MISTULANG sampal sa House Resolution ni Congressman Rolando Valeriano ang pagbuhay sa ayuda sa mga maralitang Manilenyo matapos kumilos si Atty. Alex Lopez at idinulog ito sa mga opisyal ng pamahalaan. Dumaloy ang DSWD-AICS at DOLE-TUPAD nitong linggo para ituloy ang layunin ng political party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisalba ang programang pangmahirap na gustong ‘barilin’ ng kongresista sa Kamara. Magugunitang galit ang sumalubong kay Cong. Valeriano mula sa mga benepisyaryo makaraan nitong umepal at magsampa ng House Resolution No. 84 sa Kongreso na humihiling na imbestigahan ang…
Read MoreAuthor: admin 2
INVESTORS MEET STARTUPS AT RISE PITCH NIGHT
AYON sa mga pag-aaral, halos 90 porsyento ng startups ay bumabagsak, natitira lang ang 10 porsyento upang ituloy ang nasimulan. Ang tagumpay ng startups ay nakasalalay sa kanilang abilidad na baguhin at bigyan ng bagong porma ang kanilang mga ideya at palakasin ang operasyon hindi lang sa swerte kundi sa tamang mentoring at akmang network. Walong startups ang tumanggap ng P500,000 equity-free grant mula sa Makati City matapos ang qualifying pitching competition noong Abril 8 upang alalayan ang kanilang pag-unlad, habang ang founders ay dumalo sa 12-week training program na…
Read MoreCOVID-19 CASES MARAMI HINDI NABIBILANG – OCTA
SINABI ng OCTA Research na mas mataas ang tunay na datos kumpara sa bilang na naiuulat na mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala sa araw- araw. Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, mas mataas ang tunay na bilang lalo’t marami ang nagpapa-antigen test. Aniya, hindi counted sa opisyal na bilangan ang resulta ng antigen test kaya’t paniguradong mas mataas ang tunay na datos kumpara sa nailalabas na data araw- araw. Sinabi ni David, ang itinatala lamang kasi ay ang mga nagpositibo sa RT- PCR test. “So ito…
Read MoreARNELL IGNACIO ITINALAGANG OWWA ADMINISTRATOR
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Arnell Ignacio bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Isang text message na “yes, OWWA administrator” ang naging tugon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa tanong kung itinalaga ni Pangulong Marcos si Ignacio sa nasabing posisyon. Naging Assistant Vice President for Community Relation and Services Department si Ignacio ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Makaraan nito ay lumipat siya sa OWWA para magsilbi bilang deputy executive director. Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Marcos Jr. si Undersecretary on…
Read MoreP10.2 MILYON SHABU NASAMSAM SA TULONG NG ASO
AABOT sa P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) gamit ang kanilang ‘working dogs’ sa isang airline company sa Zamboanga City at Tawi-Tawi kahapon. Isang plastic bag na idineklarang may lamang “Chinese tea” ang isinailalim sa pagsusuri ng PCG K9 Field Operating Unit BARMM sa Tawi-Tawi gamit ang kanilang Coast Guard Working Dog (CGWD) na si James na siyang nagkumpirma na may lamang iligal na droga ang bagahe. Nadiskubre ang nasa isang kilong hinihinalang shabu na may halagang P6.8 milyon. Dinakip naman ang mga…
Read MoreMANILA CITY HALL EMPLOYEE INARESTO SA GRAFT
NALAGAY sa matinding kahihiyan ang isang 50-anyos na empleyado ng Budget Office ng Manila City Hall makaraang silbihan ng arrest warrant sa kasong graft and corruption sa harap ng kanyang bahay sa San Andres, Malate, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Gloria Quirobines, analyst, biyuda, ng Barangay 704, San Andres, Malate. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District-Station 9, bandang alas-8:55 ng gabi nang ikasa ang pag-aresto kay Quirobines sa mismong harapan ng bahay nito. Pinangunahan nina P/Cpt. Henry Navarro, hepe ng…
Read More2 BINATA TIMBOG SA P1-M SHABU SA LAGUNA
LAGUNA – Arestado ang dalawang binata matapos na masamsam sa mga ito ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Calamba City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ng Calamba City Police ang dalawang naaresto na sina Misuari Darang Jr., 24, at Makikarim Sabuyogan, 18, parehong residente ng Barangay Looc. Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng Calamba City Police sa operasyon dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kanilang barangay. Nakuha sa dalawa ang kabuuang 165 gramo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,122,000. Ayon…
Read More247 NEW COVID CASES, NADAGDAG CALABARZON
UMABOT sa 247 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag ngayong araw kaya umabot na sa 516,687 ang kabuuang kaso ng nasabing sakit sa buong CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Sa nasabing bilang, 3963 ang active cases habang 499,093 naman ang gumaling na at 13,631 ang mga namatay. Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Cavite sa may pinakamaraming kaso na umabot sa 177,869; sumunod ang Laguna (130,368); Batangas (84,990); Rizal (90,470); Quezon (26,480) at Lucena (6,510) o kabuuang 516,687 sa kanilang pinakahuling ulat. Pinapaalala sa Calabarzon ang BIDA PLUS bilang paraan ng pag-ingat…
Read MoreBULACAN DENGUE CASES PUMALO SA 9,901
PUMALO na sa 9,901 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Bulacan kaya naman patuloy pa rin na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH), ang paglaban sa dengue kabilang ang pagsasagawa ng ilang mga aktibidad at kampanya upang tuluyang masugpo ang papataas na kaso ng dengue sa lalawigan. Dahil dito, ipinag-utos ni Governor Daniel Fernando ang mahigpit na pagbabantay sa mga lugar na dengue hotspot, at clustering ng mga kaso na siyang prayoridad ng interbensyon. Nagsagawa rin ng sabayang paglilinis kamakailan sa…
Read More