DATING MAYOR KULONG SA ELECTION OVERSPENDING

LAGUNA – Ilang buwan pagkatapos ng national and local elections sa bansa, nahaharap ang isang dating mayor ng bayan ng Paete sa lalawigang ito, sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa overspending sa kanyang kampanya. Inaresto ng pulisya si Elmoise Afurong, 56-anyos, ng Bonifacio St., Brgy. Longos, Kalayaan, Laguna, na kumandidato noong nakaraang May 9, 2022 local and national elections. Ayon kay Laguna OIC Provincial Director Col. Randy Glenn Silvio, si Afurong ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Lourdes Santos Mendoza ng Regional Trial Court,…

Read More

DAGDAG-PERSONNEL TUGON NG BI SA DAGSA NG TURISTA

SA hangaring tiyakin ang mabilis at maayos na prosesong kalakip ng inaasahang pagdagsa ng mga turista kaugnay ng nalalapit na kapaskuhan, hindi bababa sa 150 personnel ang itatalaga ng Bureau of Immigration (BI) sa mga pangunahing paliparan kabilang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay. Sa kalatas ng kawanihan, inihayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang paspasang pagrerebisa ng mga aplikasyon para sa 150 posisyon bilang immigration officer para sa pagsusuri at pagproseso ng mga dokumento ng mga byahero. Bukod sa mga immigration officers, nagbukas rin aniya…

Read More

TROSOHAN, MINAHAN SA SIERRA MADRE TATALUPAN NG KONGRESO

TARGET ng Kamara de Representante ng isang malalimang imbestigasyon kaugnay ng mga napaulat na malawakang operasyon ng mga ilegal na pagtotroso at walang habas na pagmimina sa kabundukan ng Sierra Madre. Sa House Resolution 430 na inihain mismo ni House committee chairman at Cavite Rep. Elpidio Barzaga, hihimayin ang mga alegasyon kaugnay ng di umano’y patuloy na pagwasak sa 2.8-milyong ektarya ng kabundukang panangga sa malakas na hampas ng hangin at pumipigil sa pagragasa ng tubig patungo sa kapatagan. “There is an urgent need to determine whether human activity such…

Read More

PASAHERO SA NAIA TIMBOG SA BARIL, COCAINE

DINAMPOT ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang dalawang pasahero matapos mahulihan ng .38 at .22  kalibre ng baril habang pasakay sa kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 papuntang Cagayan De Oro at Bacolod. Ayon sa report, bukod sa mga baril, nakuha rin sa mga ito ang 50 pirasong live ammunition na itinago sa loob ng underwear upang makalusot sa mga awtoridad. Nadiskubre ang mga baril pagdaan sa X-ray baggage security screening officer ng Office of the Transportation Security sa NAIA…

Read More

BA.5 OMICRON CASES, MAHIGIT 1K NA

covid

UMABOT na sa 1,200 na bagong BA.5 Omicron subvariant cases ang natukoy sa bansa batay sa pinakahuling sequencing results mula Setyembre 24 hanggang 26. Ayon sa Department of Health (DOH) sa press briefing, 1,199 na kaso ang lokal at ang isa ay mula sa isang Pinoy na bumalik mula sa ibang bansa. Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, nasa 41% ang BA.5 Omicron subvariants ang natukoy sa bansa. Samantala, hindi bababa sa 33 BA.4 Omicron subvariant ang nakita rin, sa bilang na ito, 31 ang nagmula sa Soccsksargen at dalawa mula sa…

Read More

CONCEPCION: PRIBADONG SEKTOR, TUMULONG SA PAG-AKIT NG INVESTMENTS SA US VISIT NI BBM

Nakatulong sa pagpukaw sa interes ng mga pinakamalalaking private equity investors ang paglahok ng mga nangungunang tycoon ng bansa sa nakaraang pagbisita sa US ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang isa sa mga highlight nito ay naganap sa high-level roundtable meeting na inorganisa nina Asia Society Philippines Chair Doris Magsaysay Ho at Vice Chair Myla Villanueva noong Setyembre 23, kung saan ilan sa pinakamalalaking mga mamumuhunan sa mundo ay dumalo. Kasama dito sina dating ambassador John Negroponte ng McLarty Associates, Ken Mehlman ng KKR, Andrew Thomas ng Stonepeak, Mark Tatum…

Read More

1 sa 2 suspek arestado rin SMUGGLED YOSI HAGIP SA ZAMBO

MALAMIG na rehas at hindi pera ang hinihimas ngayon ng isang 29-anyos na suspek matapos dakpin dahil sa pag-iingat at pagbebenta ng mga sigarilyong pinaniniwalaang ile­gal na ipinuslit sa Zamboanga del Sur mula sa bansang Indonesia. Sa pagtataya ng Bureau of Customs (BOC), aabot sa P1.1 milyon ang halaga ng 34 na kahon ng smuggled na sigaril­yong nakumpiska ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang buy-bust operation sa bayan ng Labangan sa naturang lalawigan. Kinilala naman ang isa sa dalawang suspek sa pangalang Adsar…

Read More

TOP 10 IMPORTERS SA CEBU, KINILALA

BOC-PORT OF CEBU-2

KASABAY ng pagdiriwang ng kanilang ika-136 anibersaryo, binigyang pagkilala ng Bureau of Customs-Port of Cebu (BOC-Cebu) ang ambag ng 10 pribadong kumpanyang nagbigay-daan para mahagip ng naturang distrito ang itinakdang buwang collection target. Kabilang sa mga pinarangalan ang Filoil Logistics Corp., Seaoil Philippines Inc., Ecossential Foods Corp., Therma Visayas Inc., Steelasia Manufacturing Corp., AD Gothong Manufacturing, Kepco SPC Power Corp., National Grid Corp. of the Philippines, Joyland Industries Corp., at ang Cebu Energy Development Corp. Bukod sa mga pribadong kumpanyang itinanghal bilang top importers, kinilala rin ang ambag ng mga…

Read More

DELIVERY NG MGA BALIKBAYAN BOX UMARANGKADA NA

MATAPOS na matengga ng halos isang taon bunsod ng kapabayaan ng ilang tukoy na international freight forwarders, sinimulan na ang pagde-deliver ng libo-libong balikbayan boxes na padala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang mga kaanak sa bansa. Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na personal niyang tututukan ang mga kaganapan kaugnay ng isinasagawang paspasan at puspusang paghahatid ng mga kahon-kahong padala ng mga OFW sa kani-kanilang pamilya. Batay sa mga ulat na natanggap ng ahensya, karamihan sa mga nakatenggang balikbayan box ay mula…

Read More