Hindi lang sa Pharmally sabit? PS-DBM GIGISAHIN SA P2.4-B LAPTOP DEAL

(BERNARD TAGUINOD) MAKARAANG mabaon sa limot ang kontrobersyang kinasangkutan ng mga dating opisyales ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), muling bumida ang naturang tanggapan sa bisa ng isang resolusyong inihain sa Kamara. Sa paghahain ng House Resolution 189, hinikayat ng Makabayan Bloc ang malalimang imbestigasyon kaugnay ng inilabas ng ulat ng Commission on Audit (COA) hinggil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga sinaunang laptop ng Department of Education (DepEd) sa presyong bonggang-bongga. Giit ng mga militanteng kongresista sa House Committee on Good Governance, katigan ang HR…

Read More

CHINISMIS NA PUSHER, NAMARIL

SUGATAN ang isang lalaki matapos barilin ng lalaking kanya umanong ipinamamalita na drug pusher sa San Pedro City, Laguna, Linggo ng hapon. Kinilala  ng biktima na si Rey Dejito. Ayon sa report ng San Pedro police, dakong alas-5:45 ng hapon nang barilin si Dejito ng suspek na si Jayson Morada sa Barangay San Antonio. Ayon sa live-in partner ng suspek, nagalit umano ang kanyang kinakasama matapos malaman na ipinamamalita ng biktima na tulak siya ng ilegal na droga. Isinugod ang biktima sa Amante Medical Hospital samantalang tumakas ang suspek matapos…

Read More

TAAL NIYANIG NG 3 LINDOL

MULING nagpapahiwatig ng posibleng pag-aalburoto ang Bulkang Taal makaraang makapagtala kahapon ng umaga ng tatlong pagyanig ng lupa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa kalatas ng Phivolcs, sinabi ng ahensya na nananatiling banta ang naturang bulkang huling sumabog nito lamang nakaraang Marso. Sa kabila ng mga naitalang pagyanig at pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan, nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal. Sa ilalim ng Alert Level 1, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone (PDZ) at maging ang paglalayag…

Read More

3 ISINABIT SA DOLORES EX-VICE MAYOR SLAY

QUEZON – Tatlo katao ang isinangkot sa pag-ambush sa dating vice mayor ng bayan ng Dolores sa lalawigang ito, na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa San Pablo City. Ayon kay Col. Joewei Lucas, hepe ng San Pablo City Police, sinampahan ng kasong murder sa Office of the City Prosecutor ng San Pablo City noong Agosto 3 sina William Panganiban, 51; Orlando Ragudo, 43, at Rolando Risona, 44-anyos. Sina Ragudo at Risona ang itinuturong gunmen, samantalang si Panganiban naman ang siya umanong nagmamaneho sa sinasakyang kotse ng mga ito nang tambangan si dating Vice Mayor Danilo Amat. Ang mga…

Read More

OBRERO NATSUGI SA USAPANG LASING

CAVITE – Nauwi sa kamatayan ng isang 45-anyos na construction worker ang usapang lasing ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Rico Auxilio y Yuson, dahil sa tama ng saksak sa katawan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Zenjie Bajar y Lacre, isa ring construction worker, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Christopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, dakong alas-12:30 ng hapon,…

Read More

PULIS TODAS SA TANDEM SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang 52-anyos na tauhan ng Batangas PNP makaraang tambangan at pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo habang patungo sa Provincial Police Office nitong Lunes. Kinilala ang biktimang si PEMS Romel Mapa Panopio, nakatalaga sa Batangas Provincial Police Office, at nakatira sa Brgy. Tipas, San Juan, Batangas. Habang target naman ng manhunt operation ng mga awtoridad ang dalawang suspek na tumakas sakay ng gate-away motorcycle. Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Manimtim, dakong alas-3:40 ng hapon, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklong KIA Bongo na may…

Read More

PAGPAPALIT NG LIDERATO NG AFP DINALUHAN NI PBBM

OPISYAL nang iniluklok kahapon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Southern Luzon Command chief Ltgen Bartolome VO Bacarro bilang 58th Armed Forces of the Philippines chief of staff sa ginanap na change of command ceremony sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City. Sa turnover ceremony ay ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano naging isang medal of valor awardee ang hinirang niyang bagong AFP chief na kanyang pinagkatiwalaan na tutupad sa kanyang mithiin ng isang payapa at maunlad na bayan. Naniniwala si PBBM na hindi magiging madali at magiging…

Read More

PINAS KINAKAPOS SA BLOOD SUPPLY – DOH

SA gitna ng pag-akyat ng bilang ng mga tinamaan ng dengue, isang panawagan ang ipinaabot ng Department of Health (DOH) sa publiko – maghandog ng dugong pandugtong buhay ng pasyenteng nasa balag ng peligro. Pag-amin ni Acting Health Secretary Rosario Vergeire, mabilis na numinipis ang suplay ng dugo sa blood bank centers na pinangangasiwaan ng pamahalaan. Paniwala pa ng Kalihim, lubhang naapektuhan ang buffer stock ng gobyerno bunsod ng patuloy na banta ng nakamamatay na COVID-19 na batay mismo sa datos ng departamento ay posibleng pumalo sa 19,000 araw kaso…

Read More

P3.4-M SHABU NASABAT SA TECHNICIAN

ARESTADO ang 39-anyos na technician makaraang makumpiskahan ng sa P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation noong Linggo ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang arestadong suspek na si Rudy Ancheta, residente ng Commonwealth Avenue, Quezon City. Ang nasabing buy-bust operation ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR QCDO at PS-6 ng Quezon City Police District (QCPD), sa bahay ng suspek bandang alas-8:00 ng gabi. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nakumpiska sa nasabing operasyon ang 500 gramo ng hinihinalang shabu  na may street value ng P3.4 milyon,…

Read More