CHECKPOINT INARARO NG VAN, 2 SUGATAN

CAVITE – Sugatan ang dalawa katao habang nawasak ang dalawang motorsiklo gayundin ang nakaparadang mobile patrol makaraang araruhin ng van sa isang checkpoint sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Isinugod sa UMC Hospital ang mga biktimang sina Reginald Plaga, nasa hustong gulang, at Paulino Sabagay Jr., 28, dahil sa mga sugat sa katawan nasira naman ang kanilang motorsiklo gayundin ang motorsiklo ng isang Edsel Rex Etol, 27, at ang mobile patrol ng Dasmariñas City Police na may conduction sticker na A1 D082. Kasong reckless imprudence resulting in serious…

Read More

Sa TEVES CARES Aksyon Tulong Solusyon Umarangkada na nationwide

Nagsimula nang umarangkada sa buong bansa ang Teves Cares Aksyon Tulong Solusyon ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnie Teves. Sa Live Raffle TONIGHT LANGGA! sa facebook ni Cong. Teves sa loob ng nakalipas na apat araw, as of 10:00AM, August 01, 2022, ay nakapagtala na ito ng 9.3k 15k comments at 3.1k shares. Ang Live Raffle ni Teves ay tinangkilik ng mga Pilipino mula sa ibat-ibang dako ng bansa. Kabilang na rito, ay ang live na nakau- sap mismo ni Cong. Teves si Sharlene Longino ng Brgy. Naguirayan, bayan…

Read More

47.2 PERCENT NG BARANGAY WALANG HEALTH CENTERS

SA gitna ng mga isyung may kinalaman sa kalusugan, iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano ang kahalagahan ng pagtatayo ng barangay health centers kasabay ng pagsusulong ng mga specialty hospital sa iba’t ibang rehiyon. Sinabi ni Cayetano na nasa 47.2 percent ng barangay sa buong bansa ang walang health centers. Ipinaliwanag ng senador na mahalaga ang papel ng mga barangay health centers para sa pagpapatupad ng mga healthcare programs. Iginiit ni Cayetano na katulad ng mga specialty hospital, mahalagang mayroon ding health centers dahil ito ay nakatutok sa pagpapanatili ng…

Read More

VETERAN NEWSMAN BAGONG DSWD USEC FOR OPERATIONS

ITINALAGA bilang undersecretary for operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang beteranong mamamahayag na si Jerico Francis L. Javier. Ang 46-anyos na si Javier, nasa industriya ng pamamahayag sa loob ng 25-taon, ay pormal na nanumpa sa tungkulin nitong nakalipas na Martes, Agosto 2. Bilang beteranong mamamahayag, nag-cover ito sa Philippine National Police (PNP) at Department of National Defense (DND) para sa pahayagang People’s Journal at People’s Tonight. Tumatak naman sa taumbayan ang isiniwalat nitong balita bilang segment producer ng TV5 sa umano’y talamak na transaksyon ng…

Read More

PINAS MAY 2 KASO NA NG CENTAURUS SUBVARIANT

DALAWANG kaso na ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA 2.75 o “Centaurus” ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa isinagawang genome sequencing. Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang dalawang kaso ay nasa Western Visayas. Ngunit kapwa nakarekober na mga ito. Isa sa kanila ang “partially vaccinated” habang ang isa ay hindi pa nababakunahan ng pangontra sa COVID-19. Patuloy na inaalam pa ng DOH ang mga impormasyon nila kabilang ang travel history, mga nakasalamuha at lagay ng kanilang kalusugan sa ngayon. Bagama’t itinuturing na mas nakahahawa kaysa ibang subvariants,…

Read More

P32-B SUPPLEMENTAL BUDGET SA SCHOOLS IPASA NA – SOLON

IGINIIT ni House Deputy Minority Leader France Castro sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa na ang kanilang resolusyon na bigyan ng P32 billion supplemental budget ang public schools upang hindi na magastusan ang mga guro sa paghahanda sa kanilang mga eskwelahan. Ginawa ni Castro ang nasabing panawagan sa liderato ng Kamara matapos simulan ng Department of Education (DepEd) ang Brigada Eskwela para ihanda ang mga paaralan bago magsimula ang school year sa Agosto 22. “Most teachers and school heads rely heavily on donations from parents to repair…

Read More

KULONG SA MALILIGO, MAGLALABA SA BANGKETA

HANGGANG anim na buwang pagkakakulong o kaya multang P30,000 ang parusang ipapataw sa mga gumagamit ng bangketa para sa kanilang negosyo at mga personal na dahilan. Sa House Bill (HB) 1252 o “Unobstructed Sidewalks Act”  na inakda ni Pangasinan 5th District Rep. Ramon Guico Jr., pagmumultahin din ng hanggang P500,000 ang local officials na mabibigong ipatupad ang batas sa kanilang nasasakupang lugar. “Public places then, such as sidewalks are not to be used for personal purpose,” ani Guico, subalit maraming bangketa aniya ngayon sa bansa ang hindi mapakinabangan ng mga tao dahil…

Read More

PBBM MAY NAPIPISIL NANG PLLO CHIEF

MAY napipisil na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mamumuno sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO). Ito’y matapos manawagan si Senador Chiz Escudero kay Pangulong Marcos na magtalaga ng “high caliber Cabinet member” bilang pinuno ng PLLO na magsisilbing epektibong “point person” sa pagitan ng Malacañang at Kongreso para sa pagsulong ng legislative agenda ng chief executive. Ginawa ng senador ang pahayag para maiwasan ang tinawag niyang “bill vetoing-spree” ng Malacañang. Matatandaang vineto ng Pangulo ang limang panukala na inaprubahan ng Kongreso kabilang ang tax exemption sa honoraria ng mga…

Read More

MATAAS NA POWER RATES SA ILOCOS PINALAGAN NG P4P

KINONDENA ng electricity consumers, sa pangunguna ng Power for People Coalition (P4P), ang abot-langit na presyo ng kuryente na binabayaran ng mga residente ng  Ilocos Norte at Ilocos Sur. Sa kabila anila na ito ang tahanan ng Bangui Windmills, na naging simbolo ng kampanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang mga residente ng Ilocos Norte na pinagseserbisyuhan ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC), ay nagbabayad ng aabot sa P16.767 kada kilowatt hour, habang ang Ilocos Sur residents na kumukuha ng elektrisidad mula sa Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc. (ISECO) ay may…

Read More