DOJ kumunsulta sa prison expert PAMAMALAKAD NI BUCOR CHIEF BANTAG NAPUNA

MATAPOS tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections (BuCOR) at ang kontrobersyang kinasasangkutan nito ay nakasisira sa imahe ng bansa, kumonsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international prison reform expert para sa pagbalangkas ng plano sa pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa. Ang pakikipagpulong ni Remulla kay Prof. Raymund Narag, dating inmate na nakulong ng 7 taon subalit ngayon ay associate professor na Southern Illinois University ay tila dagok naman sa pamumuno ni BuCor chief Gerald Bantag. Sinabi ni Atty. Nico Clavano…

Read More

Tauhan laglag sa drug buy-bust CALOOCAN SUB-STATION POLICE OFFICIALS, SINIBAK

IPINAG-UTOS ni Northern Police District  (NPD) Director Brig. Gen. Ulysses G. Cruz  na sibakin sa puwesto ang hepe ng Caloocan City Police Station (CCPS) Bagong Silang Sub-station (Sub-station 13) at ilan pang mga opisyal nito kasunod ng pagkakaaresto sa isa nitong tauhan sa isinagawang drug buy-bust operation sa nabanggit na lungsod noong Huwebes, Agosto 4 ng taong kasalukuyan. Ayon sa NPD, kabilang sa mga dinisarmahan ang commander ng Sub-Station 13, assistant commander, shift supervisor at team members kasunod ng pagkakaaresto sa pulis na kinilalang si P/Cpl. Mark Jefferson Lopez, 30, ng Samson Road, Caloocan City.       …

Read More

GINANG, 2 PA NA-SCAM SA ONLINE STORE

MALUHA-LUHA ang isang babaeng nagdadalantao matapos na ang perang pinag-ipunan nilang mag-asawa para pambili ng rechargeable electric fan ay nauwi lamang sa panloloko ng isang online store. Kuwento ng pinsan ng biktima na si John Jaymhil Mataya, taga Mogpog, Marinduque, noong Hulyo 23, nag-order ang kanyang pinsang si Lyn ng solar rechargeable electric fan  sa isang online store na nakita nito ang ads sa Facebook, sa halagang P1,500. Subalit laking pagkadismaya ni Lyn nang ang dumating sa kanya ay apat na pares ng mga luma at sirang sapatos. Pinag-ipunan pa naman aniya nila…

Read More

DEATH TOLL SA LINDOL, 11 NA

UMAKYAT na sa 11 ang bilang ng mga namatay sa lindol na tumama sa Northern Luzon. Batay sa pinakahuling ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 na ang naitalang namatay sa lindol. Kabilang sa mga ito ang sampu sa Cordillera habang isa naman sa Region 1, ayon sa latest situation report mula sa NDRRMC. Ang pang-11 namatay ay isang 59-anyos na lalaki mula sa Tubo, Abra na nagkaroon brain injury dahil sa gumuhong bubong na gawa sa kawayan na may nakaibabaw na sako ng lupa. Nauna…

Read More

21 PULIS KINASUHAN SA DEADLY HAZING

PORMAL nang sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang 21 pulis ng 503rd Maneuver Platoon, Regional Mobile Force Battalion 5, na umano’y responsable sa pagkamatay ng kabarong pulis na si Jaypee De Guzman Ramores noong Hulyo 26, ayon sa PNP Police Regional Office 5. Isinampa ang kaso sa Masbate Prosecutor’s Office noong Huwebes. Ayon kay Police Major Malou Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, isinugod sa Ticao District Hospital si Ramores noong Hulyo 22 nang mag-collapse ito matapos umanong magsagawa ng noontime road run sa bayan ng San Jacinto. Pero nailabas…

Read More

10 PATAY SA ROAD MISHAP SA GENSAN

patay

GENERAL SANTOS CITY – Umakyat na sa sampu katao ang namatay habang anim na iba pa ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan na kinabibilangan ng commuter van, winged truck at Raptor Ford pick-up truck sa Purok 4 National Highway, Brgy. Batomelo sa lungsod na ito. Ayon sa ulat, bumangga ang isang SUV sa cargo truck, at pick-up truck, na maghahatid ng isang grupo sa GenSan mula sa team-building activity sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte. Ayon sa ulat, ang mga pasahero ay pawang mga empleyado ng General Santos…

Read More

LALAKI NAG-SUICIDE SA NAIA DEPARTURE AREA

PALAISIPAN sa mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagpapakamatay ng isang 26-anyos na lalaki na tumalon sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAA) Terminal 1 noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Michael Laureno, 26, tubong Barangay Sto. Niño, South Cotabato, at nagtratrabaho bilang helper sa Sto. Tomas, Batangas. Batay sa report ng mga awtoridad, nadala pa ang biktima sa Pasay City General Hospital ngunit binawian ng buhay sa naturang pagamutan. Sa kasalukuyan, hindi pa malaman ang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima. Sinisikap naman…

Read More

PULIS, 1 PA NATIKLO NG PDEA SA P3.4-M SHABU

UMABOT sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3,400,000 ang halaga ang nakumpiska mula sa isang aktibong pulis at kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA RO-NCR noong Huwebes ng hapon sa Caloocan City. Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR, Northern District, sa panulukan ng Zabarte Road at Camarin Road, Brgy. 172, Caloocan City na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek. Batay sa report ng mga operatiba kay RO-NCR Regional Director Christian O. Frivaldo, sa ilalim ng direktiba ni Director General Wilkins M. Villanueva,…

Read More

145K OFWs handang ilikas AFP, DFA NAKATUTOK SA NAMUMUONG TENSYON SA TAIWAN

(CHRISTIAN DALE) SANIB-PUWERSA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagmo-monitor sa mga kaganapan sa Taiwan kasunod ng sorpresang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi. Nauna nang nagpahayag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mahigpit na tinututulan ng China ang pagbisita sa Taiwan region ni Pelosi. Ipinunto ni Ambassador Huang na tutol ang China sa anomang opisyal na pagpapalitan o pagbisita sa pagitan ng US at Taiwan sa rehiyon ng China. Giit din ni Huang, ang Taiwan ay hindi…

Read More