HINDI nakapalag ang isang 55-anyos na dating pulis nang silbihan ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide sa Quezon Blvd., Quiapo, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, ang suspek na si Pedro Reyes y Querubin, may asawa, dating pulis, at residente ng Carcer St., Quiapo Inaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni P/Major Dave Emmark Dave Apostol, katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station at Plaza Miranda Police Community Precinct, sakop ng Sta. Cruz…
Read MoreAuthor: admin 2
P8-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT SA ZAMBOANGA
TINATAYANG umabot sa P8 milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa Zamboanga City. Sa tulong ng Regional Special Operating Group (RSOG), CIU-Zamboanga City Police Office (ZCPO), at Police Station 11 (PS11), ay ikinasa ang pagsabat sa nasabing kontrabando matapos na magpositibo ang intelligence information na nasagap ng BOC hinggil sa isang sasakyan na may kargang smuggled cigarettes. Tumambad sa mga ahente ng BOC ang 207 master cases ng sigarilyo na may brand na Arthur, matapos na masabat…
Read MorePBBM PATULOY NA PINASUSUPORTAHAN ANG ‘MOST VULNERABLE SECTORS’
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagsuporta sa “most vulnerable sectors” sa pamamagitan ng pamamahagi ng cash transfers at fuel discounts para makatulong na mapagaan ang epekto ng tumataas na inflation. Ito’y bahagi ng pangunahin at mahalagang pagtugon ng gobyerno sa tumataas na inflation habang patuloy na itinataguyod naman ang climate action at food security. “Inflation has accelerated to 7.7 percent in October, and though higher by 0.8 percent from September’s figure, this remains within the Bangko Sentral’s forecast range of 7.1 to 7.9 percent,” ayon…
Read More2 SIGA SA TONDO BAGSAK SA SELDA
WALANG kawala sa magsanib na puwersa ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) at mga tauhan ng Raxabago Police Station ang dalawang siga-siga umano sa kanilang lugar sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng gabi. Hindi na nakaalpas sa mga awtoridad ang mga suspek na sina Jefferson Tumbaga, 19, at Jimboy Cocolio, 30-anyos. Sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, bandang 11:00 ng gabi nang arestuhin ang mga suspek sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Jacinto St., Tondo base sa impormasyon ng isang impormante.…
Read More50 PAMILYA APEKTADO SA 3 SUNOG SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa limampung pamilya ang naapektuhan nang masunog ang isang residential apartment at residential house gayundin ang isang garment warehouse sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes. Ayon sa ulat, dakong alas-7:05 noong Huwebes ng umaga nang nasunog ang isang tatlong palapag na residential apartment sa 171 2nd St., Sto Niño 3, Bacoor City, Cavite na pagmamay-ari ng isang Fernando Tan. Dakong alas-7:13 ng umaga nang ideklarang 1st alarm at fire under control dakong alas-7:33 ng umaga ang sunog habang mahigit sampung fire truck ang nagresponde sa…
Read MoreKAGAWAD UTAS SA DATING KAALITAN
LAGUNA – Patay ang isang barangay kagawad matapos na barilin ng kanyang dating kaalitan sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Cabuoan, sa bayan ng Santa Maria sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si John Arvy Vispo, 36, residente at kagawad ng Brgy. Adia, dahil sa tama ng mga bala sa dibdib at tiyan. Batay sa imbestigasyon ng Santa Maria Police, dakong alas-8:20 ng gabi, nasa tindahan ang biktima at bibili ng alak nang dumating ang suspek na kinilalang si Reynald Ikling. Nagkaroon ng…
Read MoreDEATH TOLL KAY PAENG, 154 NA
UMAKYAT na sa 154 ang napaulat na namatay sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa mahigit 50 lalawigan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa inilabas na datos ng NDRRMC nitong Biyernes ng umaga, pinakamarami sa napaulat na namatay ay mula sa BARMM na nasa 63 katao. Tatlumpu’t tatlo rito ay sa Region 6 at Calabarzon, lima sa Region 8, tig-apat sa Region 9, at Region 12, tatlo sa MIMAROPA, tig-dalawa sa Region 2, Region 3, Region 5, Region 7, at isa sa Cordillera Administrative Region (CAR). Sa…
Read MoreLALAKI TIKLO SA TANGKANG PAGPATAY SA KADUGO
KALABOSO ang isang lalaking wanted person dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kadugo sa Caloocan City. Dinamba sa Katarungan St., Barangay 149, Bagong Barrio, ng lungsod, dakong 9:20 ng gabi noong Nobyembre 2, ang suspek na si Arnel G. Pacursa, 43, residente ng nasabing barangay. Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Rowena Violago Alejandria, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 121, Caloocan City, para sa kasong attempted parricide. Pansamantalang ipiniit ang suspek sa Sub-Station 5 habang isinasaayos ang mga dokumento para sa pagbabalik…
Read More6 MIYEMBRO NG PAMILYA PATAY SA SUNOG SA NAVOTAS
ANIM na kasapi ng isang pamilya ang namatay sa sunog sa Navotas City nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga namatay na sina Donsito Boiser, 41, ama; Reynosa Moscoso, 41, ina; mga anak na sina Raymond Boiser, 10; Arriana Boiser, 3, at Reinna Boiser, 2, at pamangkin ng mag-asawa na si Natalia Boiser, 14-anyos. Ayon sa BFP, nangyari ang sunog na umabot sa first alarm, sa Dalagang Bukid St., Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City. Nagsimulang masunog ang bahay ng mga biktima dakong 5:21 ng…
Read More