MALUGOD na tinanggap ng Department of National Defense ang pagkakahirang ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kay Lieutenant General Bartolome Vicente “Bob” O. Bacarro bilang 58th Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay Defense Officer-in-Charge (OIC) Jose Faustino, Jr., “Ang paghirang kay Tenyente Heneral Bacarro bilang Chief of Staff ay magandang pahiwatig para sa AFP”. Si General Bacarro ang magiging unang opisyal na itinalaga sa ilalim ng Republic Act No. 11709 (RA 11709), na nagkabisa noong Hulyo 1, 2022 na nag-aatas ng fixed tour of…
Read MoreAuthor: admin 2
MAG-INA RUMAMPA SA CENTER ISLAND, 1 PATAY
CAVITE – Patay ang isang 67-anyos na babae na naka-angkas sa motorsiklo ng kanyang anak nang rumampa sa concrete center island ang kanilang sasakyan sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Parehong dinala sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mag-inang sina Gloria Benasa at Jerome Benasa, 37, kapwa residente ng Pactus Compound, Brgy. Salawag, Dasmariñas City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang una. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police, ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ni Jerome ang kanyang motorsiklong…
Read MoreJEEP SUMALPOK SA PADER 1 PATAY, 4 SUGATAN
BATANGAS – Isa ang patay habang apat namang iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok sa pader sa gilid ng kalsada ang kanilang sinasakyang jeep sa JP Laurel Highway, Barangay Tambo, Lipa City sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ng Lipa City Police ang namatay na si Christopher Medina, 25-anyos, isang security guard. Sugatan naman ang driver na si Jemuel Hernandez, 24, at mga pasaherong sina Patrick Isaac Panganiban, 19; Jaem Medina, 21, at isang menor de edad na estudyante. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pasado ala-1:00 ng madaling araw, tinatahak ng…
Read MorePAGBUBUKAS NG KLASE SA AUG. 22 KASADO NA
ALL-SET na ang pagsisimula ng School Year (SY) 2022-2023, na nakatakda ngayong Agosto 22, ayon sa Department of Education (DepEd). Sa unang araw ng Agosto ay sinimulan ang 2022 National “Brigada Eskwela” Kick-off sa Imus Pilot Elementary School sa Cavite. Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, ang pagbubukas ng klase ngayong taon ay posibleng magdulot ng kagalakan at pagkabahala sa ilang mga guro, magulang at mag-aaral. Aminado si Duterte na bukod sa COVID-19 ay maraming iniisip ang bawat isa na malaking hamon sa pang-araw-araw lalo na sa…
Read MoreSD CARDS LIGTAS SA SUNOG SA COMELEC
WALANG dapat ikabahala ang publiko dahil walang nadamay na mahahalagang gamit ng Commission on Elections (Comelec) sa pagkasunog ng bahagi ng gusali nito sa Palacio Del Gobernador, Intramuros, Manila, Linggo ng gabi. Pagtiyak ni acting spokesperson Rex Laudiangco, walang nasunog na SD cards sa Information Technology Department (ITD) lalo na walang SD cards sa buong premises ng Comelec Main Office. “Lahat po iyan ay nasa aming secured warehouse na mas mataas po ang antas ng proteksyon. Kung makikita po ninyo, hindi po kami nag-store kahit ng [Vote Counting Machine] dito.…
Read MoreP445-M ni-release ng ahensya DRIVERS, OPERATORS SA ‘LIBRENG SAKAY’ BAYAD NA – LTFRB
ISANG buwan pa lang sa ilalim ng administrasyong Marcos ay naibigay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangakong kabayaran sa drivers at operators ng mga Public Utility Bus (PUB) sa EDSA Busway na nasa ilalim ng Libreng Sakay Service Contracting Program (SCP). Ayon sa kasalukuyang datos, nakapagbayad na ang ahensiya ng P445.46M para sa anim hanggang 13 linggo ng SCP Phase 3 at pinoproseso na rin ang kabayaran para naman sa 14 hangang ika-15 na linggo. Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil, nakikipag-koordinasyon na…
Read MoreTIRADOR NG MGA BUMBAY PATAY SA PULIS
HINDI na naisalba ng mga doktor ang buhay ng isang lalaki makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis matapos na mangholdap ng isang Indian national sa Las Piñas City. Unang dinala sa Las Piñas District Hospital ang suspek na si Gian Bautista y Mendoza, 37, taga SJDM, Bulacan makaraang tamaan ng mga bala matapos maka-engkwentro ang mga pulis dakong alas-12:30 ng hapon noong Linggo sa harap ng isang fastfood restaurant sa Casimiro St. sa Brgy. Talon Uno, Las Piñas City. Kalaunan ay inilipat ang sugatang suspek sa South Super Highway…
Read More3 NASA WATCHLIST HULI SA SHABU SA QC
TATLONG drug suspect ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska ang 20 gramo ng umano’y shabu. Ayon kay QCPD Director P/BGen. Remus B. Medina, ang mga suspek ay kinilalang sina Rodjunior Salvador, 30; Arjie Lacanlale, 30, at Jerson Alcara, 30, pawang mga residente ng Brgy. Batasan Hills, at nakalista sa Directorate for Intelligence drug watch list. Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust operation ang SDEU ng PS-6 dakong alas-6:00 ng gabi noong Lunes sa Masbate St., Brgy. Batasan Hills, makaraang magbigay ng impormasyon ang isang confidential informant tungkol sa…
Read MoreBOOSTER ROLLOUT SA PASIG BINISITA NI PBBM
PERSONAL na sinadya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “Pinas Lakas event” sa Pasig Sports Complex para tingnan kung maganda at mahusay ang isinasagawang booster rollout sa nasabing lungsod. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na kailangang magpabakuna ang lahat o kumuha ng booster shot dahil hindi naman aniya lingid sa kaalaman ng lahat na hanggang ngayon ay may COVID-19 pa rin sa bansa. “Masyado tayong minamahal (ng COVID dito) sa Pilipinas, ayaw tayong iwanan, kaya’t kailangang magpabakuna tayo ng mabuti, dahil siguro naman nabalitaan na ninyo maraming mga…
Read More