PANSAMANTALANG sinuspinde ni Mulanay, Quezon Mayor Aris Aguirre ang klase ng mga mag-aaral sa apat na eskwelahan sa kanilang bayan matapos na bulabugin ng bomb threat noong Linggo ng umaga. Batay sa inilabas na anunsyo ni Aguirre noong Linggo ng hapon, suspendido ang mga klase nitong Lunes, Mayo 22, sa mga paaralan ng Sta. Rosa Elementary School, Mulanay Central Elementary School, Bondoc Peninsula Agricultural High School at PUP – Mulanay. Ito ay habang patuloy na sinusuri pa ng mga awtoridad ang nasabing mga eskwelahan. Sa unang pagsisiyasat ng pulisya, unang ng sinabi ng mga tauhan…
Read MoreAuthor: admin 2
COVID-19 CASES SA QUEZON PROVINCE TUMATAAS
PATULOY na tumataas ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon ngayong pumasok ang buwan ng Mayo. Batay sa tala ng Quezon Provincial Health Office (QPHO), mula sa dating isang aktibong kaso noong April 10, umabot na ngayon sa 181 ang active cases sa lalawigan. Mula noong April 10 ay nakapagtala ang QPHO ng 532 na panibagong mga nagpositibo sa COVID. Habang 351 naman sa mga ito ang nakarekober na sa sakit. Noong Mayo 3 nang biglang sumirit ang mga kaso sa lalawigan na nagkaroon ng double digits na average ng bilang…
Read MoreRIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA TRUCK
CAVITE – Patay ang isang 55-anyos na rider habang sugatan ang angkas nito nang salpukin ng isang Isuzu GMC truck na nag-overtake at umukopa sa kabilang kalsada sa bayan ng Silang noong Linggo ng hapon. Sa pinangyarihan ng insidente ay nalagutan ng hininga ang biktimang si Sonny Boy Enriquez Ramos, isang construction worker, habang isungod sa Qualimed Hospital ang angkas nito na si Cindy Deprosa Ramos, 47-anyos. Tinangkang tumakas subalit naaresto sa kalaunan ang driver ng Isuzu GMC truck na may plakang NDH 3750, na si Randy Arzuela Magistrada, 48-anyos. Ayon sa ulat…
Read MoreRIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA PUNO NG MANGGA
CAVITE – Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente ang isang babaeng rider habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang angkas nito nang sumalpok sa puno ng mangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Dasmariñas City nitong Linggo ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktimang namatay sa pinangyarihan ng insidente habang kinilala ang angkas nito na si Elenith Algafera, 18-anyos, inoobserbahan sa Pagamutan ng Dasmariñas. Ayon sa ulat, minamaneho ng ‘di kilalang babaeng rider ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio at angkas si Algafera habang binabagtas ang kahabaan ng Molino-Paliparan…
Read MoreLALAKI TIKLO SA SEXTORTION SA EX-GF
DINAMPOT ng mga operatiba ng Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT) ang isang 27-anyos na lalaki na sangkot sa sextortion, sa ikinasang entrapment operation sa Bocaue, Bulacan. Kinilala ni Police Brigadier General Sidney Hernia, Chief ng Regional Anti-Cybercrime Group, ang suspek na si Ravinner Denusta Cruz, 27, sinampahan ng kasong grave coercion, photo and video voyeurism at paglabag sa Violence Against Women and their Children Act. Ayon kay Major Philipp Ines, ng Public Information Office (PIO), dating karelasyon ng suspek ang biktimang dalaga at nagkaroon sila ng ugnayang sekswal. Ngunit kalaunan…
Read MoreSALISI SA STA. MESA HULI SA FOLLOW-UP
ARESTADO sa inilatag na follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, sa Cubao, Quezon City ang isang 22-anyos na binata makaraang looban ang isang massage and spa shop sa Sta. Mesa, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala Police Lieutenant Colonel Dionell Brannon, station commander, ang suspek na si John Lloyd Santiago, 22, natimbog dakong alas-6:45 ng gabi. Si Santiago ay suspek umano sa panloloob sa isang massage and spa shop sa Sta. Mesa, Manila na tinangayan ng iba’t ibang gadgets. (RENE CRISOSTOMO)…
Read MoreSTL, KARERA BINU-BOOKIES SA ERYA NI SPD DIR. GEN. KRAFT?
SA kabila ng mahigpit na babala ni PNP Chief, Benjamin Acorda Jr. na kanyang tatanggalin ang mga regional, district, provincial at city director, maging ang mga chief of police na hindi susunod sa kanyang utos na linisin at ipatigil ang lahat ng ilegal na sugal tulad ng jueteng, bookies, lotteng at iba pa sa kanilang areas of jurisdiction ay may mga patuloy ang operasyon gaya sa mga lungsod ng Taguig at Pateros. Sa reklamo sa SAKSI Ngayon, sa kabila ng paulit-ulit na babala ay may mga ground commander pa rin…
Read MoreEX-DA SECRETARY MARAMING DAPAT IPALIWANAG SA KARTEL NG SIBUYAS – ENVERGA
NANINIWALA ang isang mambabatas na maraming dapat ipaliwanag ang mga dating opisyal ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa pamamayagpag ng kartel na itinuturong responsable sa pagtaas ng presyo ng sibuyas sa P700 kada kilo noong nakaraang taon. Ayon kay House committee on agriculture and food chairperson Cong. Mark Enverga, maraming tanong na dapat sagutin ang mga dating opisyal ng DA na pinamunuan ni William Dar. Anang mambabatas, unti-unting yumabong ang operasyon ni Leah Cruz, ang itinuturing na sibuyas queen, kaya nakontrol nito ang bentahan at presyuhan ng sibuyas bago…
Read MoreTEVES ITUTUMBA SA AIRPORT?
(RUDY SIM) NANINIWALA pa rin si Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na plano siyang patayin sakaling bumalik siya sa bansa. Duda ng mambabatas, paglapag pa lamang ng kanyang sinasakyan sa paliparan ay posibleng may magtumba sa kanya kaya’t nauudlot ang nais niyang pag-uwi. Nangangamba umano siya na matulad kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino na pinaslang sa airport noong August 21, 1983. Sa Facebook video post ni Teves, sinabi nito na matapos ang sablay na pahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus “Boying” Remulla noong…
Read More