HINDI pinanigan ng Court of Tax Appeals ang petisyon ng abogado ng isang negosyanteng ginang na inakusahang guilty sa kasong tax evasion. Bukod sa hatol na isang taong pagkakulong, inatasan din ng CTA Second Division ang akusadong si “Julie” may-ari ng isang enterprises sa Cubao, Quezon City, na bayaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng higit P16 milyon base sa “deficiency income” at “value-added taxes” para sa taong 2012. Ayon kay Associate Justice Jean Marie A. Bacorro-Villena, ang ponente ng desisyon, binalewala umano ng ginang ang “assessment and collection…
Read MoreAuthor: admin 2
DSWD-4A WALANG PAGKUKULANG SA NOVELETA – SEC. TULFO
WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan. Kasabay nito, pinabalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at Assistant Director Mylah Guitterez matapos ilipat sa central office noong Huwebes dahil sa reklamo ni Noveleta Mayor Dino Chua na “pinahirapan ng DSWD ang mga biktima na makakuha ng ayuda”. Ayon kay Sec. Tulfo, “wala nang kuwestiyon…
Read MorePANUKALANG AYUDA KONTRA INFLATION IKINASA SA KAMARA
SA gitna ng patuloy na pagsirit sa presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng mataas na inflation rate, panibagong ayuda ang hirit ng Kamara sa hangaring maibsan ang dusang kinasasadlakan ng mga Pilipino. Para kay House Speaker Martin Romualdez, higit na kailangan ang agapay ng pamahalaan sa mga sektor na lubhang apektado sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Pagtitiyak ng House Speaker, kabilang sa prayoridad ng Kamara sa pagbubukas ng plenaryo ang pagsasabatas ng panukala sa pamamahagi ng panibagong ayuda, bago matapos ang taon. “Congress will support the…
Read MoreUSAPIN SA SOUTH CHINA SEA TATALAKAYIN NI PBBM SA ASEAN SUMMIT
KABILANG ang pinagtatalunang South China Sea sa pag-uusapan sa magiging pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia sa susunod na linggo. “The South China Sea will also be there because we always carry that in all of our meetings in the international fora,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu. Sa katunayan, nangunguna sa listahan ng mga paksa na pag-uusapan ay may kinalaman sa post-pandemic economic recovery at transformation.…
Read MorePBBM NAKIPAGPULONG SA FRENCH-FILIPINO RICE PROCESSING FIRM OWNERS
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng local rice processing firm, Chen Yi Agventures, para pag-usapan ang plano ng administrasyon na matamo ang food security. Sa Facebook post, ibinahagi ng Office of the Press Secretary ang mga larawan ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kina Chen Yi Agventures founders French Patrick François Renucci at sa asawa nitong si Filipino-Chinese Rachel, sa Palasyo ng Malakanyang nitong Biyernes, Nobyembre 4. “Ngayong araw, tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga opisyal ng Chen Yi Agventures ang mga…
Read MoreTENSYON SA PAMAMAHAGI NG ABANDONED BALIKBAYAN BOXES SA BULACAN
BAHAGYANG nagkaroon ng tensyon sa pamamahagi ng mga na-auction na abandonadong Balikbayan Boxes sa isang warehouse sa Balagtas, Bulacan nitong Sabado. Nabatid na mahigit 100 mga consignee na pawang mga kaanak ng mga nagpadalang overseas Filipino workers (OFW), ang dumagsa sa FR Agbay Enterprises sa Hobart Warehouse Compound kung saan nakalagak ang nasa mahigit 3,000 balikbayan boxes na nakatakdang i-release tuwing araw ng Sabado. Ang nasabing balikbayan boxes ay ipina-auction ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan makaraan ideklarang abandoned goods dahil hindi na inasikaso ng consolidator mula sa ibang bansa…
Read MoreLADY RIDER, ANGKAS SUGATAN SA AMBUSH
BULACAN – Dead on the spot ang isang lady rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos na pagbabarilin ng riding in tandem na bumuntot sa kanila pagsapit sa Road 1, IPO Road, Brgy. Minuyan Proper, City of San Jose Del Monte sa lalawigang ito. Kinilala ang napaslang na si Mary Joy Gonzales y De Jesus, 36, may asawa, isang call center agent, at naninirahan sa Sitio Gulod, Brgy. Minuyan Proper, CSJDM. Naglunsad na ng manhunt operation si P/Col. Rannie Lumactod laban sa hindi pa kilalang mga suspek matapos na hindi matunton…
Read MoreNaglalaba kasama ni Ate BATANG BABAE NALAGLAG SA ILOG, NALUNOD
QUEZON – Nalunod ang isang 7-anyos na batang babae makaraang mahulog sa ilog habang naglalaba sa Barangay Banot, sa bayan ng Sampaloc sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Ayon sa Sampaloc Police, wala nang buhay ang biktimang si Jesica Olager nang mai-ahon ng sumaklolong mga kapitbahay. Batay sa report, ang biktima kasama ang kanyang 14-anyos na kapatid na babae, ay naglalaba sa gilid ng Maapon river sa nasabing bayan dakong alas-8:00 ng umaga. Subalit nadulas ang bata at nahulog sa tubig hanggang sa napunta ito sa malalim na bahagi.…
Read MoreSEGURIDAD SA BAR EXAM 2022, HIHIGPITAN
MAGPAPATUPAD ng mahigpit na seguridad ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa paligid ng dalawang unibersidad kaugnay sa gaganaping 2022 Bar examinations. Sa Executive Order 48 na inilabas noong Biyernes, ipinag-utos ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang liquor ban, pagbabawal sa mga ambulant vendor, at magpapatupad ng noise control measures sa mga lugar malapit sa San Beda University sa Mendiola, at sa De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue. Ipatutupad ang liquor ban sa loob ng 500-meter radius ng mga unibersidad sa sumusunod na mga petsa: Nob. 8, 12:00 ng tanghali hanggang Nob.…
Read More