Holdap lang sana ang pakay SUSPEK SA PAGPATAY SA LADY ENGINEER UMAMIN

UMAMIN na ang suspek na si Darwin De Jesus sa pagpaslang nito sa lady engineer na si Princess Dianne Dayor na natagpuang naaagnas sa isang madamong lote noong Hulyo 5. Ayon sa report ni P/Lt. Col. Ferdinand Germino, hepe ng Malolos City Police, kay Bulacan PNP acting director Col. Charlie Cabradilla, noong Sabado ng hapon ay napilitang aminin ng suspek ang krimen. Inamin ng suspek ang krimen sa tumatayong mga abogado nito na sina Atty. Eunice Zulueta, Atty. Mary Jane Sabangan at Atty. Ted Saludo. Ang pagtayo ng mga abogado sa panig…

Read More

LGUs, barangay officials kilos na! LAHAT NG SAGABAL SA KALYE WALISIN -DILG

IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur’ Abalos sa local government units (LGUs) na gawing “free major roads and alternate routes” ang kani-kanilang hurisdiksyon mula sa lahat ng obstructions o sagabal na hadlang sa maayos na takbo ng trapiko. Ang paggamit aniya sa mga lansangan bilang parking slots para sa mga motorista kabilang na ang harapan ng ng mga business establishment at harap ng bahay ng mga motorista na walang sariling garahe ay nagdudulot ng ‘bottleneck’ sa mga major at alternative roads, lalo na…

Read More

FUTURE DRUG BUYERS TUTUTUKAN NI ABALOS FUTURE DRUG BUYERS TUTUTUKAN NI ABALOS

ITUTUON ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang illegal drugs campaign ng pamahalaan sa pag-discourage sa future buyers mula sa paggamit ng shabu at iba pang illegal drugs substance. Sinabi ni DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ang special focus ay para sa mga kabataan, na para sa kanya ay paboritong puntiryahin ng illegal drugs syndicates. “Can you imagine, kung kasama mo lahat yung mga (illegal drug) buyers di ba. You will get let’s say to Metro Manila, you will go to the Visayas, you will…

Read More

‘KRISTO’, ‘SANTO PAPA’ ARESTADO SA DROGA

WALANG inirekomendang piyansa ang korte sa isang 26-anyos na kapangalan ni ‘Jesus of Nazareth’ na nadakip sa bisa ng warrant of arrest sa San Andres Bukid, Maynila. Kinilala ang suspek na si Jesus Nazareth y Agao, binata, tambay at residente ng San Andres Bukid. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District – Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-10:00 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa Dagonoy Street sa San Andres Bukid. Ayon ito sa direktiba ni MPD Director, P/Brigadier General Leo “Paco”…

Read More

Para makontrol paglaganap muli ng COVID VACCINATION SITES, BUKSAN SA LAHAT NG WALK-INS

UPANG makontrol ang paglaganap muli ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, kailangang buksan na sa lahat ang vaccination sites para mabigyan ng boosters shot ang lahat. “We need to open our vaccination sites for walk-ins, for everybody, regardless of the city or province they are coming from,” giit ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Florence Reyes. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag nang umabot na sa mahigit 10,000 ang COVID-19 active cases sa bansa base sa report ng Department of Health (DOH). Sinabi ng mababatas, kailangan mabigyan ng booster shot ang…

Read More

BBM NAGPOSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa antigen test para sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, may bahagyang lagnat ang Pangulo, Biyernes ng umaga pero tiniyak na maayos ang kalagayan nito. Aniya pa, pinayuhan na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga taong nakasalamuha o nagkaroon ng close contact sa Pangulo na obserbahan ang kanilang sarili kung may sintomas sila ng COVID bilang bahagi ng protocol. Hinggil naman sa iskedyul ng Pangulo, sinabi ni Sec. Cruz-Angeles na si Executive Secretary Vic Rodriguez ang…

Read More

PBBM MAGTATALUMPATI SA UN MEET SA NEW YORK

(CHRISTIAN DALE) TINITINGNAN na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United Nations General Assembly sa New York sa Setyembre kung saan magbibigay ito ng kanyang talumpati. Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na posible rin ang side meeting ni Pangulong Marcos kay US President Joe Biden. Iyon nga lamang, sinabi ni Romualdez na mas gusto niya ang hiwalay na inaugural bilateral summit sa pagitan ng dalawang lider ngayong taon sa Washington, D.C. Bukod dito, posible rin magkaroon ng bilateral meetings si Pangulong Marcos sa…

Read More

MAGKAPATID NAGLARO NG GRANADA, 1 PATAY

granada

DAVAO DEL SUR – Patay ang isang pitong taong gulang na bata habang malubha namang nasugatan ang kanyang nakababatang kapatid nang sumabog ang isang granada na hinihinalang pinaglaruan ng dalawa sa bayan ng Malalag sa lalawigang ito. Sa ulat ng Malalag Municipal Police Station, noong Huwebes ng umaga nang maganap ang grenade explosion na ikinamatay 7-anyos at Grade 1 pupil na batang lalaki habang sugatan naman ang limang taong gulang na kapatid nito. Lumitaw sa paunang imbestigasyon na isang hand grenade ang napulot ng magkapatid habang naglalaro malapit sa kanilang bahay. Posibleng…

Read More

Sa nagpapatuloy na sama ng panahon 3 LALAWIGAN SAPUL NG BAHA, LANDSLIDE

HINDI bababa sa 1,000 pamilya mula sa ilang lokalidad ng tatlong lalawigan ang apektado sa matinding buhos ng ulan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasabay ng babala ng mas malawak pang pagbaha at posibilidad ng mga pagguho ng lupa kung magpapatuloy pa ang sama ng panahon. Sa mga ulat na nakalap ng NDRRMC, nasa 1,000 pamilya ang apektado sa flashfloods at landslides na naitala sa Banaue (Ifugao Province), Mati City (Davao Oriental) at Cebu City bunsod ng mabigat na buhos na ulan dulot ng Habagat.…

Read More