It was awarded Mall of the Year and ESG Initiative of the Year for the Philippines. Recognising the important role of malling in Filipino culture, SM Supermalls continues to expand and improve its shopping experience for its customers. This year, it was recognised for two major awards in the recently concluded 17th Retail Asia Awards. It is a prestigious annual event that gathers the region’s best retailers and recognises the most outstanding retail initiatives. The first it received is for Mall of the Year – Philippines. SM Supermalls launched #SafeMallingAtSM,…
Read MoreAuthor: admin 2
GO NEGOSYO, DTI NAGPULONG UKOL SA MSME PARTNERSHIPS
Sa courtesy call kamakailan ni Go Negosyo founder Joey Concepcion kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ay tinalakay ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa DTI at mga plano upang higit pang isulong ang pag-unlad ng MSMEs. Si Concepcion ay nagsisilbi ring Vice Chair ng Micro, Small and Medium Enterprises Development Council. Napag-usapan ang papel ng “digital transformation” bilang tagapagtaguyod para sa mga MSMEs, gayundin ang digital alliance na itinatag ng Go Negosyo noong 2019 at paano nito matuturuan ang MSMEs na gumamit ng mga pamaparaang digital…
Read MorePROBE IKINASA SA NASUNOG NA ARMY AMMO COMPLEX
“TINIYAK namin ang transparency sa imbestigasyon upang maiwasan ang mga katulad na mapanganib at magastos na insidente na mangyari sa hinaharap.” Ito ang naging pahayag ni Philippine Army chief, Lt. General Romeo Brawner Jr., matapos na personal niyang suriin ang lawak ng pinsala at at kabuuang estado ng Army 4th Infantry Division kasunod ng nangyaring sunog sa kanilang ammunitions complex sa Camp Edilberto Evangelista, Patag, Cagayan de Oro noong Martes ng madaling araw. Bagaman’t nalulungkot si Lt. Gen Brawner sa panyayari, pinapurihan ng Army Commanding General ang 4th Infantry “Diamond” Division…
Read MoreHIGH SCHOOL SA LAGUNA IIMBESTIGAHAN NG NBI SA SEXUAL ABUSE
LAGUNA – Isang special team ang binuo ng National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang alegasyong sexual, verbal, at emotional abuses sa Philippine High School for the Arts (PHSA) sa lalawigang ito. Ito ay base sa kautusan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa usapin upang malaman kung sino ang dapat na mapanagot sa insidente. Ayon kay NBI Officer-In-Charge Medardo de Lemos, pinagre-report ang special team sa loob ng pitong araw. Sa liham na natanggap ng kanilang tanggapan noong Hulyo 11, 2022, mula sa tanggapan…
Read MoreMGA OPISYAL NG DA PINULONG NI PBBM
PINULONG na rin ni Pangulong Marcos Jr. ang key officials ng Department of Agriculture pagkatapos niyang pangunahan ang ikalawang cabinet meeting kamakalawa. Kabilang sa mga napag-usapan sa virtual meeting ang Rice Tariffication Law, kasalukuyang estado ng bigas at livestock production at ang pagtataas sa produksiyon ng high-value commercial crops at iba pa. Dumalo sa naturang meeting sa hanay ng DA sina Undersecretary Leocadio Sebastian, Undersecretary-designate Kristine Evangelista, Assistant Secretary-designate Engr. Arnel De Mesa at Ms. Imelda Arida, Executive Assistant of Undersecretary Sebastian. Nasa pulong din sina Executive Secretary Victor Rodriguez,…
Read More3 MIYEMBRO NG JERICO CRIMINAL GROUP LAGLAG SA CIDG-NCR
TATLONG kilabot na miyembro ng Jerico criminal group na sangkot sa gun for hire, gun running at illegal drugs activities ang nasakote ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit NCR sa No. 35 CMLI Compound, Sitio Belmonte, Brgy. Bagong Pag-Asa, Quezon City. Ayon kay PNP-CIDG-NCR Regional Field Unit chief, Police Col. Randy Glenn G. Silvio, ipinatupad ng kanyang mga tauhan ang kanilang CIDG Flagship Project on OPLAN PAGLALANSAG OMEGA, OPLAN BIG BERTHA at Oplan SALIKOP noong Martes. Nagresulta ito sa pagkakadakip sa tatlong suspek dahil sa…
Read MoreGRADUATION NG NEOPHYTE SOLONS PURNADA SA COVID?
NAPURNADA ang graduation ng neophyte congressmen matapos magpositibo umano sa COVID-19 ang isa sa mga participant sa orientation seminar. Ito ang kumalat na impormasyon sa Kamara kahapon subalit ito ay itinanggi ng liderato ng Kamara. “We were just advised postponed today (ang graduation). As to the reason, wala pa pong disclosed reason ang organizers,” pahayag ni Celine Buencamino ng House of Representative Information Center. Nakatakda sana kahapon, Miyerkoles, ang graduation ng ikatlong batch ng mga bagitong mambabatas na dumaan sa orientation seminar mula noong Lunes. Sa kanilang graduation, bibigyan ang mga ito…
Read MoreBIDA KID CAMPAIGN PARA SA SAFETY PROTOCOLS, INILUNSAD NG DEPED
BILANG bahagi ng 124th Founding Anniversary ng Department of Education (DepEd), isinagawa ng ahensya ang National School Launch ng BIDA Kid Campaign sa San Roque National High School (SRNHS) sa Antipolo City upang mapalakas ang ‘safe return to schools measures’ noong Hulyo 7, 2022. Kaugnay sa planong pagpapatupad ng face to face classes sa lahat ng mga paaralan sa susunod na school year, pinalakas ng DepEd ang panawagan nitong sundin ang health and safety protocols sa mga paaralan, kabilang ang BIDA Kid Campaign, na isinusulong ang 3Bs: Bakuna (Vaccination), Bayanihan (Solidarity), and BIDA behaviors.…
Read MorePORT OF CEBU NAGPASIKLAB, KOLEKSYON SUMIPA SA P20B
MISTULANG pasiklab ang ipinamalas ng Port of Cebu makaraang magtala ng tumataginting na P20.19-bilyong koleksyon para sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Sa kalatas ng BOC-Cebu, lumalabas na sobra pa ng P3.053 bilyon (katumbas ng 17.81% increase) ang kanilang nalikom kumpara sa target ng 2022 1st semester. Para kay BOC-Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza, hindi kagulat-gulat ang kanilang naitalang midyear collection dahil aniya sa higit pa sa nakatakdang target ng kanilang distrito ang kanilang ipinapasok na pondo mula sa buwis at taripa ng pumapasok at lumalabas na…
Read More