287 BOC PERSONNEL SAPUL SA RIGODON

SA hangaring tuldukan ang iregularidad sa kawanihan, umabot sa 287 Customs personnel ang apektado sa isinagawang paglilinis ng Bureau of Customs (BOC) sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Sa kalatas ng BOC, 67 pang karagdagang Show-Cause Orders ang inilabas ng kawanihan mula Enero hanggang Hunyo 2022 alinsunod sa kampanya ng ahensya laban sa katiwalian at giit na panunumbalik ng integridad ng kanilang mga tanggapan – kabilang ang 17 district collection offices sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa mga naturang SCOs, sibak ang tatlong empleyado, habang pito naman…

Read More

BOC-SUBIC, BPI AT BFAR SANIB PWERSA VS. AGRI-SMUGGLING

SA direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na tumugon ang tanggapan ng Bureau of Customs sa Subic, kasabay ng paglu­lunsad ng isahang pagkilos kasama ang tatlong iba pang ahensya, laban sa agricultural smuggling. Sa pangunguna ni Port of Subic District Collector Mari­tess Martin, isang pulong ang isinagawa ng kanyang tanggapan kasama ang mga opisyales at kinatawan ng BOC-Subic, National Meat Inspection Service (NMIS), at Bureau of Plant Industry – Plant Quarantine Service (BPI-PQS) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa kolektibong pagkilos at palitan ng datos.…

Read More

Sa unang 6 buwan ng 2022 CUSTOMS HUMATAW KONTRA SMUGGLERS

ALINSUNOD sa polisiya ng bagong administrasyon sa kalakalan, kakaibang sigasig ang ipinamalas ng Bureau of Customs (BOC) sa kabi-kabilang operasyon kontra smuggling. Sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon, sumipa sa 293 operasyon ang inilunsad ng mga kawani mula sa BOC Intelligence and Enforcement groups, kasama ang iba pang katuwang na ahensya ng gobyerno. Sa datos ng ahensya, umabot na rin sa P8.37 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam ng kargamento – kabilang ang P5.23-bilyong halaga ng mga kalakal na pasok sa kategorya ng “counterfeit goods,” P1.67-bilyong halaga…

Read More

USAPANG MANOK AT ITLOG

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO LUMIKHA ng ingay sa social media ang reklamo ng mga dismayadong netizens hinggil sa umano’y kapos na supply ng manok sa merkado. Maging sa mga food chains na kilala sa kanilang kakaibang timpla ng fried chicken, wala silang nakuha. Hindi maikakailang kinakapos tayo ng supply ng manok sa mga pamilihang bayan. Dangan naman kasi, asa lang tayo sa supply na inaangkat pa mula sa mga karatig bansa sa Asya. Ang masaklap, hindi lang manok ang kapos sa merkado, pati itlog limitado na rin sa…

Read More

GUIDELINES PARA SA SCHOOL YEAR 2022-2023, INILABAS NG DEPED

IPINALABAS ng Department of Education (DepEd) ang mga alituntunin hinggil sa School Calendar and Activities para sa School Year 2022-2023 alinsunod sa pagpapatuloy ng ‘5 days of in-person classes’. Nilagdaan ni Vice President and Secretary Sara Z. Duterte noong Lunes, itinakda ng DepEd Order No. 034, series of 2022, ang pagsisimula ng klase sa Agosto 22 at matatapos sa Hulyo 7, 2023. Magkakaroon ng 203 school days o maaaring determinahin sa susunod pang ipalalabas na order sakaling magkaroon ng pagbabago sa school calendar dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari. Sa nasabing…

Read More

IMBAKAN NG BARIL, BALA NG KANYON SUMABOG

IPINASISIYASAT ng pamunuan ng Philippine Army ang pagsabog at pagkasunog ng ammunition complex ng Forward Service Support Unit sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa ulat na ipinarating kay Army Commanding General, Lt. Gen. Romeo Brawner, sumiklab ang sunog sa ammunition complex pasado ala-una ng madaling araw. Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, base sa salaysay ng mga sundalo at mga residente malapit sa nasunog na pasilidad, may narinig silang pagsabog hanggang sa nakitang nagliliyab na ang gusali. Ayon kay Major Francisco Garello,…

Read More

1 PATAY, 5 MISSING SA GUMUHONG PADER

TAGAYTAY CITY – Isa ang patay, dalawa ang nilalapatan ng lunas sa ospital habang limang iba pang mga trabador ang hindi pa natatagpuan makaraang matabunan ng lupa dahil sa gumuhong pader sa lungsod na ito, noong Lunes ng gabi. Dead on arrival sa Tagaytay Medical Center si Ronilo Casaljay y Cahusay, 52, foreman; habang nilalapatan ng lunas sina Marco Paulo Abarrientos y Abocejo, 33, project engineer, at Ton Velasquez, 26, dahil sa mga sugat sa katawan. Pinaghahanap pa ang mga biktimang sina Niño L. Velasquez, 46;  Daniel Nesperos y Blaza, 29; William F.…

Read More

3 WANTED NALAMBAT SA CALOOCAN

PINURI ni Caloocan City Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan ang pulisya ng lungsod sa dagling pagsisimulang linisin ang listahan ng mga most wanted person ng lungsod, matapos na iharap sa kanya ang ilang nasakoteng wanted suspects. Ani Malapitan, iprinesenta ng pulisya sina Christian Madrona, ikatlo sa most wanted sa kasong rape; Sonny Abrasaldo, high value individual sa kasong attempted murder, robbery hold-up at pagkakasangkot sa ilegal na droga, at Ricardo Dela Cruz, high value individual sa kasong pagnanakaw o theft at pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ayon sa punong-lungsod, nagpapasalamat…

Read More

RIDING IN TANDEM PATAY SA TRAILER TRUCK

KAPWA itinanghal na bangkay ang magka-angkas sa motorsiklo nang mabundol ng trailer truck nitong Martes ng madaling araw sa panulukan ng United Nations Avenue at San Marcelino St., Ermita, Manila. Kinilala ang dalawang biktimang sina Jake Tiburania, nagmamaneho ng motorsiklo, at Brix Deuna Urot, backrider, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Rodriguez, Rizal. Batay sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa naturang lugar Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawang biktimang lulan ng motorsiklo ang westbound ng UN Avenue habang ang…

Read More