DALAWA katao sa Quiapo at isa sa Tondo ang napatay sa karahasan sa lungsod ng Maynila noong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Manila Police District. Unang ini-report ni P/Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng MPD-Station 7, bandang alas-6:20 ng umaga nang patayin sa palo ang biktimang si Rafael Altavo, 43, ng Cavite St., Gagalangin, Tondo. Apat sa mga suspek ang responsable sa pagkamatay ng biktima na nagawa pang maisugod sa Ospital ng Tondo subalit idineklarang dead on arrival ni Dra. Heidi Danica Baltazar. Samantala, dead on the…
Read MoreAuthor: admin 2
HIGIT 1K KASO NG DENGUE NAITALA SA QC
NAKAPAGTALA ng 1,280 kaso ng dengue o katumbas ng 129.80% na naitalang pagtaas nito sa Quezon City. Base sa ulat na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula Enero hanggang Hulyo 28, 2022 ay nakapagtala ng 1,280 kaso ng dengue o katumbas ng 129.80 porsyentong pagtaas kumpara sa sa parehong panahon noong nakaraang taon, at 7 ang iniulat na namatay. Kaugnay nito, muling nanawagan si Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng siyudad na nakararanas ng mga sintomas ng dengue, na magpakonsulta na. “We are seeing a rise in…
Read MoreCustoms Examiner, inireklamo HAMON KAY RUIZ: POM LINISIN
KUNG pagbabatayan ang banta ng bagong talagang Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, pihadong may kalalagyan ang isang opisyal ng Port of Manila na paksa ng isang reklamong idinulog ng ilang lehitimong importers kaugnay ng diumano’y “panggigipit para sa patalim sila’y kumapit.” Ayon kay House Assistant Majority Leader Jeffrey Soriano, personal siyang binisita sa kanyang tanggapan sa Kamara ng mga negosyante at kinatawan ng mga kumpanyang umaangkat ng mga kalakal mula sa ibang bansa. Sumbong umano sa kanya, kinikikilan sila ng isang Marivin Edrada kaugnay ng kanilang naipit na kargamento…
Read More14 LANG SA 17 DCOs PASOK JULY TARGET
MATAPOS ang isang buwan sa ilalim ng bagong liderato, agad na nalagay sa alanganin ang tatlong district collection offices ng Bureau of Customs (BOC) kasunod ng paglalabas ng datos ng mga tanggapang nakapagtala ng sapat – kung hindi man labis sa itinakdang collection target para sa buwan ng Hulyo. Kabilang sa kinapos sa kanilang July target ang mga tanggapan ng BOC sa Aparri, Legaspi at Surigao. Sa datos ng BOC Financial Service, nakapagtala lamang ng P80.56 milyon ang Port of Aparri – malayo sa July target na P99.82M. Sablay rin…
Read MoreTALAAN NG IMPORTERS, KAKAPUNIN DIN – RUIZ
MAKARAANG sumambulat ang Commission on Audit (COA) report hinggil sa bulilyasong kinasasangkutan ng 974 importers, tiniyak ng bagong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na kagyat nilang rerebisahin ang talaan ng mga kumpanyang may rekord ng mga paglabag sa umiiral na reglamento ng gobyerno. Ayon kay Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, malaking bentahe sa kanyang tanggapan ang inilabas na ulat ng COA, kasabay ng pahiwatig na magiging bahagi ng kanilang batayan ang naturang COA report para sa accreditation renewal ng mga importers. Sa ulat ng COA, lumalabas na nagawa…
Read MoreTinitimbang pa kung karapat-dapat BALASAHAN MALABO PA
Ni JOEL O. AMONGO SA layuning tiyaking walang inutil at pasaway sa pinamumunuang ahensya, mas mahigpit na mekanismo ang inilatag ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa mga opisyales sa iba’t ibang tanggapan ng kawanihan. Ayon kay Ruiz, isinailalim na ng kanyang tanggapan ang pagsusuri ng 17 district collectors batay sa kanilang nagawa mula nang italaga sa pwesto ng nakaraang administrasyon. Sa ngayon aniya, maganda pa naman ang ipinapamalas ng mga opisyal na pasok sa kategorya ng “hold-over positions,” kabilang ang 17 district collectors at mga tumatayong hepe sa…
Read MoreDONAIRE LALABAN PA
HINDI pa rin isasabit ni Nonito Donaire Jr. ang kanyang gloves. Halos dalawang buwan matapos ang second round knockout sa kamay ni Japanese ’Monster’ Naoya Inoue sa kanilang world bantamweight unification rematch, nagdesisyon ang tinatawag na “The Filipino Flash” na ipagpatuloy ang kanyang boxing career. Katunayan, bababa ng timbang si Donaire sa super-flyweight division upang hamunin si WBO 115-lb champion Kazuto Ioka at legend Roman “Chocolatito” Gonzalez. Nakipag-usap na si Donaire sa kanyang promoter Probellum hinggil sa intention niyang makasagupa sina Gonzales at Ioka. Si Ioka ang tumalo kay Donnie…
Read MorePH PARA-ATHLETES NANORPRESA
HINIGITAN pa ng Filipino para-athletes ang expectations ng Philippine Olympic Committee (POC) sa 11th Asean Para Games sa Sukakarta, Indonesia. Huling Para Games ay noong 2017 sa Kuala Lumpur at dahil sa kakulangan ng preparasyon bunsod ng COVID-19 pandemic, hindi inaasahan ng POC na magpapakitang gilas ng husto ang Pinoy different-abled athletes. Nasungkit ni Sander Severino ang apat na gintong medalya sa chess, pinakamarami sa 144-member PH Team, ngayon ay may total 21-gold medals, o nahigitan na ang 20 napanalunan sa KL. Hindi rin nagpahuli ang mga swimmer na sina…
Read MoreAsian Volleyball Confederation Cup for Women UAAP CHAMP NU IKAKASA NG ‘PINAS
DALAWA lang sa 14-member national women’s volleyball squad na sasabak sa Asian Volleyball Confederation Cup for Women ang hindi kabilang sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champ National University. Ito ay sina Trisha Mae Genesis ng Akari at Jelaica Gajero ng California Precision Sports, habang ang 12 ay pawang NU members na sa pangunguna ni Rookie at Most Valuable Player Mhicaela Belen. Ang 11 pang NU players ay sina Ivy Keith Lacsina, Shaira Jardio, Evangeline Alinsug, Princess Robles, Shena Toring, Jennifer Nierva, Nicole Mata, Alysa Solomon, Camilla Lamina,…
Read More