WHALE SHARKS NAMATAAN SA TAYABAS BAY

KINUMPIRMA ng mga tauhan ng Bantay Dagat at environmentalist group na Tanggol Kalikasan ang namataang mga whale shark o butanding sa sa karagatan ng Tayabas Bay sa Quezon. Ayon kay Edwin Frias, miyembro ng Bantay Dagat ng Sariaya, 20 malalaking whale sharks ang kanilang namataan  habang sila ay nagpapatrolya sa territorial waters ng bayan ng Sariaya. May kasama aniya ang mga ito na maraming iba’t ibang klase ng mga isda na siyang ikinatuwa ng lokal na mga mangingisda. Ayon kay Frias, mula nang masawata ang illegal fishing sa lugar ay malimit na silang…

Read More

NIGERIAN, MAG-INA ARESTADO SA ANTI-CYBERCRIME OPS

ARESTADO sa entrapment operation ang isang Nigerian national at isang mag-inang Filipina matapos biktimahin ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa Silang, Cavite noong Huwebes ng hapon. Kasong paglabag sa Article 315 (swindling/estafa) ng Revised Penal Code in relation to Section 6 ng RA 10175 o kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012, at Sec. 5(a) (aiding or abetting in the commission of cybercrime) ng Republic Act No. 10175 ng Cybercrime Prevention Act of 2012, ang kinahaharap ng mga suspek na sina Rosalinda Geronimo y Bernal, 53, government employee;…

Read More

Stepdaughter binidyuhan sa banyo MANYAKIS NA STEPDAD, TIMBOG SA VOYEURISM

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang isang 50-anyos  na lalaki matapos na mahuli habang kinukunan ng video ang dalagang anak ng kanyang live-in partner habang naliligo sa banyo sa kanilang bahay sa Lucena City. Noong Huwebes ay ipinagharap ng sakdal ng biktimang si alyas “Tintin”, 20, ang suspek na si Johenes Vital, residente ng Barangay Ibabang Dupay. Batay sa reklamo ng biktima sa pulisya, nangyari ang insidente noong Martes ng umaga habang siya ay naliligo. Nagulat na lamang umano siya nang makita ang…

Read More

BA 5 SUBVARIANT NG OMICRON, NAKAPASOK NA SA BANSA

LABING-APAT na kaso ng BQ.1 lineage ng Omicron BA.5 subvariant ang umano’y nakapasok na sa bansa, ayon sa pinakahuling sequencing na isinagawa ng UP-Philippine Genome Center o PGC noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18. Base sa datos ng Department of Health (DoH), 6,070 samples ang isinalang sa sequencing kung saan kabilang dito ang 525 na uri bilang Omicron BA.2.3.20; 358 na XBB; 254 na XBC; 12 na BA.2.75. at 864 na ibang Omicron subvariants. Bukod dito, mayroon pang natukoy na 1,645 na Delta variant at subvariants. Karamihan sa mga kaso ng…

Read More

DANCE INSTRUCTOR HULI SA P680K SHABU

ARESTADO ang isang dance instructor nang mahulihan ng P680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang suspek na si Mark Arthur Managaytay Mendoza, 32, ng Brgy. Culiat, Quezon City. Ayon sa report ni Batasan Police Station (PS 6) commander, P/Lt. Col. Morgan Aguilar, bandang alas-3:30 ng madaling araw noong Nobyembre 24 nang maaresto ang suspek sa buy-bust operation sa Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara, ng nasabing lunsod. Sinasabing nakatanggap ng tip ang mga awtoridad…

Read More

3 PULIS NAAKTUHANG NATUTULOG SA DUTY

TATLONG tauhan ng Lawton Police Community Precinct ang naaktuhan ni Manila Police District Director P/Brigadier General Andre Perez Dizon, habang natutulog sa loob ng PCP sa sorpresang pagbisita ng opisyal noong Martes ng madaling araw. Hindi naman sinibak o sinuspinde sa tungkulin ang tatlong pulis na nakatalaga sa Lawton Police Community Precinct sakop ng MPD- Ermita Police Station, dahil naunawaan naman ng heneral ang magiging kalagayan ng mga ito, kaya inilipat na lamang sa ibang presinto. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO), ang dalawang may…

Read More

6 HOLDAPER, PULIS AT SIBILYAN PATAY SA ROBBERY SA COTABATO

pulis

NASAWI ang walong indibidwal kabilang ang anim na holdaper nang mauwi sa engkwentro ang kanilang pag-atake sa isang bakeshop sa lalawigan ng Cotabato. Sa ulat na ibinahagi ni M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon, hinoldap ng walong suspek ang Regz and Kirks Bakeshop sa Barangay Bagontapay sa bayan ng M’lang. Subalit may mga kostumer ang nagtangkang manlaban nang simulang limasin ng mga suspek ang kanilang mga salapi at ari-arian na nauwi sa pamamaril ng mga suspek. Nagawa ring agad makahingi ng tulong sa pulisya ng mga nakarinig sa…

Read More

AKSIDENTENG NABARIL, PULIS PATAY SA KABARO

LAGUNA – Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahang pulis sa loob ng barangay hall sa Brgy. 1-B, San Pablo City nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Fhrank Aldene Dela Cruz, 30-anyos, tubong Alicia, Isabela, at nakatalaga sa SWAT unit ng San Pablo City Police Station. Ayon sa report ng San Pablo City Police, naglilinis ng kanilang baril ang biktima at mga kasamahan nito nang aksidente pumutok ang isa sa service fire arms ng grupo dakong alas-8:30 ng umaga. Lumabas sa imbestigasyon, naghahanda ang mga pulis…

Read More

LEDESMA ITINALAGA NI PBBM BILANG ACTING PREXY AT CEO NG PHILHEALTH

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si  Emmanuel Rufino Ledesma Jr. bilang acting president at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Nanumpa si Ledesma sa kanyang tungkulin ngayong Huwebes. Si Ledesma ay isa ring miyembro ng expert panel at board of directors. Nagsilbi rin siya bilang pangulo at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation. (CHRISTIAN DALE) 318

Read More