2 BEBOT SWAK SA SELDA SA P3.4-M SHABU

SWAK sa selda ng Manila Police District ang dalawang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Ainnah Salgan y Ali at Norhanna Canapia y Salgan, kapwa nasa hustong gulang. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD- Binondo Police Station 11, bandang alas-2:00 ng hapon nang ilatag ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation sa isang sangay ng fastfood restaurant…

Read More

JOBLESS DUMARAMI SA PAGKAWALA NG E-SABONG

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG KAHIT kakaunti na lamang ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, marami pa ring walang trabaho. Nagpapatuloy ang krisis. Nariyan pa rin ang banta ng virus. Ang matindi, may lumitaw pang monkeypox at langya virus. Ngunit pinaniniwalaang malaki ang naging epekto ng pagkawala ng e-sabong o online sabong sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Kung matatandaan kasi, sa June 2022 labor force survey ng Philippine Statistics ­Authority (PSA), aba’y mahigit sa 2.9 milyong Pilipino ang naitalang jobless. Naku, ang masaklap,…

Read More

INTERNET CONNECTIVITY, UUNLAD SA ILALIM NI PBBM

LUBHANG nabago ang ating pamumuhay dahil sa mabilis na pag-unlad ng internet connectivity sa ating bansa. Lalo na noong panahon ng pandemya na dumepende ang mamamayan at mga negosyo sa benepisyo ng internet connection. Dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa internet connectivity, tinatayang nagkakahalaga na ng $7.5 bilyon ang internet economy ng Pilipinas, base sa pag-aaral ng Alpha Beta, isang strategic economics consultancy company. Ayon pa rito, inaasahan pang tataas mula 30 porsyento hanggang $28 bilyon sa taong 2025. Sa kasagsagan ng pan­demyang dulot ng ­COVID-19, lalong lumaki…

Read More

NO. 1 TOURIST DESTINATION SA GITNANG LUZON ANG SUBIC BAY FREEPORT

NAPABANGON nang maaga ang beteranong journalist na si Wilfredo “Willy” Capulong, isang umaga nitong naka­raang linggo dahil sa narinig na komentaryo sa isang national radio station tungkol sa “SBMA” (Subic Bay Freeport?). Pero bago tayo magpatuloy, linawin muna natin ang pagkakaiba ng Subic Bay Freeport at SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority. Marami kasi, kasama na ang kilalang media personalities at maging government officials, na mali ang pag-tukoy sa dalawa, at hindi sila nahihiya dahil siguro nga, hindi nila alam at hindi na nila inaalam. Ito Ang Totoo: Ang SBMA…

Read More

TRAPIK SA METRO MANILA

PARA sa mga ekonomista, indikasyon ng pag-unlad ng isang bansa ang pagdami ng mga sasakyang dumadaloy sa mga pampublikong lansangan. Gayundin ang pamamayagpag ng mga bangko at negosyo. Subalit tulad ng karaniwang giit ng mga ­sinaunang tao – ang lahat ng sobra ay sadyang nakasasama – tulad ng alak, sigarilyo at iba pang bisyo at kapritso. Ganito rin ang sitwasyon sa National Capital Region. Ang dating talahiban na kung tawagin ay Rizal, isa nang ganap na sentro ng poder at komersyo. Sa Metro Manila ay makikita ang ­pinakamalaking mga kumpanya,…

Read More

PBBM NAGTALAGA NG BAGONG PH ENVOY SA JAPAN

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang dating mambabatas na si  Mylene Garcia-Albano bilang bagong Philippine envoy to Japan. Sa isang Facebook post ng  state-run Radio Television Malacañang (RTVM), inanunsyo nito na nanumpa sa tungkulin si Garcia-Albano bilang  Philippine Ambassador to Japan sa harap mismo ni Pangulong Marcos. Ibinahagi rin ng RTVM ang short video clip ng oath-taking rites sa Reception Hall ng Malacañan Palace, araw ng Huwebes. Bukod kay Garcia-Albano, nanumpa rin sa harap ng Pangulo sina Aileen Anunciacion Zosa bilang Pangulo at chief executive officer ng Bases Conversion…

Read More

COVID SURGE, MALABO NA SA NCR – OCTA

covid

TALIWAS sa pangamba ng Department of Health (DOH), posibleng hindi umabot sa sukdulan ang sitwasyon sa Metro Manila bunsod ng pagbaba ng COVID-19 growth rate sa nasabing rehiyon. Gayunpaman, hindi dapat maging kampante ang pamahalaan, ayon kay Prof. Guido David, kasabay ng pagtukoy sa ilang lalawigang patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19. Bukod sa Metro Manila, nakikitaan rin aniya nila ng pagbaba ng bilang ng mga positibo ang lalawigan ng Iloilo. “Ang isang napansin natin ay bumaba ang growth rate sa Metro Manila. Actually pati…

Read More

SAME SEX COUPLE, MAY KARAPATAN DIN TULAD NG ORDINARYONG BABAE AT LALAKI – SEN. PADILLA

NAIS ni Senador Robin Padilla na ma-institutionalize ang civil union ng same-sex couples sa Pilipinas. Layon ng Senate bill 449 ng senador na bigyan ng patas na karapatan at pagkilala ang mga same sex couples. Layunin din ng panukala na ibigay sa mga same-sex couples ang mga karapatan, proteksyon at pribilehiyo na ibinibigay sa mga kasal na babae at lalaki. Kabilang sa mga requirements para sa same-sex civil union ang legal na kapasidad ng magkabilang partido na dapat ay nasa 18 anyos pareho, at hindi pa kasal; malayang binibigay ng…

Read More

MGA SENADOR GIGIL NA TALUPAN ANG ISYU SA OVERPRICED AT OUTDATED LAPTOP PARA SA MGA GURO

TODO ang panggigigil ng mga senador na imbestigahan ang isyu ng overpriced at outdated laptop na binili ng Department of Education sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service. Sa ngayon, dalawang resolusyon na ang nakahain sa Senado para hikayatin ang Senate Blue Ribbon Committee na busisiin ang kontrobersiya sa pagbili ng P2.4 bilyong halaga ng laptops na ipinamahagi sa mga guro. Ang mga resolusyon ay inihain nina Senators Koko Pimentel at Alan Peter Cayetano na kapwa naggiit na kailangan na ng agarang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable…

Read More