PANGARAP talaga ng dating Belladonnas dancer na si Quinn Carillo na mapasok ang mundo ng showbiz, kung hindi man sa harap ng kamera qualified naman siya sa off cam works tulad ng pagsusulat ng screenplay. True, may talent si Quinn sa paggawa ng screenplay at istorya at ilan na sa ginawa niya naisalin na sa pelikula. Sa ngayon, nahaharap sa malaking hamon si Quinn sa kanyang showbiz career, bukod sa siya ang co-screenplay writer ng movie na dinirehe ni Direk Joel Lamangan, ang “Biyak” ay isa pa si Quinn ang…
Read MoreAuthor: admin 2
SINGIT NI MAUREEN, PINAGPIYESTAHAN SA SOCMED
May posted photo ang ex ni JK Labajo na si Maureen Wroblewitz sa kanyang Instagram account. Isang sexy photo kung saan naka-skimpy two-piece bikini ang former beauty queen. Nilagyan niya ito.ng caption na “I choose silence for my peace and healing.” Iba naman ang nasa isip ng netizen. Pinaglalaway lang umano ni Maureen ang ex na si JK. “Of course she chose to post a sexy photo! Hi hi pampalaway sa ex why not choc nut. Kami rin.. naglalaway” “kinis ng singit… yummy. “posting pics na ganyan to say she’s…
Read MoreCLAIMANT SILAT SA P17.25M SHABU
ARESTADO sa pinagsanib na controlled delivery operation kontra-droga ang isang claimant sa aktong pagtanggap ng bagaheng naglalaman ng P17.25-milyong halaga ng shabu, sa Pasay City. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), timbog sa pinag-isang operasyon ng mga operatiba mula sa BOC-Clark, Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), X-Ray Inspection Project (XIP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hindi pinangalanang claimant nito lamang nakalipas na linggo. Sa datos ng kawanihan, idineklarang mga tsokolate, kape at kendi ang laman…
Read MoreSMUGGLED YOSI, HAGIP SA SUBIC!
TUMATAGINTING na P131.14 milyong halaga ng sigarilyo ang nabulilyaso ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs sa Port of Subic – pangalawa ngayong buwan. Sa kalatas ng ahensya, timbog sa BOC-Intelligence Group seized ang tatlong 40-footer containers na naglalaman ng 3,160 master cases ng mga sigarilyong tangkang ipinuslit umano ng isang malaking sindikato sa likod ng cigarette smuggling sa naturang puerto. Paglilinaw ni BOC-Subic District Collector Maritess Martin, sigasig at hindi intelligence report ang susi sa pagkasabat ng naturang kontrabando. Aniya, gamit ang mga modernong x-ray scanners at pagrerebisa…
Read MorePasok mula Enero hanggang Hunyo DAGDAG P118-B MULA SA BOC FUEL MARKING
TUMATAGINTING na P118-bilyong ganansya ang pasok sa banga ng bangkaroteng gobyerno sa bisa ng Fuel Marking Program ng Bureau of Customs (BOC) para sa unang anim na buwan pa lamang ng kasalukuyang taon. Sa isang kalatas ng kawanihan, umabot din sa siyam na bilyong litro ng mga produktong petrolyo sa merkado ang sinuri ng mga kawani ng BOC bilang tugon sa direktibang kalakip sa probisyong nakasaad sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na sadyang binalangkas bilang panabla sa malawakang fuel smuggling sa bansa. Sa ilalim…
Read MoreMga kumpiskadong agri-products SIBUYAS, CARROTS PATABA NA LANG SA MGA SAKAHAN
MISTULANG pataba na lang sa mga lupang sakahan ang P15-milyong halaga ng mga agri-products na laman ng limang 40-footer containers na nasabat ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao International Container Terminal Services, Inc. (MICTSI). Sa kalatas ng tanggapan ng ahensya, tanging lagda na lang ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang hinihintay ng MICTSI para tuluyan nang gilingin at ibaon sa lupa ang laksa-laksang sibuyas at carrots na nasabat ng kanilang tanggapan. Ayon kay information officer Cris Angelo Andrade ng BOC-Region 10, nakatakdang wasakin ang…
Read More200 IMPORTERS TINABLA, 64 BROKERS SINUSPINDE
SINAMPOLAN ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa 200 kumpanyang pasok sa negosyo ng pag-angkat ng mga kalakal mula sa ibang bansa, bunsod ng hayagang paglabag sa umiiral na batas kaugnay ng taripa at mga ipinapatupad na reglamento ng kawanihan. Bukod sa 200 importers, kinastigo rin ng kawanihan ang 64 licensed customs brokers na napag-alamang sablay sa pagtalima sa importation requirements na mga kargamento ng kanilang mga kliyenteng kumpanya. Sa isinapublikong ulat ng Public Information and Assistance Division (PIAD), lumalabas na umabot sa 6,580 importation permits ang nirebisa…
Read MoreGINANG PATAY SA LANDSLIDE
PATAY ang isang babae nang matabunan ng rumaragasang putik at bato sa paanan ng bundok kasunod ng landslide sa bahagi ng Sitio Labangan-Hacienda, Barangay Gabon, Abucay, Bataan. Ayon sa datos na nakalap ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO 3, isang pamilya ang naitalang naapektuhan ng pagguho ng lupa at isa naman ang naitalang namatay. Kinilala ng Abucay MDRRMO at ng Bataan PNP ang biktimang si Roselyn Dela Cruz, 27, empleyado ng Labangan Resort na sakop ng pinangyarihan ng trahedya. Ayon sa ulat, Sabado ng madaling araw nagsimulang bumuhos…
Read MoreKADETE TUMAKAS SA PNPA?
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police Academy (PNPA) kung tumakas ang isa nilang bagong kadete na nadiskubreng nawawala sa kanilang ‘reveille’ sa Camp Castañeda sa Brgy. Tartaria, sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Si Cadet Rolando Victor Balasabas ay nadiskubreng nawawala nang magsagawa ng bilangan ng mga kadete sa kanilang “reveille” dakong ala-1:00 ng hapon. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Johnny Dumangeng ng Silang Police Station, huling nakita ang biktima dakong alas-2:00 noong Sabado ng madaling araw na pumasok sa CR sa…
Read More