PNP DEMORALISADO SA BALASAHAN

pnp

DEMORALISADO ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa pagbalasa ni PNP chief, Director General Rodolfo Azurin, Jr. sa mga nakaupo sa puwesto partikular ang mga kabilang sa command group. Ito ay bunsod ng lumabas na Special Orders Number NHQ-SO-URA-2022-40266 na nagsasad ng pagsibak sa puwesto kina Deputy PNP Chief for Administration P/Lt. Gen Rhodel Sermonia, at Deputy PNP Chief for Operations P/Lt. General Vicente Danao, number 2 at number 3 sa PNP command group na idinemote ni Azurin sa posisyon. Sinasabing ito ay sa kaunaha-unahang pagkakataon nangyari na ang…

Read More

PCSO and PHILRACOM Inks MOA for support to Horse Racing Industry

In Photo: Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) Vice Chairman and General Manager Melquiades Aypa Robles (2nd from right) and Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Chairman Aurelio P. De Leon (2nd from left) with Assistant General Manager for Gaming, Product Development and Marketing Sector Mr. Arnel Casas (left) and Acting Executive Director Ronald A. Corpuz (right) signing the Memorandum of Agreement between PCSO and Philippine Racing Commission (PHILRACOM). Makati City. The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairman and General Manager Melquiades Aypa Robles and Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Chairman Aurelio P. De…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA AWAY SA PARKING

LAGUNA – Patay ang isang tricycle driver matapos na barilin ng may-ari ng tindahan na kanyang naparkingan sa harap sa Calamba Trade Center public market sa Calamba City noong Miyerkoles ng umaga. Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Odonio Sario Jr., 36, dahil sa tatlong tama ng bala sa likod. Batay sa report ng Calamba City Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang iparada ng biktima ang kanyang tricycle sa harap ng fruit stand ng suspek na si Ronie Evasco. Ikinagalit ng suspek ang pag-parking ng biktima dahil nahaharangan umano ang kanyang…

Read More

2 NIGERIAN SCAMMERS, PINAY TIKLO SA LAGUNA

LAGUNA – Inaresto ng mga operatiba ng Carmona Police at San Pedro Police ang dalawang Nigerian national at isang Pinay dahil sa pag-withdraw ng mahigit P1 milyong cash mula sa na-hack na account sa San Pedro City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Inaresto ang mga suspek na sina Samuel Nomso Esomchi, 40; Taye John Bamidele, nasa hustong edad, kapwa Nigerian national, at Gladys Rias Francisco, 47, isang balo, dahil sa reklamo ni Surjan Singh Kathait, 45, isa ring Nigerian national, at negosyante. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon…

Read More

BUMBAY PATAY SA AMBUSH SA MONTALBAN

RIZAL – Patay ang isang Indian national nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa Kasiglahan Village, sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, kinilala ang biktimang si Gursewak Singh, nasa hustong gulang, habang tumakas naman ang mga suspek lulan ng motorsiklo. Dakong alas-8:30 ng umaga noong Agosto 10, sakay ang biktima ng Honda beat motor nito sa Blk. 26 Phase 1A, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose nang biglang sumulpot ang riding in tandem at siya ay…

Read More

FERNANDO KAISA NI PBBM SA PAGTIYAK SA SUPLAY NG PAGKAIN SA BANSA

KAISA si Bulacan Governor Daniel Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng agricultural drone na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay pinangunahan ni Fernando noong Martes kasama ang Provincial Agriculture Office (PAO) sa may bukirin ni Elizabeth Esguerra sa Brgy. Pinac-pinacan, San Rafael, Bulacan. Bago isinagawa ang aktwal na seed spreading gamit ang drone, nagbigay ng oryentasyon ang…

Read More

P3-M LUGI SA FISHKILL SA BATANGAS

BATANGAS – Muli na namang namatay ang mga isdang tilapia na umabot ng 29 tonelada o katumbas ng P3 milyong halaga ng pagkalugi sa mga mangingisda sa bayan ng Agoncillo sa lalawigang ito. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nasa 43 fish cages ang naapektuhan ng fishkill sa mga barangay ng Banyaga at Bilibinwang. Sinabi ni BFAR 4-A Director Sammy Malvas, sanhi ng fishkill ang pagbaba ng level ng oxygen sa mga palaisdaan. Ang oxygen level sa marine waters ay dapat nasa five milligram per liter. Dagdag pa ng opisyal, nangyayari ito dahil…

Read More

Diplomatic dialogue sa Russia ikakasa P1.9-B DEPOSITO SA SOVIET CHOPPERS MALABONG MABAWI

POSIBLENG tuluyan nang malugi ng tumataginting na P1.9 bilyon ang pamahalaan makaraang talikuran ng nakalipas na administrasyon ang nilagdaang kontrata para sa pagbili ng 16 na helicopters mula sa bansang Russia.’ Taliwas naman ang paniwala ni Director Arsenio Andolong na tumatayong tagapagsalita ng Department of National Defense (DND). Aniya, masusing pinag-aaralan ng binuong Contract Termination and Review Committee ang proseso sa pagsasapinal ng kanselasyon ng kontrata gayundin sa pagbawi ng P1.9 paunang bayad ng pamahalaan sa Sov Technoexport ng Russia. Una nang sinabi ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana na…

Read More

SUSPENSYON NG NCAP KINONTRA SA QC AT VALENZUELA

MARIING tiniyak ng Quezon City Government na tuloy ang implementasyon at hindi sinususpinde ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program (NCAP) ng lokal na pamahalaan. Ito ang nabatid sa press statement ng Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ng Quezon City bagamat nakikipag-usap ang QC government sa Land Transportation Office (LTO) para resolbahin ang mga isyu hinggil sa hinihiling ng ilang stakeholders na suspension sa No Contact Apprehension Program (NCAP). Sinabi ng QC government, nakikipag-usap din ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga yunit ng lokal na pamahalaan na may…

Read More