TEVES ISINABIT LANG SA DEGAMO MURDER CASE

INAASAHANG madaragdagan pa sa mga susunod na araw na bawiin ng iba pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang kanilang naunang salaysay na nagdidiin kay Congressman Arnolfo “Arnie” Teves matapos umanong makonsensya at kumambyo ang isa sa 11 suspek na si Osmundo Rivero. Ayon sa isinumiting counter affidavit ni Rivero, sinabi nito na hindi siya kasama sa pumatay kay Degamo. Iginiit din nito na tinortyur at tinakot ito ng mga pulis upang aminin ang krimen at napilitang ituro si Teves na mastermind sa pagpatay sa gobernador.…

Read More

IMPORTED OMAD BISTADO SA CLARK

SA tulong ng mga makabagong X-ray scanners at trace detectors, bulilyaso ang modus puslit-omad ng isang sindikato matapos mabuking ang halos P1.7-milyong halaga ng high-grade marijuana sa Port of Clark sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nabisto ang imported na damong ikinubli sa loob ng isang unan na bahagi ng bagaheng idineklara bilang gamit sa pagluluto. Sa imbentaryo, tumimbang ng higit pa sa isang kilo ang Kush marijuana na agad isinailalim ng pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaharap ang mga kinatawan mula sa mga…

Read More

TALUSAN SUMABAK AGAD SA TRABAHO

MATAPOS matanggap ang sipi ng direktiba hinggil sa balasahan sa kawanihan, walang sinayang na panahon si dating Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan na agad sumabak sa trabaho sa kanyang bagong tanggapan – sa Port of Subic sa Lungsod ng Olongapo. Sa unang araw sa kanyang bagong destino, malugod na tinanggap ng mga opisyales at kawani ng Port of Subic ang bagong District Collector na mangangasiwa sa operasyon ng naturang distrito. “With her extensive background in Customs and trade, Collector Talusan brings experience and expertise to this critical role.…

Read More

2 CLAIMANT ARESTADO SA CHOCOLATE SHABU

HINDI na nagawang pumalag ng dalawang claimant matapos dakpin ng mga operatiba sa aktong pagtanggap ng ‘imported crystal meth’ (shabu) na dinala mismo sa kanyang tahanan sa bayan ng Baliwag sa lalawigan ng Bulacan. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), unang nabisto ang droga sa bagaheng idineklarang tsokolate matapos isailalim sa X-ray inspection ng Port of Clark at K-9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kargamentong inangkat mula sa ibang bansa. Pagtataya ng PDEA, mahigit P1 milyon ang kabuuang halaga ng tumambad na drogang isinama sa mga…

Read More

P19-M DROGA, INABANDONA NG NERBYOSONG DAYUHAN

Ni JOEL O. AMONGO   NAPAGTANTO marahil ng isang dayuhang courier na mahihirapan siyang palusutin ang bitbit na droga papasok ng bansa kaya ang kanyang ginawa – iniwan na lang ang nasa P19-milyong halaga ng droga mula sa bansang Uganda. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), natagpuang abandonado sa isang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang drogang laman ng isang maleta. Nang suriin ang bagahe, lumalabas na dumating sa NAIA Terminal 1 ang naturang kontrabandong pag-aari ng isang Uganda national na sakay ng Ethiopian Airlines flight ET628…

Read More

PALLGU PROGRAM PARA SA 2K MAGSASAKA SA MALOLOS SINIMULAN

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Bulacan ang pamamahagi ng P3.00 karagdagang bayad para sa aning palay kada kilo para sa mahigit 2,000 magsasaka sa ilalim ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU). Sinabi ni Mayor Christian Natividad na ang PALLGU ay isang programa na kung saan makikinabang ang local farmers, ito ay karagdagang kita na handog ng LGU. Nabatid na ito ay programang itinatag National Food Authority (NFA) na nagbibigay-daan sa mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita. Sa ilalim ng programa,…

Read More

Alyas Billy Joe patuloy sa pangongolekta sa Calabarzon JUETENG SA REGION 4A HAMON KAY ACORDA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MALAKING hamon ngayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kung paano ibabangon ang kanilang imahe dahil bukod sa isyu ng malawakang pagpupuslit ng ilegal na droga na ginagawa mismo ng ilang PNP officials ay nagsusulputan pa rin ang illegal gambling sa bansa. Mananatiling sakit ng ulo ni Chief PNP, Police General Benjamin C Acorda Jr. ang pagsugpo sa mga ilegal na sugalan dahil tulad sa droga ay may mga pulis din umanong protektor nito. Kamakailan, buong pagmamalaki at masipag na nagpa-press conference si Department of…

Read More

NATUPOK NA CENTRAL POST OFFICE, ITAYO AGAD – SOLON

WALANG dahilan para hindi maibalik sa porma ang nasunog na historical landmark na nagsilbing tahanan ng National Post Office sa Plaza Lawton sa lungsod ng Maynila. “This historical landmark must rise from the ashes,”giit ni House Deputy Speaker Ralph Recto, ilang oras matapos tupukin ng apoy ang makasaysayang gusali sa pusod ng kabisera. Sa ilalim aniya ng Republic Act 10066 (National Cultural Heritage Act of 2009), naglalaan ng taunang contingency fund ang Kongreso sa Office of the President. Katunayan aniya, tumataginting na P13-bilyon ang alokasyon sa naturang tanggapan sa Palasyo.…

Read More

Makalipas ang tatlong taon LECHON FESTIVAL BUMIDA ULI SA QC

MATAPOS ang tatlong taong pananahimik bunsod ng banta ng pandemya, muling bumida ang magarbong Lechon Festival sa La Loma, Quezon City. Kasabay ng kapistahan ng Nuestra Señora De Salvacion, ipinarada sa tinaguriang Lechon Capital ang katakam-takam na litson na pangunahing kabuhayan ng mga taga-La Loma sa nakalipas na mga panahon. Sa hudyat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, dinagsa ng QCitizen ang pagbabalik ng tradisyong dinarayo ng QCitizens at mga dayuhang turista. “Simula 2000, tuwing ikatlong Linggo ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang Lechon Festival dito sa La Loma. Sa kasamaang-palad,…

Read More