ISANG babae ang naipit ng mga piraso ng gumuhong apat na palapag na gusali sa Malabon City nitong Linggo ng umaga, Disyembre 4. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktimang si Ronalyn Tumbocon, nasa hustong gulang, habang isinusulat ito ay inililigtas ng mga kawani ng BFP at iba pang rescuers. Nabatid mula sa Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), gumuho ang nasabing residential building sa Orchid St., Barangay Longos, ng lungsod, dakong 6:30 ng umaga nitong Linggo, at dalawang pamilya ang naapektuhan. Inatasan na umano…
Read MoreAuthor: admin 2
P200K CASH PRIZE SA MGA OFW ENTREPS.
Namigay ng Php200,000 na cash prize si Pangulong Bongbong Marcos sa bawat isa sa siyam na outstanding OFW sa nakaraang KABAYAN 2022 ng Go Negosyo. Ibinahagi ito ni First Lady Liza Araneta Marcos sa kaganapan sa SM Mall of Asia sa Pasay City noong Dec. 3. Kasama ni First Lady sina (L-R) Raj Uttamchandani ng Esquire Financing, Alice Eduardo ng Sta. Elena Construction, Dept. of Migrant Workers Sec. Susan Ople, Go Negosyo founder Joey Concepcion, ang First Lady, DTI Sec. Alfredo Pascual, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, at si Tessie…
Read More2 pulis Mabalacat tinadtad ng bala, patay
Hindi bababa sa limang armadong suspek ang walang habas na pinagbabaril ang dalawang pulis na naka-assign sa Mabalacat Police Station sa Pampanga habang nagsasagawa ng anti-illegal drugs operation. Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:40 ng madaling-araw ngayong Sabado, limang armadong suspek na naka-bonnet at sakay ng motorsiklo ang pinaulanan ng bala ang mga biktima na noo’y nagsasagawa ng drug operation sa Barangay Dau sa nasabing lugar. Kinilala ang mga biktima na sina Senior Master Sgt. Sofronio Capitle Jr. at Staff Sgt. Dominador Gacusan Jr., kapwa nakatalaga sa Drug Enforcement…
Read MoreMAAGANG PASKO SA NATIONAL PRESS CLUB
UMABOT sa isang libong pamilya sa Baseco Compound sa Port Area, Manila ang nabigyan ng maagang pamasko ng National Press Club sa Intramuros, Manila nitong Sabado ng umaga. Pinangunahan ni Lydia Bueno, pangulo ng NPC, kasama ang 10 nitong opisyal, at Lions Club of Pasay City, ang pamimigay ng bigas at grocery items. Dumalo sa nasabing gift giving ang mga opisyal ng Philippine Fugian General Business Association na isa sa mga sponsor. Si Manila Police District Director Brigadier General Andre Perez Dizon ang guest of honor sa nasabing gift giving…
Read MorePUMALAG NA SNATCHER PATAY SA PULIS
BATANGAS CITY – Patay ang isang lalaki na pumasok sa isang bahay at nang-agaw ng cellphone, matapos na manlaban sa nagrespondeng mga pulis sa lungsod na ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang napatay na si Geronimo Rivera, 47-anyos, residente ng Brgy. Sta. Clara, Batangas City. Batay sa report ng Batangas City Police, dakong alas-3:00 ng gabi nang pasukin ng suspek na armado ng itak ang bahay ni Joseph Bunquin at inagaw ang cellphone nito. Humingi ng tulong si Bunquin sa mga pulis na agad namang nagresponde ngunit mabilis na…
Read MoreBRGY. EX-O TIMBOG SA RAPE SA PWD
ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 60-anyos na barangay executive officer (EX-O ) sa pagsalakay ng mga operatiba ng District Investigation Division ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), sa Barangay Silang, Muntinlupa City. Kinilala ang suspek na si Orlando Mariaga, may asawa, ng Barangay Silang, Muntinlupa City. Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-SMaRT, bandang 5:45ng hapon, nang bitbitin ng kanyang mga tauhan sa pangunguna nina Police Major Emmark Dave Apostol at Leutenant Edgar Julian, ang suspek sa Barangay 16, Bagong Silang, Sucat, Muntinlupa City,…
Read More2 MWP ARESTADO SA VALENZUELA, CALOOCAN
DALAWANG most wanted persons ang nasakote ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Valenzuela at Caloocan noong Huwebes. Dinakip si Ronald Alingco y Rarugal alyas “Nono”, 28, binata, ng Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City, na pinaghahanap dahil sa kasong two counts ng child abuse. Inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong Disyembre 1, 2022, ang warrant of arrest na ginamit sa pagdakip kay Alingco. Samantala, dinampot ng mga awtoridad si John Paul Fowler y Contreras, 29, binata, driver, ng…
Read More1K BAGS NG SMUGGLED YELLOW ONIONS NAKUMPISKA
NAKUMPISKA ng magkasanib na puwersa ng pamahalaan ang 1,000 bags ng smuggled na dilaw na sibuyas sa isang bodega sa Sto. Cristo Street, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi. Sinalakay ang nasabing bodega sa DNR Building sa nasabing lugar sa pangunguna ni P/Major Johny Boy Itcay ng Regional Special Operation Group ng NCRPO, kasama sina SA2 Antero Prado ng Bureau of Customs; Lito Litlero ng Department of Agriculture; Melvin Banagbanag ng Bureau of Plant and Industry; Lieutenant Mark Mangoyob ng Philippine Coast Guard, alinsunod sa direktiba ni P/Colonel Romano Cardiño, hepe ng…
Read MoreKASO NG MISSING SABUNGEROS ‘DI LULUBAYAN – PNP-CIDG
SINISIGURO ng pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hindi nila lulubayan ang kaso ng nawawalang mga sabungero. Ito ay makaraang matukoy ang dalawang suspek na hinihinalang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero na nagbigay daan upang pormal nang dumulog sa Department of Justice para maghain ng reklamo ang pamilya ng nawawalang sabungero na nakuhanan ng video habang bitbit ng dalawang lalaki. Sa imbestigasyon, pinangalanan umano ng isang testigo ang isa sa dalawang lalaki nakuhanan ng secret video habang naglalakad bitbit ang isang nakaposas na lalaki na umano’y…
Read More