ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si George Erwin Garcia bilang Chairman ng Commission on Elections. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na isinumite na ng Pangulo ang pangalan ni Garcia sa Commission on Appointments. Si Garcia, dating Comelec Commissioner ay naging abogado ni Pangulong Marcos. Siya rin ang kumatawan kay Senador Grace Poe sa kanyang citizenship case sa Korte Suprema noong 2016. Naging abogado rin si Garcia ni dating Manila Mayor Isko Moreno. (CHRISTIAN DALE) 228
Read MoreAuthor: admin 2
Sa pagpanaw ni FVR 10-DAY ‘NATIONAL MOURNING’ IDINEKLARA
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 10 araw na “national mourning” dahil sa pagpanaw ni dating Fidel V. Ramos, sa edad na 94. Ang 10 araw na “national mourning” ay magsisimula sa official announcement sa pagkamatay ng dating Pangulo nitong Linggo, Hulyo 31 at magtatapos sa Agosto 9, 2022 Ayon sa Chapter 1 ng Republic Act No. 8491 o “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” “the Philippine flag shall be flown at half-mast as a sign of mourning on all buildings and places it is displayed.” Nauna…
Read MoreVETO-PROOF BILLS DAPAT MATIYAK SA ITATALAGANG PLLO CHIEF
HINIMOK ni Senador Chiz Escudero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga na ng isang “high caliber Cabinet member” bilang pinuno ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO). Sinabi ni Escudero na dapat ang PLLO Secretary ay epektibong point person sa pagitan ng Malakanyang at Kongreso sa pagsusulong ng legislative agenda ng Pangulo. Layon ng panawagan ng senador ang maiwasan ang “bill vetoing-spree” ng Malakanyang makaraang i-veto ni Pangulong Marcos ang limang panukala na ipinasa ng 18th Congress kabilang na ang tax exemption sa honoraria ng mga guro na nagsisilbi sa…
Read More8 TODAS SA BATANGAS KILLER HIGHWAY
BATANGAS – Walo katao ang patay sa isa na namang aksidente na kinasangkutan ng tatlong sasakyan sa tinaguriang killer highway sa lalawigan, ang Nasugbu-Tagaytay highway, nitong Lunes ng umaga. Batay sa Batangas Provincial Police office, nangyari ang aksidente dakong alas-4:45 ng umaga sa palusong na bahagi ng highway sa Sitio Lodlod, Barangay Aga, sa bayan ng Nasugbu. Kinasangkutan ito ng isang dump truck na kargado ng buhangin, isang motorsiklo at isang Mitsubishi Xpander. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck na patungo sa direksyon ng Nasugbu galing sa Mexico, Pampanga, habang…
Read MoreNO. 3 MWP SA MASBATE, NASUKOL SA CAVITE
CAVITE – Natunton sa bayan ng Naic sa lalawigang ito ang no. 3 most wanted person ng Masbate na may patong sa ulo na P150,000 at naaresto sa bisa ng warrant of arrest noong Linggo ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si Jumar Del Rosario Tugbo, 38, construction worker, residente ng Saklangan St., Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Richard Atienza ng Naic Police Station, dakong alas-6:45 ng gabi nang nagsagawa ng operasyon ang RID5 RSOU (lead unit) kasama ang Uson MPS, RID NCRPO, DCADD QCPD, RID…
Read MorePAGKUMPUNI SA MGA KALSADANG SINIRA NG LINDOL, PATAPOS NA
MALAPIT nang matapos kumpunihin ang mga kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) makaraang sirain ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra nitong nakaraang linggo. Ito ang ibinida ni Public Works Secretary Manuel Bonoan. Aniya, ang Tagudin-Cervantes Road sa Region 1 at Halsema Highway sa CAR na lamang ang kasalukuyang tinatapos. Mula ito sa 21 national at secondary roads sa CAR at Region 1 na kabuuang naapektuhan ng lindol. Sa pagtataya ng DPWH noong Hulyo 29, nasa P396.58 milyon na ang tinatayang halaga ng pinsala sa…
Read More67-ANYOS NA LOLA NATUSTA SA SUNOG
BULACAN – Isang 67-anyos na matandang babae ang namatay makaraang ma-trap sa kanyang bahay nang sumiklab ang sunog at mabilis na tumupok sa apat na kabahayan sa Barangay San Marcos, sa bayan ng Calumpit, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi at naapula nitong Lunes ng madaling araw. Base sa isinumiteng report kay P/Col. Charlie A. Cabradilla, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang biktimang si Leah H. Regala, residente ng Purok 2, Barangay San Marcos, Calumpit, na nadiskubreng patay na matapos ang sunog na tumagal na halos tatlong…
Read MoreILANG BAHAGI NG GUSALI NG COMELEC MAIN OFFICE NASUNOG
AGAD naapula ng mga pamatay-sunod ang apoy mula sa ika-7 palapag kaya ligtas at walang nasunog na mga dokumento at equipment sa lahat ng mga opisina at departamento ng main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Manila pasado alas-6:00 ng gabi nitong Linggo. Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, Director III, Law Department acting spokesperson, nang sumiklab ang sunog sa gusali ng nasabing palapag ay tanging ang reception area ng Information Technology Department (ITD) ng Comelec ang tinupok ng apoy. Ayon sa ulat ng Manila Fire…
Read MorePROTOCOL NG QC VS MONKEYPOX KASADO NA
MAKARAANG matuklasan ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas noong Biyernes, naglatag ng mga hakbang ang Quezon City government bilang paghahanda sa posibleng pagpasok ng virus sa lungsod. Ang Quezon City Health Department (QCHD) ay bumuo ng mekanismo ng pagtugon sa pagharap sa monkeypox na nauukol sa pag-iwas; maagang pagtuklas; pamamahala at paghihiwalay ng isang pinaghihinalaan, malamang, at kumpirmadong kaso, at pagsubaybay sa contact. “Kami ay mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) mula noong Mayo, nang mag-ulat sila ng pagtaas ng mga kaso ng monkeypox sa ibang mga…
Read More