Sa pagbisita sa Indonesia KASO NI VELOSO UUNGKATIN NI PBBM

UUNGKATIN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kaso ni Mary Jane Veloso, Pinay na nasa death row sa Indonesia sa kanyang nakatakdang state visit sa susunod na linggo. Magugunitang papatawan na sana ng parusang kamatayan si Veloso noong 2015 sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga pero napigilan matapos ipanukala ng namayapa at dating Pangulong Benigno Aquino III na gawing testigo ito laban sa kanyang mga recruiter. “We will go to Indonesia. Most likely, we will raise this issue and concerns to Indonesian officials,” ayon kay…

Read More

PBBM NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA RUSSIA

NAGPAABOT ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa Russia sa pagpanaw ni dating Soviet Union leader Mikhail Gorbachev. Ayon sa Russian state news agencies, namatay si Gorbachev, 91, matapos ang “serious and long illness.” “I share the grief of other world leaders over the death of Mikhail Sergeyevich Gorbachev, the last leader of the former Soviet Union,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang mensahe na naka-post sa kanyang official Facebook page. Sinabi pa ni Pangulong Marcos na si Gorbachev ay “best remembered” sa kanyang paglusaw sa sariling political party,…

Read More

SATELLITE-BASED TECHNOLOGIES DAPAT NANG PALAWAKIN

MULING isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang panukala para sa pagpapalawig ng mga digital infrastructure sa bansa sa pamamagitan ng satellite-based technologies upang matiyak na magiging konektado ang lahat sa internet. Alinsunod sa Senate Bill No. 814 o ang Satellite-Based Technologies for Internet Connectivity Act of 2022, isusulong ng pamahalaan ang paggamit at pag-develop sa mga satellite services upang matiyak ang universal access sa internet. Itinuturing na malaking tulong ito sa e-government at sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo, kabilang ang edukasyon, kalusugan, kalakalan, pananalapi o pinansyal, kahandaan sa kalamidad,…

Read More

P2.67M SMUGGLED ILLEGAL DRUGS NASABAT NG PDEA AT BOC

TINATAYANG nasa P2.67 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs – Port of Clark sa Pampanga, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency. Ayon sa ulat, umabot sa 535.6 gramo ng Ketamine ang nasamsam ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Enforcement & Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, X-ray Inspection Project, sa tulong ng PDEA,  na isiningit sa ilalim ng polycarbonate sheets. Nabatid na nagmula ang kargamento sa Hoofddorp, The Netherlands, na idineklarang mga damit subalit nang isalang sa x-ray…

Read More

CARNAPPER TIKLO SA TIP NI MARITES

ARESTADO ang umano’y isang kilabot na carnapper matapos inguso ng isang Marites sa Caloocan City. Ibinalibag sa selda ang suspek na si Adrian M. Pangilinan, 33, ng Bagong Barrio, ng lungsod. Nabatid, nagsagawa manhunt operation ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa isang most wanted person na nasa Reparo Extension, Baesa, Caloocan City kung saan nadakip si Pangilinan dakong alas-10:30 ng gabi noong Agosto 30. Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Regional Trial Court Branch…

Read More

PULIS-EPD, 3 PANG TIRADOR NG KABLE TIMBOG

ARESTADO ang isang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD), kasama ang tatlo pa nang maaktuhan na ninanakaw ang mga kable ng PLDT sa manhole ng Barangay Krus na Ligas, Quezon City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Ivan Fritz Sacdalan Valtiedaz, 26, BS Criminology student; Richard Carbajal Repal, 32, construction worker; Nedrick Santos Suing, 25, sales assistant ng Uratex, at ang pulis na si Pat. Francis Arcenas Baquiran, 27, nakatalaga sa EPD. Ayon sa report ng Quezon City Police District (QPD) Anonas Police…

Read More

GOV’T CONSULTANT TIKLO SA CARNAPPING

ARESTADO ang isang 45-anyos na umano’y government consultant na wanted sa kasong carnapping sa lungsod ng Pasig kahapon. Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro Jr., hepe ng Pasig PNP, ang nadakip na si Joey Marco y Jacinto, binata, ng  Brgy. Dela Paz, Pasig City. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nicanor Aureus Manalo Jr., ng RTC Branch 161, sa kasong carnapping noong Hulyo 14, 2022 sa lungsod. Dakong alas-3:30 ng hapon noong Agosto 31 nang madakip ang suspek sa manhunt operation na ikinasa…

Read More

2 BATANG ANGKAS SA MOTORSIKLO SUGATAN SA JEEP

motor

CAVITE – Kapwa nilalapatan ng lunas sa ospital ang dalawang batang angkas nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang tumigil na pampasaherong jeepney sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa CARSIGMA Hospital ang magkapatid na sina Marcus Gabriel Briones, 3, at Ram Gabriel Briones, 2, dahil sa mga sugat sa katawan. Napag-alaman, nakasakay ang mga biktima sa isang motorsiklong nakarehistro sa Brgy. Elises, GMA at minamaneho ng isang Orlando Navarro, isang Bantay Bayan, ng B19, Rolling Hills, Brgy. Elises, GMA, Cavite.…

Read More

444 WANTED PERSONS NABITAG SA CALABARZON

NALAMBAT ang 444 wanted persons sa ikinasang one time bigtime operation ng Calabarzon PNP noong Martes, Agosto 30, 2022. Sinabi ni Calabarzon Police  Regional Director Brig. Gen Melencio Nartatez  Jr., kabilang  sa nadakip ang 125 most wanted persons na kinabibilangan ng 14 sa regional level,  habang 23 sa provincial level, at 88 sa city o municipality level. Ang mga dinakip ay may kasong homicide, rape, murder at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon pa kay Nartatez, naging matagumpay ang pag-aresto sa wanted persons dahil…

Read More