NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang no.8 most wanted person ng Ilocos Norte dahil sa kasong 19 counts ng rape, sa isinagawang Oplan Pagtugis sa Caloocan City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang arestado na si Rodrigo Rafael alyas Jay-Ar Rafael, 39, electrician, ng Brgy. 178, Camarin, Caloocan City. Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang CIDG RFU NCR hinggil sa pinagtataguan ng suspek sa Caloocan City kaya agad silang bumuo ng team na pinamunuan ni P/Lt. Col. Calvin Cuyag. Kasama ang mga tauhan ng 83rd Coy,…
Read MoreAuthor: admin 2
RUFFA BIG FAN NI MADAM IMELDA
HULING pelikulang nagawa ni Ruffa Gutierrez ay isang Metro Manila Filmfest official entry na “The Mall, The Merrier” last 2019 at guest role lang siya rito. Kaya nga ba nang ialok sa kanya ang role bilang dating first lady na si Madam Imelda Romualdez Marcos para sa movie na”Maid in Malacañang”ay agad-agd niya itong tinanggap kahit pa sabihin magdo-double time siya para mapag-aralan ang role. Ilang linggo lang kasi ang kanilang magiging shooting days dahilan sa may playdate na ang biopic na “Maid in Malacañang” sa July 20. Isa sa nagbigay ng…
Read MorePOKWANG HIWALAY NA SA AMERICAN PARTNER
November 2021 pa pala hiwalay sina Pokwang at Lee.O’Brian. Kinumpirma eto ni Ogie Diaz sa YouTUbe Channel nila ni Mama Moi. Si Pokwang ay may anak ss American partner, si Malia. 2015 nang magkaroon ng relasyon sina Pokwang at Lee na nagkakilala sa pelikulang Edsa Woolworth na produced ng TFC noong 2014. Ayon kay Ogie, “Last November 2021 pa wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’ Brian. Kaya si Papang Lee ngayon ay nagsosolo ng tirahan at may hanapbuhay yata at nakatakdang umuwi si papang sa…
Read MoreJODI NINANG SA BINYAG NG ANAK NINA PAMPI AT IWA
Um-attend si Jodi Sta. Maria sa binyag ng anak nina Iwa Moto at Pampi Lacson. Si Pampi ang ex husband ng Kapamilya aktres. Ibinahagi ni Iwa ang mga kuhang sa binyag ng kanilang anak kung saan kasama si Jodi na nakangiti. Thank you ninong and ninangs!!! We love you!!” ang caption ni Iwa. Dagdag pa ng Kapyso aktres, “CJ you are lucky that you are surrounded with prople that love you so much. Anak alam mong mahal na mahal ka namin. And we will always be here for you. Always…
Read MoreANGELIKA DELA CRUZ NILOOBAN ANG BAHAY
Kinumpirma ng actress politician na si Angelika dela Cruz na nilooban ang kanilang bahay kamakailan. Sa kabila ng lahat, labis siyang nagpapasalamat dahil ligtas ang ina at kapatid na si Mika dela Cruz. “Sa mga nagtatanong po totoo po yan… nagpapasalamat po ako sa mga tanod ng Barangay Longos at mga pulis sa agarang responde at nahuli po ang tao. Salamat din po sa Diyos at walang nangyaring masama sa Mommy ko at kay Mika,” saad ni Kapitana sa kanyang Facebook account. Biyernes ng madaling araw nang pasukin ng magnanakaw…
Read MoreLOTILLA ITINALAGANG ENERGY SECRETARY
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Raphael Perpetuo Lotilla bilang bagong Kalihim ng Department of Energy. Matatandaang itinalaga na rin siyang Secretary of Energy sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, mula 2005-2007. Bago pa ito, siya ay naging Pangulo ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM). Siya rin ay naging Deputy Director General ng National Economic Development Authority (NEDA). Isa rin siyang propesor sa University of the Philippines kung saan siya nagtapos ng kanyang Bachelor of Laws. Nakamit niya ang kanyang Masters of Laws mula…
Read MoreFISH AIRCRAFT CARGO NAG-EMERGENCY LANDING SA DAMUHAN
NAG-EMERGENCY landing ang isang fish aircraft cargo sa damuhang bahagi ng runway ng Sangley airport matapos magkaroon ng problema ang landing gear nito. Ayon sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang eroplano na isang ATR aircraft BE58 at may registry number R-PC 5916, ay patungo sanang Cuyo, Palawan para magkarga ng mga isda. Matapos mag-take off, napansin ng pilotong si Captain Jesse Bihasa at co-pilot na si James Patrick Bala na may problema ang right landing gear ng eroplano kaya’t nagpasya ang mga ito na bumalik…
Read MoreALERT LEVEL NG BULKANG TAAL IBINABA
MULA sa Alert Level 2 ay ibinaba na sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ito ay dahil sa paghupa ng mga aktibidad ng bulkan. Ayon sa PHIVOLCS, ang kondisyon ng Taal sa nakalipas na dalawang buwan ay maituturing nang baseline volcanic earthquake activity. Bukod dito, naging maayos na rin ang pamamaga ng bulkan at humina ang degassing nito. Sa kabila nito, patuloy na pinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island. (CYRILL QUILO) 323
Read MoreDALAW SA BILIBID HULI SA HIGIT P2-M SHABU
ARESTADO ang 33-anyos na babae matapos tangkaing itakas ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2.3 milyon sa New Bilibid Prison (NBP). Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilala ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) na si Raquel Artiaga Zuñiga, residente ng Masaraga St., Tatalon, Quezon City. Nahuli si Zuñiga ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BUCOR) personnel matapos kapkapan at matuklasan ang apat na transparent plastic bag na…
Read More