P140K SHABU NASABAT SA LAGUNA

LAGUNA – Umabot sa P140,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang hinihinalang drug pusher sa Sta. Cruz, Laguna noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ng Laguna PNP ang suspek na si Leovigildo Abustan, 36, residente ng Barangay Biñan sa bayan ng Pagsanjan. Isinagawa ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Santa Cruz PNP at PDEA Laguna ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-1:15 ng madaling araw sa Sitio Maligaya, Brgy. Pagsawitan, Santa Cruz. Nakabili umano ang isang pulis na umaktong poseur buyer, ng isang sachet ng shabu…

Read More

2 TODAS SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawa ang patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa mga bayan ng San Juan at Calatagan sa lalawigang ito, noong Huwebes. Ayon sa report ng Batangas PNP, nadiskubre ang bangkay ng 38-anyos na security guard na si Vicente Tabora Jr., 38,  habang nakabulagta sa loob ng gate ng Estancia San Carlo D’ Arona Inc. farm sa Sityo Puting Buhangin sa Brgy. Paraiso, Calatagan, Batangas dakong alas-6:00 ng umaga. Ang biktima ay may tama ng bala sa ulo at balikat. Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng suspek sa krimen. Samantala, sa…

Read More

P.4-M MARIJUANA NAKUMPISKA SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa arestadong suspek sa buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jim Axel Bucal y Trinidad, 21, habang nakatakas ang kasama nito na si Mark Robert Dumala, nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Corporal Mamol Cunanan ng Dasmariñas City Police, alas-5:5 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang pinagsamang puwersa ng PDEU Cavite PPO at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas CPS sa Brgy. Paliparan 3,…

Read More

9 KATAO NAWALA SA LIPA, BATANGAS NOONG 2021

SIYAM na katao sa Batangas ang nawala noong 2021, batay sa inilabas na tala ng Lipa City Police. Ang mga nawawala na nakaalarma sa iba’t ibang police station ng lalawigan, ay mula sa Lipa City, Batangas City, Tanauan City at bayan ng Sta. Teresita, na pawang nawala sa Lipa City at hanggang ngayon ay wala pang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga ito. Pinakauna sa talaan ay ang magkasabay na pagkawala nina Bryan Arthur Cuenca, 41, taga Barangay 10, Lipa City na nadiskubreng nawala noong Mayo 30, 2021, kasama si Limuel Pantua, taga…

Read More

PUGOT NA BANGKAY, 2 PA NAMATAAN SA ENCOUNTER SITE SA DAGAT

patay

INAALAM ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa nangyaring sea gun battle sa pagitan ng AFP special operations unit at grupo ng CPP- NPA sa dagat sakop ng Samar Island, ang natagpuang pugot na bangkay, bukod pa ito sa napaulat na namataang dalawang labi ng lalaki, ayon sa militar. Kahapon kinumpirma ng AFP 8th Infantry Division na may isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang malapit sa maliit na isla ng Libacun Gute sa Tarangnan, Samar. Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung konektado ang natagpuang mga bangkay sa pagsabog…

Read More

Bajaj – Proven as tourism champ for Three-wheelers Sakay at Biyahe

Winds flow over your shoulders during morning strolls on the highway, your feet against the grains of sand on the seaside, or maybe discovering the story behind the walls of Intramuros. There’s no limit on what you can do as a tourist. But with Bajaj Three-wheelers, you can experience a next-level sakay at byahe around your favorite destinations! Sakay at Biyahe that can go further. You can reach further tourist spots now because of Bajaj’s powerful 198.88 – 236.22 CC engine with smooth performance, ensuring a relaxed biyahe throughout. A safer…

Read More

Greater Thrills Experienced at the 2022 TOYOTA GAZOO Racing Vios Cup Leg 2

CLARK, PAMPANGA | AUGUST 24, 2022: It was a fun and adrenaline-filled weekend as Toyota Motor Philippines (TMP) brought back racers and fans to the Clark International Speedway (CIS) for a thrilling second leg of the 2022 TOYOTA GAZOO Racing Vios Cup. Headlined by TOYOTA GAZOO Racing Philippines circuit racers, veteran and up and coming racers from different teams, celebrities, influencers and members of media dashed back to the track to claim spots in the podium for Circuit Championship and Autocross Challenge.  The speedway roared with heart-pounding cheers as the…

Read More

PAGTALAKAY SA PAG-AMYENDA SA KONSTITUSYON, UMARANGKADA NA SA SENADO

UMARANGKADA na sa Senado ang pagtalakay sa mga posibleng pagbabago sa 1987 Constitution para paigtingin at pagbutihin at lalo pang isaayos ang Konstitusyon. Sinabi ni Senador Robin Padilla, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments na dapat maging bukas ang isipan ng lahat para sa mga kaalaman, opinyon, at suhestiyon patungkol sa mga panukalang naglalayong pagbutihin pa ang Saligang Batas. Iginiit ng senador na kailangan tutukan ang mga punto na kung kinakailangang baguhin o rebisahin ang 1987 Constitution katulad ng mga nangyari sa mga dating Konstitusyon; anong modality nararapat baguhin…

Read More

GOBYERNO PINAPOPOKUS SA HIGHER VALUE INDUSTRIES, HIGHER PAYING JOBS

KAILANGAN ibaling ng pamahalaan ang pokus nito sa paglikha ng higher value industries at higher paying jobs upang mabalikwas ang lumalawak na trade deficit at pasiglahin ang paglago ng ekonomiya, ayon kay Senador Sonny Angara. Dahil nag-aalala kung paano nauungusan ng kapitbahay na bansa sa Association of Southeast Asian Nations ang Pilipinas hinggil sa paglago ng ekonomiya, sinabi ni Angara na dapat magkaroon ng seryosong pagtataya sa lokal na industriya na may layunin na tulungan silang umangat sa value chain. “While our trade deficit is worsening, our neighbors such as…

Read More