,” pahayag ng opisyal. Pinayuhan din ni Admiral Abu ang ating mga kababayan na planuhing mabuti…

Read More

ESTUDYANTE, MAGULANG NGANGA SA NASAID NA UNIFAST FUND

LUHAAN ang maraming estudyante ng isang kolehiyo sa Taal, Batangas habang kakaba-kaba ang kanilang mga magulang dahil sa pangambang hindi na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral dahil sa pagkaubos ng pondo ng kanilang inaasahang scholarship grant ng gobyerno sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHEd). Ayon kay Jeannette Gonzales Catapang, magulang ng isang 2nd year college student ng Rizal College of Taal, dumalo sila sa ipinatawag na meeting ng kolehiyo subalit labis ang kanilang lungkot at ng iba pang magulang nang sabihing ubos na ang pondong inilaan ng Unified Student…

Read More

KARAMBOLA NG SASAKYAN SA SIRANG TULAY, 4 PATAY

MINALAS na masawi ang apat katao kabilang ang pitong taong gulang na lalaki habang walo ang sugatan sa karambola ng SUV, tricycle at kolong-kolong sa Gonzaga, Cagayan, Sabado ng gabi. Sa imbestigasyon ng Gonzaga Police, magkasunod na tumatakbo ang tricycle at ang Fortuner patungo sa direksyon ng town proper nang makasalubong ng mga ito ang kolong-kolong dakong alas-9:30 ng gabi. Subalit pagsapit sa kinukumpuning tulay sa Barangay Ipil, Gonzaga ay huminto ang tricycle para pagbigyang makadaan ang kolong-kolong. Dito na sumalpok ang SUV sa likuran ng sinusundang tricycle at saka…

Read More

3 SUSPEK SA PINATAY NA 2 ANTI-NARCO COPS TIMBOG

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga — Ilan oras matapos paslangin ang dalawang Mabalacat Police officers noong Sabado ng madaling-araw ay agad nadakip ang tatlo sa limang mga suspek sa isinagawang follow-up operation. Inanunsyo ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen noong Sabado ng hapon ang pagkakadakip sa prime suspects na kinilalang sina Jun Jun Baluyut, 44; Aries Bagsic, 40, at Leslie Placiente, 30-anyos. Ang tatlo ay naaresto sa Brgy. Dau, Mabalacat City at narekober kay Baluyut ang isang orange Honda Click motorcycle na mayroon pang dugo, na hinihinalang…

Read More

2 HVTs TIMBOG SA P306K DROGA SA SAN MATEO

RIZAL – Timbog sa 45 gramo ng umano’y shabu ang dalawang high value target individuals sa anti-drugs operation ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit sa bayan ng Mateo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ederico Edrick Zalavaria, ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU), kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga nadakip na sina Felipe Galono y Adora alyas “Sano”, at Daria Jane Dawal y Tidoy, kapwa nasa talaan ng mga awtoridad bilang high value target individual, kapwa ng Brgy. Maly ng…

Read More

Mga residente umapela ng tulong KABAHAYAN SA SARIAYA, QUEZON IKINULONG NG BAKOD

UMAPELA ng tulong ang mga residente ng isang sityo sa Barangay GuisGuis Talon, Sariaya, Quezon matapos makulong ng bakod ang kanilang mga bahay na umano’y nakatayo sa nasasakop na ari-arian ng isang kilalang mayamang negosyanteng Filipino-Chinese sa nasabing lalawigan. Noong Huwebes ng umaga, nagulat na lamang ang mga residente ng Sityo Paraiso nang ang kanilang dalawang daanan palabaas ng main road ay kandaduhan ng nakabantay na mga security guard. Kinailangan tuloy ng mga batang papasok sa eskwelahan na umakyat sa lampas taong bakod para makatawid. Ang iba namang mga mag-aaral ay hindi na pumasok…

Read More

CASH AYUDA SA PWDs SUPORTADO NG DSWD

BAGAMA’T nasa committee level pa lang ang panukalang batas na inihain ng ACT-CIS Party-list hinggil sa buwanang  cash ayuda para sa mahihirap na Persons with Disabilities (PWDs), nangako ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na susuportahan nila ang nasabing bill. Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, “napapanahon na bigyan ng buwanang financial assistance ang mga mahihirap na PWDs lalo na yung mga nakaratay na lamang sa higaan”. Ayon kay Sec. Tulfo, “kahit pambili lang ng maintenance o pangkain para hindi sila pabigat sa kanilang pamilya”. Sinabi…

Read More

Kontra human trafficking FACIAL RECOGNITION CAMERA, BARCODE GAGAMITIN SA NAIA

SA hangaring tuluyang wakasan ang human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), napagpasyahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na gumamit ng makabagong teknolohiyang kalakip ng facial recognition camera ar barcode sa lahat ng pasaherong papasok at lalabas ng paliparan. Ayon kay MIAA general manager Cesar Tiong, partikular pupuntiryahin ng kanyang ahensya ang mga pasaherong gumagamit ng mga pekeng dokumento – tulad ng boarding at access pass, ID at immigration stamps para makalusot. Buwan ng Nobyembre nang maganap ang dikit-dikit na insidente ng human trafficking kabilang ang mga Pinoy…

Read More

SHIPPING COMPANY EMPLOYEE KINUYOG, PATAY

NAMATAY habang inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital sanhi ng mga saksak ang isang 34-anyos na empleyado ng 2Go Shipping Company, makaraan umanong pagtulungan ng magkakaanak sa Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Analupa, ng Liwayway Street, Tondo. Samantala, natimbog sa ikinasang manhunt operation ng Manila Police District – Homicide Section, ang isang suspek na kinilalang si Armando Silao Sr., 55-anyos, may asawa, ng Brgy. 116, Tondo. Habang ang anak nitong si Armando Jr., ay nasa nasabing ospital, makaraang masaksak sa kamay, at si Antonio Silao,…

Read More