BISITA ITINUMBA SA BIRTHDAY PARTY

RIZAL – Patay ang isang bisita makaraang pagbabarilin sa birthday party habang patay rin ang isang lalaki makaraang paputukan habang nagmamaneho ng motorsiklo sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang mga biktimang sina Rez Latoza Leonor at Nemencio Timonera, kapwa nasa hustong gulang. Unang binaril at napatay ng hindi kilalang suspek si Latoza, dakong alas-9:25 ng gabi noong Agosto 31 sa Brgy. San Jose habang nakikipag-inuman sa kaibigan na si Pedro Lucena Jr. na nagdiriwang ng kaarawan. Habang dakong…

Read More

STATE OF CALAMITY IDINEKLARA SA TANZA, CAVITE DAHIL SA DENGUE

NANAWAGAN ang ama ng bayan ng Tanza sa lalawigan ng Cavite na makiisa sa pagsugpo sa pagkalat ng dengue matapos na magdeklara ng state of calamity kasunod ng dengue outbreak sa lugar. “Ang kailangan ay nagtulong-tulong tayo. Kailangan po na ang prevention ay dapat magsimula sa bawat household, sa bawat bahay,” ayon kay Mayor Yuri Pacumio sa pagdedeklara ng state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue. Ginawa ito ni Pacumio kasabay ng paglulunsad ng “Oplan Katok , Lamok Tepok” Campaign ng Department of Health…

Read More

ESTUDYANTENG NAGHIHINTAY NG SUNDO HINOLDAP

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang holdapin ang isang 23-anyos na estudyante habang hinihintay ang ama na susundo sa kanya sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Juanito Alejo y Garcia, 43-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-6:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Brgy. Sta. Fe, Dasmariñas City habang nakaupo ang biktimang si Camille Espiritu y Rodriguez, isang estudyante, at hinihintay ang kanyang ama na susundo sa kanya. Bigla umanong lumapit ang suspek, nagdeklara ng holdap at hinablot ang kanyang cellphone.…

Read More

4 TIKLO SA DRUG DEN SA ‘BORACAY’

ISANG drug den ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Quezon City Police District PS-10 matapos na ituro ito sa PDEA anti-drug campaign na ‘Isumbong Mo Kay Wilkins’ na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na drug personalities sa sa Boracay Area, Barangay Piñahan, Quezon City. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, naaktuhan ng kanyang mga tauhan ang apat na mga suspek  na kinilalang sina  Rose Mary Ordoño y Arellano, 35; Arthur Cambay y David, 51; Renato Sison y Periña, 28, at Jessie Ordoño y…

Read More

BELMONTE, TIANGCO, MALAPITAN HINIRANG NA TOP NCR MAYORS OF THE YEAR

INILABAS ng RP – Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng kanilang latest nationwide survey mula Hulyo 1-15, 2022, para sa lahat ng Mayor, Governor, at miyembro ng House of Representatives para sa kanilang “overall job performance” sa taong 2021. Sa National Capital Region (NCR), ang resulta ng ranking para sa “Top City Mayors” ay ang mga sumusunod: Si Mayor Josefina “Joy” Belmonte ng Quezon City, na may 88 percent job performance rating ay ang Top City Mayor sa National Capital Region (NCR) para sa taong 2021; sinundan…

Read More

7 TULAK NABITAG SA P.4-M DROGA

ARESTADO ang pito katao matapos makumpiskahan ng mahigit P.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Setyembre 1 nang dambahin sa Pampano St., Barangay Longos, Malabon City ang mga suspek na sina Khurt Esteven A. Ramos, 22, at Raquel L. Almasan, 56-anyos. Umabot sa 43 gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P 292,400 ang nakumpiska sa dalawa. Bandang alas-4:30 ng madaling araw sa nasabing petsa nang masakote sa Brgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City…

Read More

5 MINORS, 1 PA NASAGIP SA ‘BUGAW’ SA PASIG

ANIM na kababaihan, kabilang ang limang menor de edad, ang nasagip mula sa isang ‘bugaw” sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang restaurant sa Shaw Boulevard, Pasig City. Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9282 na inamiyendahan sa RA 10364 at RA 11862 o Expanded Anti – Trafficking in Person Act of 2002, at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation at Discrimination Act ang suspek na kinilalang si Jenalyn Joy Hierco. Batay sa ulat na isinumite…

Read More

Tuloy-tuloy ang pag trabaho ng Meralco sa mga relocation work para sa PNR North 1 Rail Transit

Inirelocate ng mga kawani ng Manila Electric Co. (Meralco) ang 72 na poste nito para sa PNR North 1 Rail project ng Department of Transportation (DOTr). Ang mga posteng ito ay bahagi ng mahigit 470 poste na nai-relocate na ng Meralco upang magbigay daan sa isinasagawang bored piling at segment installation na kailangan para sa nabanggit na rail project. Ang PNR North 1 Rail Transit ay isang 38-km urban rail transit na siyang bahagi ng North-South Commuter Railway (NCSR) na naglalayong magdudugtong sa Malolos City, Bulacan at Tutuban, sa lungsod…

Read More

BENEPISYO NG NURSES BITIN PARA KAY PBBM

(CHRISTIAN DALE) NAKUKULANGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nars sa bansa lalo pa’t iba ang ibinibigay na serbisyo at sakripisyo ng mga ito matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko. Sa talumpati ng Pangulo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association, sinabi ni Pangulong Marcos na “as of August 19, 2022,” nakapagbigay na ang pamahalaan ng P25.82 bilyong halaga ng benepisyo para sa mga nars. “Sa palagay ko kulang pa ‘yan eh. Medyo hirap tayo sa pondo ngayon kaya’t sa ngayon ganyan lang…

Read More