SA hangaring isulong ang mas malusog na kalakalan, binigyang pagkilala ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga lehitimong importers na nakapag-ambag ng malaki sa pinaigting na programa ng pamahalaan. Sa isang pagtitipong ginanap kamakailan sa tanggapan ng Port of NAIA, pinarangalan ang tatlong kumpanyang nakapagsampa ng angkop na buwis at taripa kalakip ng mga kalakal na ipinasok sa bansa sa ikalawang sangkapat ng kasalukuyang taon. Sa harap ng mga panauhing kinabibilangan ng mga negosyante at mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya, pinarangalan ni…
Read MoreAuthor: admin 2
P8-B CASH ALLOCATION SA MAGSASAKA INILABAS NG DBM
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang alokasyon na nagkakahalaga ng mahigit sa 8 bilyong piso para pondohan ang subsidiya sa eligible rice farmers. Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na inaprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, noong Biyernes, ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P8,053,474,140 sa Department of Agriculture (DA). “This will fund the distribution of the P5,000 subsidy for more than 1.5 million rice farmers affected by the impact of the Rice Tariffication Law on the third and fourth quarter…
Read More250 KASO NG EJK HINIHIMAY NG NBI
ISINASAILALIM na sa masusing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 250 pang kaso ng “extra-judicial killings”. “Prior to our assumption to office there are 250 other cases referred to the NBI by Secretary [Menardo] Guevarra and the NBI is working on them,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Nilinaw pa nito na ang 250 kaso ay iba sa 52 kaso na unang isinumite ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice. Sa naunang 52 kaso, sinabi ni Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na anim na ang nabasura…
Read More48% PINOY POBRE PA RIN — SURVEY
KUMPARA sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon, mas maraming Pilipino ang naniniwalang sadlak pa rin sila sa kahirapan dulot ng kabi-kabilang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin sa merkado. Sa pinakahuling resulta ng survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS) sa huling bahagi ng buwan ng Hunyo, tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kumbinsidong pasok sila sa kategorya ng maralita. Mula sa 43% noong Abril, umakyat sa 48% ng 1,500 respondents ang nagsabing nabibilang sila sa mahihirap na pamilya. Mula sa 34% bumaba naman…
Read MoreQC TOP PERFORMING CITY – DOF
ITINANGHAL ang Quezon City bilang top performing city sa bansa sa usapin ng revenue collection, ayon sa Department of Finance’s Bureau of Local Government Finance. Sa memorandum circular ng bureau na may petsang Hulyo 29 ngunit inilathala noong Martes, ipinakita ang Quezon City na nakaipon ng mahigit P22.91 bilyong buwis noong nakaraang taon. “Ang kita sa buwis ng lungsod ay nagmula sa buwis sa real property, buwis sa negosyo at iba pang buwis, tulad ng amusement, transfer, at mga kontratista bukod sa iba pa,” sabi ng pamahalaang Lungsod Quezon noong Miyerkoles.…
Read MoreUMONT ISUSULONG NI CONG. NOGRALES
(BERNARD TAGUINOD) PAGSASAMAHIN ang dalawang unibersidad sa bayan ng Montalban, Rizal sa ilalim ng University of Montalban (UMont) upang mas maraming kabataan ang makinabang at mapagbuti pa ang kalidad ng edukasyon sa ikaapat na distrito ng lalawigan. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) No. 2590 na inakda ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe F. Nograles na layong pagsamahin ang Colegio de Montalban (DCM) at University of Rizal System (URS) Montalban campus. “Sa ilalim ng House Bill 2590, maglalaan tayo ng kaukulang pondo upang magpatayo ng mga gusali…
Read MorePagkilala sa legasiya ni Macoy FEMSU ITINUTULAK SA KONGRESO
NAGHAIN ng panukalang batas si Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba para ipangalan kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang Mariano Marcos State University (MMSU) sa Ilocos Norte. Kapag naisabatas ang House Bill (HB) No. 2407 na inakda ni Barba, tatawagin na bilang FEMSU o Ferdinand E. Marcos State University ang MMSU, bilang pagkilala sa legasiya ng dating pangulo. Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1279, itinatag ng dating pangulo ang nasabing state university at ipinangalan niya ito bilang pagkilala sa kanyang amang si Don Mariano R. Marcos na isang abogado,…
Read More2 PATAY SA KAMBAL NA AKSIDENTE SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang tricycle driver nang masalpok ng dalawang truck sa Maharlika highway sa Brgy. San Ignacio, San Pablo City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Oriel Jumawan dahil sa mga pinsala sa ulo nang tumilapon ito at bumagsak sa sementadong kalsada Base sa report ng San Pablo City Police, huminto sa gitna ng southbound lane ng highway ang tricycle upang lumiko sa isang intersection nang salpukan ito sa likuran ng kasunod na Forward aluminum wing van truck na minamaneho ni Castor Esgallera…
Read MoreTOP 1 MWP NG CIDG ARESTADO
CAVITE – Arestado sa bisa ng warrant of arrest ng mga operatiba ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG) ang top 1 most wanted person regional level na isang 45-anyos na kitchen staff sa isinagawang Oplan Pagtugis sa bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinila ang naaresto na si Dexter Basilio y Miranda, binata, ng GMA, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 noong Lunes ng hapon, nagsagawa ng Oplan Pagtugis at Salikop ang mga operatiba ng Southern MMDFU NCR CIDG (lead unit), RDB-SAF at DMFB…
Read More