AYUDA AT PROTEKSYON NG DSWD SA IPs SINANG-AYUNAN NI REP. YAP

SUPORTADO ni Benguet Congressman Eric Yap ang layunin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na pagkalooban ng tulong at proteksiyon ang Indigenous Peoples (IPs) sa pamamagitan ng mga programa ng ahensya. Ayon kay Yap, simula nang maupo si Sec. Tulfo sa DSWD ay ginampanan nitong mabuti ang kanyang trabaho upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga nangangailangan, saang lugar man sila naroroon. Inilapit din aniya nito ang mga programa ng ahensiya sa bawat komunidad upang mapagsilbihan ang libu-libong pamilya at ngayon naman ang kapakanan ng…

Read More

KADIWA PALALAKASIN NG NAVOTAS, DA

NAGKASUNDO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at ang Department of Agriculture (DA) na palakasin ang Kadiwa sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program. Personal na nilagdaan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at DA spokesperson and Assistant Secretary for Consumer Affairs Kristine Y. Evangelista, ang memorandum of agreement (MOA). Sa ilalim ng MOA, tatanggap ang Navotas ng P5,000,000 na gugugulin nito sa pagpapatayo ng NavoBangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong Navoteño fisherfolk. Noong Nobyembre 16 mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang…

Read More

2 TULAK TIMBOG SA SHABU, MARIJUANA SA PASIG

TIMBOG sa pitong gramo ng umano’y shabu at apat na gramo ng marijuana ang dalawang hinihinalang tulak sa anti-drugs operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa C. Raymundo Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City. Ayon sa ulat ni P/Col. Celerino Sacro Jr., kay EPD District Director, P/Col. Wilson Asueta, kinilala ang arestadong mga suspek na sina alyas “Alvin”, 41, call center agent, at alyas “Love”, 49-anyos. Dakong alas-5:00 ng umaga noong Nobyembre 26 nang masakote sa buy-bust operation ang mga suspek sa C. Raymundo Avenue, sa lungsod.…

Read More

P2-M COCAINE, IBA PANG DROGA NASAMSAM NG PDEA, BOC

NABULGAR ng mga awtoridad ang paggamit ng mga drug syndicate ng private and commercial self-storage facility kasunod ng isinagawang pagsalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency katuwang ang Bureau of Custom Intelligence Unit, sa West Bicutan, Taguig City. Nakumpiska ng mga tauhan ng PDEA, BOC at NICA ang sari-saring illegal drugs at drug paraphernalia mula sa sinalakay na commercial self-storage facility sa Western Bicutan. Ang self-storage facilities ay paboritong rentahan ng ilang indibidwal dahil mayroon itong enclosed at secure storage rooms para maitago pansamantala ang kanilang mga pag-aari na nauna nang nauso sa ibang bansa. Nabatid sa ulat…

Read More

MWP SA RAPE/CARNAPPING TIKLO SA PAMPANGA

INARESTO sa lalawigan ng Pampanga ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District ang isang lalaking top 10 most wanted person sa kasong rape sa Eastern Visayas, at umano’y kasapi ng Limos carnapping group. Kalaboso ang suspek na si Ruel Quizol y Impok, 28, huling nanirahan sa San Juan, Apalit, Pampanga. Ayon sa ulat, dakong 11:30 ng umaga nang isagawa ang operasyon laban kay Quizol makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na namataan siya sa San Juan, Apalit, Pampanga. Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of…

Read More

VAN, TRICYCLE NAGSALPUKAN; 1 PATAY, 5 KRITIKAL

patay

QUEZON – Isa ang patay habang lima ang malubhang nasugatan sa salpukan ng tricycle at fish delivery van sa Maharlika Highway, Brgy. Villa Padua sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktimang namatay na si Victorino Delos Santos Calvelo, 70, isa sa mga pasahero ng tricycle, idineklarang dead on arrival sa ospital. Apat pang sakay ng tricycle ang sugatan, na kinilalang sina Aileen Amolar Villapando, 35; Senen Delos Santos Amolar, 69; Jacinto Valderama Huin, 49, at isang 2-anyos na paslit na lalaki, pawang mga residente…

Read More

5 VIETNAMESE NATIONALS NASAGIP SA PROSTITUSYON

pulis

LIMANG Vietnamese national ang nasagip ng mga pulis mula sa prostitusyon ng dalawang foreign national na naaresto ng mga operatiba mula sa SPD DSOU, sa ikinasang entrapment and rescue operation dakong alas-2:30 madaling araw noong Nobyembre 25, 2022 sa Bayshore 1 Residence, Brgy. Tambo, Parañaque City. Ang operasyon ay nag-ugat sa report ng isang Romel Battung sa mga pulis na limang Vietnamese national ang minanipula bilang prostitutes sa Unit 5H, Tower C, Bayshore 1 Residence sa Parañaque City. Agad na kumilos ang police operatives at plinano ang rescue operation base sa…

Read More

NASAGI NG ARMORED VAN; LOLO TUMILAPON, PATAY

NAMATAY habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical center ang isang 64-anyos na lolo makaraang masagi ang minamaneho nitong motorsiklo ng armored van sa southbound lane ng Padre Burgos St., Lagusnilad Underpass sa Ermita, Manila noong Huwebes ng hapon. Batay sa ulat ni Police Corporal John Patrick Ted Mañaol na isinumite kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Enforcement Unit (MDEU), namatay dakong alas-9:00 ng gabi ang biktimang si Pedro Tenerife , ng Palmera St., Sampaloc, Manila. Samantala, kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage…

Read More

6 CTG PATAY SA ENGKWENTRO SA SULTAN KUDARAT

patay

MULI na namang nalagasan ang hanay ng communist terrorist group nang makasagupa ang mga tropa ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion sa Sitio Sandigan at Sitio Mudti sa Brgy. Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat. Ayon sa ulat na ipinararating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner, kinilala ang mga napatay na sina Dennis Dolunan alias “Kalbo”, executive committee member, Deputy Secretary ng East Daguma Front remnants ng Sub-Regional Command (SRC) Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR); Lailyn alias Aira, ang misis ni alyas “Kalbo” at siya rin ang medic…

Read More