BATANGAS – Arestado ang isang lalaki matapos halayin ang kanyang 11-anyos na pamangkin na nakitang nagti-Tiktok sa loob ng kanyang kuwarto sa bayan ng Balayan sa lalawigang ito. Batay sa report ng Balayan Police, Biyernes ng gabi nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang nanay upang ipagharap ng reklamo ang suspek. Ayon sa biktima, dakong alas-7:35 ng gabi, bigla na lamang siyang hinubaran ng suspek at ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan nang makita siyang naka-short na nagti-Tiktok sa loob ng kuwarto. Naaktuhan naman…
Read MoreAuthor: admin 2
PAGLAGANAP NG ILLEGAL NUMBER GAMES SA MINDORO PINAIIMBESTIGAHAN SA PNP
DAPAT imbestigahan ng pulisya ang illegal number game na Peryahan ng Bayan (PnB) na pinatatakbo ng ilang tiwaling indibidwal sa Calapan City, Oriental Mindoro. Ito ay dahil namamayagpag umano ang naturang sugal sa kabila ng malinaw na kautusan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bawal ito at isinangguni na sa lokal na sangay ng Philippine National Police (PNP). Nito lang buwan, nagpadala ng sulat ang PCSO kina P/BGen. Sidney Hernia, Regional Director of Police Regional Office IV-B MIMAROPA, P/Maj. Israel Cisco Magnaye, Battalion Commander of PNP Regional Mobile…
Read MoreSa tinatarget na post-pandemic recovery ng MSMEs KAHALAGAHAN NG DIGITALIZATION BINIGYANG DIIN NI PANG. MARCOS JR.
BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalization sa isinasagawang MSME Summit 2022. Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa okasyon, sinabi nito na natutuwa siyang magkalinya ang ideya na kanyang isinusulong sa ipinupursige rin ng MSME Summit para sa pagbabalik sigla ng ekonomiya ng bansa. Partikular na aniya ang pagtataguyod sa digitalization na para sa Chief Executive ay magandang avenue para makamit ang economic recovery ng mga nasa Micro, Small, Medium Enterprise. Nagtutugma aniya rito ang gobyerno at ang pribadong sektor sa gitna ng magkaparehong pananaw para sa…
Read MorePAGSASARA NG COLEGIO DE SAN LORENZO, PINAIIMBESTIGAHAN SA SENADO
ISINUSULONG ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang Resolusyon sa Senado upang imbestigahan ang biglaang pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City noong Agosto 15. Inihain ng senador ang Proposed Senate Resolution (PSR) No. 156 matapos siyang mangako sa mga guro at mag-aaral mula sa CDSL na paiimbestigahan ang naturang pagsasara. “The sudden permanent closure of Colegio de San Lorenzo, despite the contingency measures adopted thereafter, has caused extreme prejudice, physical, psychological, and mental anguish to both the students and parents,” saad ni Tulfo. “Kailangang masusing maimbestigahan ang…
Read MoreMAY SINDIKATO SA PS-DBM – SOLON
KUMBINSIDO si Senador Win Gatchalian na may kumikilos na sindikato sa loob ng Procurement Service ng Department of Budget and Management. Sinabi ni Gatchalian na batay sa unang araw ng kanilang imbestigasyon sa sinasabing pagbili ng overpriced at outdated laptops para sa mga guro, maraming loopholes sa proseso ng ahensya na sinasamantala ng sindikato. “So my point of the matter is, personally, looking at the setup in PS-DBM, I clearly believe that there’s something wrong with their procedures and people are taking advantage of that. And I clearly believe that…
Read MoreRANKING CPP-NPA LEADER TIMBOG SA QUEZON CITY
ISANG high ranking leader ng Communist Party of the Philippines na may patong na P2.5 million sa ulo, ang nadakip nang masundan ng intelligence operatives ng Philippine National Police (PNP)-Police Regional Office (PRO) 6 sa Quezon City. Sa isinumiteng report ni PNP-PRO 6 director, Police Brig. General Leo Francisco kay PNP chief, Police General Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang nadakip na ranking officer ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na si Adora Faye De Veyra alias “Boying/Ato/Vida”. “I am pleased to announce the capture of another…
Read MoreMWP SA ZAMBOANGA SIBUGAY TIKLO SA BASECO
HALOS pitong taon nagtago sa batas ang isang 36-anyos na naitalang top 1 most wanted person sa Zamboanga Sibugay, matapos gahasain ang umano’y menor de edad na anak ng kanyang kinakasama, makaraang matunton ng mga awtoridad sa Baseco Compound Port Area Manila noong Agosto 25. Kinilala ni Manila Police District director, P/Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Renante Rada y Nueva, nanunuluyan sa Old Site Baseco Compound. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Bilan Borbe, commander ng MPD- Baseco Police Station 13, matapos makipagkoordina si P/Major…
Read MoreKIDNAPPING INCIDENTS HINDI MAGKAKAUGNAY – PNP
NANINIWALA ang Philippine National Police na hindi magkakaugnay ang napaulat na serye ng mga kidnapping sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson, Col. Jean Fajardo, sa kanilang inisyal na pag-aanalisa, magkakaiba ang motibo ng nahuling mga suspek sa kidnapping. “Itong mga insidente na ito ay masasabi natin na hindi naman talaga ito gawa ng isang grupo ng mga tao, ‘yung mga nahuli nating suspek at mga kasong ito ay kanya-kanya silang may personal na motibo,” pahayag ni Col. Fajardo. Nabatid na nakatakdang magsumite ang PNP…
Read More7 pang kababayan tinutugis CHINESE NABITAG SA GANG RAPE SA 2 FOREIGN NATIONALS
ARESTADO ang isang Chinese national habang tinutugis ang pitong kababayan nito na pawang mga suspek sa halinhinang paggahasa sa dalawang foreign nationals. Ang suspek na si Ning Yuangquiang, 34, kasalukuyang nakadetine sa detention facility ng Pasay City Police, ay nahaharap sa kasong rape at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Ang Chinese national ay sangkot sa umano’y kidnapping at rape sa dalawang foreign nationals sa Pasay City, ilang araw pa lang ang nakalilipas. Nasakote ang Chinese national na si Ning sa follow-up operation ng Pasay…
Read More