SRA EXECS SA SUGAR ORDER PINAGBIBITIW

ILANG araw makaraang sumingaw ang isang direktibang magbibigay-daan sana sa pag-angkat ng 300,000 metriko toneladang asukal mula sa ibang bansa, isang maugong na panawagan ang inihain sa Kamara – pagbibitiw ng lahat ng opisyal na pumirma sa kontrobersyal na dokumento ng walang pahintulot mula sa Palasyo. Pagtatapat ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So sa pulong na ipinatawag ng House Committee on Good Government and Public Accountability, hindi kasama sa mga pagbibitiw sa pwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez. Paliwanag ni So, nagsagawa ng isang imbestigasyon ang Palasyo…

Read More

EXPIRED COVID-19 VACCINES NADOBLE

(ESTONG REYES) DISMAYADO si Senador Risa Hontiveros sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on health matapos matuklasan na nadoble ang bilang ng napasong bakuna laban sa COVID-19 nitong Agosto na umabot sa 8.42% mula sa 4.7% noong Hunyo. Sa kanyang pagtataya, sinabi ni Hontiveros na umabot na sa mahigit 20.7 milyong bakuna ang nasayang nitong Agosto na nagkakahalagang P10.33B sa P500 kada bakunang binili ng nakaraang administrasyon. “At this rate, by October, lampas na tayo sa threshold ng WHO. We might have accumulated vaccines faster than we could administer…

Read More

Imbes ipinagamit sa mga guro P92-M LAPTOP, GADGETS IGINARAHE NG DICT

guro

(BERNARD TAGUINOD) NILALAMON lang ng alikabok sa halip na pinakikinabangan ng mga guro sa pampublikong paaralan ang P92.968 million halaga ng laptop at gadgets na binili ng Department of Information and Communication Technology (DICT). Ito ay sa kabila na isa sa bawat sampung (10) public school teachers lang ang gumagamit ng laptop na isinupply ng Department of Education (DepEd) kahit noong kasagsagan ng pandemya sa COVID-19. Kaya ang apela ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara ay ipamahagi na ang mga laptop at…

Read More

GINANG PINATAY NG LIVE-IN PARTNER

BATANGAS – Patay ang isang babae matapos barilin sa ulo ng kanyang live-in partner sa Brgy. Lalayat, sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito. Kinilala ng San Jose Municipal Police Station ang suspek na si Bin Nazzer Aguila y Enriquez, 30, habang ang biktimang ay si Rona May Corañez y Alpires, 33, kapwa residente ng nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon, alas-4:20 ng umaga noong Agosto 14, 2022 nang mangyari ang insidente matapos na magtalo ang dalawa na nagresulta sa pagbaril ng suspek sa ulo ng biktima gamit ang hindi…

Read More

OBRERO NAPURUHAN SA SUNTOK, TIGOK

CAVITE – Namatay ang isang 52-anyos na construction worker nang mapuruhan sa suntok ng kanyang kabaro matapos magtalo sa kalagitnaan ng kanilang inuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Benjamin Campanero Jr. y Rafael subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Albero Rada y Capalac, 47, isa ring construction worker. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police, alas-6:00 ng gabi nang mangyari…

Read More

P19.6-M SHABU NASAMSAM SA CEBU

TINATAYANG umabot sa P19.6 million ang street value ng ilegal na droga na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police sa serye ng anti-narcotics operations na ikinasa sa Cebu noong Linggo. Ayon kay Central Visayas Police Director Roque Vega, pinalakas nila ang kanilang kampanya kontra droga sa kanilang nasasakupan partikular sa lalawigan ng Cebu. Sa report na ibinahagi ni Police Brig. General Vega, unang nadakip ang isang dating waiter sa Barangay Luz, Cebu City, kung saan nakuha ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga. Isang buy-bust operation naman ang…

Read More

SINDIKATO NG AGRI PRODUCTS PINAKAKALOS

“DAPAT nang kalusin.” Ito ang galit na binitawan ni Agri party-list Representative Wilbert Lee laban sa mga sindikato hindi lang ng agri products kundi sa lahat ng gumagawa ng ilegal na transaksyon sa bansa. Reaksyon ito ni Rep. Lee kasunod ng napaulat na illegal importation ng puting sibuyas na ang pangunahing biktima ay ang maliliit na magsasaka. Sinabi ng mambabatas na talagang wala nang sinasanto ang mga nasa likod ng illegal importation na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka kung kaya’t nararapat lamang na mas pabigatin ang parusa sa mga…

Read More

BALASAHAN SA PNP PAPLANTSAHIN SA NAPOLCOM

NAGLABAS ng paglilinaw kahapon si Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hinggil sa kontrobersyal na balasahang ipinatupad niya kamakailan na kinasasangkutan ng may 30 police officers kabilang ang command group. Ayon kay Gen. Azurin, hindi ito ang unang pagkakataon sa police organization na ginalaw ang mga police officer na nasa top key position. Nakatakdang makipag-usap sa Napolcom si Azurin para maplantsa ang kontrobersya. Ipinaliwanag din ng opisyal na ang pagsibak niya kina Lt. Gen. Rhodel Sermonia at Lt. Gen. Vicente Danao ay bahagi lamang ng kanyang policy…

Read More

2 BOYONG CRIME GROUP MEMBERS, TIMBOG SA CIDG

DALAWANG hinihinalang miyembro ng Boyong criminal group na sangkot sa gunrunning at robbery in band activities ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group-NCR Regional Director, Col. Randy Glenn Silvio sa kanilang inilunsad na PNP-CIDG Oplan Paglalansag Omega noong Sabado ng gabi. Ayon kay Col. Silvio, isang confidential informant ang nagbulgar sa mga ilegal na aktibidad ng dalawang nadakip na may kaugnayan sa bentahan ng baril, pagnanakaw at ilegal na droga  kaya naglatag sila ng gun buy-bust operation laban sa isang alyas “Robin” na miyembro ng Boyong…

Read More